Andrea “Ate Jane, paabala po muna pakibuksan kami ng gate,” nakangiting pakiusap ko sa kaniya ng maalala ko ang gate. “Oo nga ano,” sabi pa nito bumungisngis din. Kasi nga nagba-bye na ako sa kaniya ng maisip ko ang gate walang magbubukas at magsasarado noon. Nang makalabas kami ng gate. Napansin kong mayroon nakaupo sa maliit namin na gate. Kumunot ang noo ko. Mama ito ni Kier ah! Si Tita Alfonsa? Hindi na niya ako inantay makapunta ako ng school. “Andeng may bisita yata kayo,” kinalabit ako sa braso ni ate Lucy. Tumango ako tumingin sa unahan kay kuya Sonny. “Kuya Sonny, tigil po muna kilala ko po ‘yung may-edad na babae nakaupo sa maliit na gate.” Utos ko sa kaniya. “Ah, kamag-anak n'yo ba siya senyorita?” tanong ng madaldal na si ate Lucy. “Hindi po ate Lucy. Kakilala ko lang po,” tugon ko. Tumigil kami nakaharang tuloy kami sa main gate namin. Mabuti hindi na aalis si dad, kaya okay lang medyo matagalan kami rito nakaharang. Binuksan ko ang pinto. Napatingin ako
Last Updated : 2025-03-23 Read more