Andrea Sa pagkain lang ako nakatuon. Alam ko kanina pa panay sulyap ni Atlas, kasi panay tikhim at nasilip ko, tingin nang tingin sa 'kin, tila kinukuha ang atensyon ko kahit wala naman siyang sore throat. “Atlas, uminom ka nga ng tubig kanina ka pa r’yan,” masungit kong sabi ngunit mahina lang tumawa. Talaga nga papansin ng kurimaw na ito kung ano na lang maisip gawin. “Uso pa naman ngayon ang ubo. Baka mamaya sunod niyan uubuhin kana kasi may sore throat ka.” Sinamangutan ko kasi parang biro lang dito ang sinabi ko. “Because you're avoiding eye contact with me. Titigan mo naman ako, baby. Kahit isang sulyap mo lang okay na ako," Napawaang ang labi ko sa sagot nito. “KSP,” bulong ko. “Anong meaning noon, baby?” tanong pa nito naka tawa pa rin. Gayunpaman sinagot ko pa rin kahit na alam ko naman gusto lang nito akong subukan. “Kulang sa paligo at Isip bata pa?” “Tapusin mo na pagkain mo mamaya mo na ako awayin aalis pa tayo,” sagot nito hindi pinatulan ang patutsad
Last Updated : 2025-03-03 Read more