Nang makalapit ito kay Kenneth ay kaagad niyang binulong dito ang nangyari. Kalmado lang si Kenneth sa katotohanang iyon at hindi niya nakitaan ng kahit anong emosyon.“Ako ng bahala sa mga bata at sa pamilya ko,”Tumango si Ghill sa sinabi ni Kenneth, sakto naman na nasa iisang silid sila Karylle at magulang niya dahil susunod na ang dance sa reception.“Mga anak sama kayo saakin,”Tumango ang dalawa kay Kenneth at sumunod sa kaniya. Nang makapasok sila sa loob ay inihabilin ni Kenneth ang mga anak sa magulang. Pumayag naman ang mga ito at aalis na sana si Kenneth ng magsalita si Karylle.“May problema ba? Nakita ko na kinausap ka ni Ghill, kita ko ang pagdilim ng muka mo.”Tunay na mapagmasid ang kaniyang kapatid. Wala talaga siyang maitatago dito, sabagay kilalang kilala siya nito kaya kahit anong lihim ay malalaman at malalaman din nito agad.“Nothing, just enjoy your wedding,” ngiting sabi niya dito at umalis na doon.Hindi niya hahayaan na masira araw ng kaniyang pinaka mamahal
Terakhir Diperbarui : 2025-03-14 Baca selengkapnya