TANGHALI nang umuwi sila Tisoy kasama ang lalaki na palaging nambubully sa kaniya noon. Simula ng dumating si Sarah sa kanilang lugar ay nabago ang pananaw ng mga bata. Lalo na ang magkaroon ng magandang pinag aralan upang magkaroon sila ng magandang kinabusan.Noong una, ang tingin ng mga bata kay Sarah ay isang estranghero na aalis din sapagkat ang alam nila ay kapag araw na ng auction ay aalis na ito. Not until naging close nila si Sarah, bawat araw na punta nito doon ay inaabangan nila katulad nalang ngayon.“Wala pa si ate Sarah?” tanong ng matangkad na lalaki na siyang pasimuno sa pang bu-bully kay Tisoy noon.Kinausap ito ni Sarah, at matapos ang one on one na usapan ng mga ito ay nag bago ang binata. Tila nga naging anghel ito lalo pa at inaalagaan na nito ang mas nakababata sa kaniya.“Wala pa rin,”“Hindi kaya ito na ang araw kuya?”Natahimik sila sa tanong ng isang bata. Alam nila na darating ang araw na iyon pero hindi ganon kabilis. Lalo pa at ayaw na nilang mawala ito ng
Huling Na-update : 2025-01-26 Magbasa pa