“LET’S start the bidding everyone!”Narinig nila Jake at Tisoy na nagsisimula na ang bidding. Dahil doon aay pinapunta na ni Jake ang mga ito sa pwesto nila. Si Jake at Tisoy ang naka pwesto sa may silid na tutuluyan sandali ni Sarah bago tuluyang umalis kasamanang nakabili dito habang ang iba pa nilang kasama ay sa di kalayuan para mag bantay sa kanila kung sakali.“Ang starting price natin, 10 Million!” Pagkasabi niyon ng emcee ay agad na nagsitaasan ang mga hawak na bilog at nagsabi ng kanilang price.“11 Million!”“15 Million!”“18 Million!”“20 Million!”Halos magulantang si Sarah sa kaniyang narinig na presyo ng mga ito. Milyong milyong pera ang binibigkas ng mga kalalakihan na magkakasama sa loob ng silid na yun. Naisip niya na ganoon kadami ang pera ng mga kalalakihan na naroroon! Hindi pala simpleng mga tao ang naroroon kundi mga bigatin.“20 Million, going once?” salita pa ng emcee.“21 Million!”“23M!”“25M!”“30M!”“100M!”Napatingin ang lahat sa nagsalita ng 100M at kita
“ATE nandito po kami para iligtas ka,”Nanlaki ang nata ni Sarah ng marinig ang sinabi ng dalawang bata sa kaniya.“Iligtas?! Delekado ang ginagawa niyo! Baka may gawing masama ang amo niyo sa inyo!”Umilis ang dalawa sa sinabi niya at hinawakan ang kamay ni Sarah at marahang hinala palabas doon.“Kami ang bahala ate Sarah. Nagpagplanuhan namin ito!” Sabi ni Jake at pagkalabas nila ay naroroon ang tatlo pa nilang kasama at sinabing walang ibang tao kaya safe sila.Hindi na naka react pa si Sarah dahil hinila na siya ng mga ito papunta sa kung saan. Wala naman siyang alam sa lugar na iyon kaya hindi niya masabi kung tama ba ang dinadaanan nila o hindi. Isa pa ang kinakatakot niya ay ang maaaring gawin ng amo ng mga ito. Nakaharap na niya ito at pinagbantaan pa siya kaya hindi niya gugustuhin na madamay ang mga bata.Sa kabilang banda naman, matapos ang napakaraming congratulate kay Florence ng mga tao na narooon ay sinamahan siya ng mga tauhan papunta sa office ng kanilang amo. Doon ma
NAPAHIWALAY naman si Sarah kay Kenneth at naalala ang mga bata na kasama niya.“I-iligtas natin ang mga batang magtatakas sana sakin! Naiwan ang tatlo naming kasama!”Nagkatinginan si Ghill at Kenneth sa narinig habang si Sarah ay humarap kila Jake.“Ituro niyo saamin ang daan, hindi ko hahayaan na mapahamak sila!”Mas lalong namangha ang dalawang bata kay Sarah sa sinabi nito. Hindi talaga sila iiwanan ng babae, kaya tama lang ang desisyon nila na iligtas ito.Tumango naman ang dalawa at tumakbo na pabalik kaya sumunod sila dito. Hinanda na nila Kenneth ang kanilang baril para sa pagligtas sa mga bata, marami mang katanungan sa isip ay mamaya nalang niya iyon iisipin lalo na at mahalaga na mailigtas nila ito.Ang kaso, huli na silang lahat.“Keil! Jhon! Dan!”Umiiyak na sigaw ni Jake maging ni Tisoy dahil nakita nilang nakahandusay na sa sahig ang tatlong lalaki at may tama ng baril. Mga nakapikit na ang mga ito kung kaya ang pumasok sa isip ng mga bata ay wala na silang buhay.Si Sa
MAS lalong natakot ang lalaki dahil sa paraan ng pagsasalita nito. Sobrang lamig niyon at himig na himig niya ang galit sa boses nito. Alam niya na kaya siya nitong patvyin sa isang iglap lang. Habang papalapit si Kenneth sa lalaki ay siya namang atras nito habang nag iisip ng maaari niyang gawin upang makatakas.“How dare you abduct my wife and sell her here?”Nanlaki ang mata ng lalaki ng marinig ang sinabi ni Kenneth.“W-wife?”“Yes! Sarah is my wife at ang lakas ng loob mong hawakan siya at iharap sa mga lalaking ‘yon!”Dahil sa pagkabigla ay hindi siya nakalayo agad kay Kenneth at kinuwelyuhan siya nito.“How dare you sell her hundreds of millions while she’s not an object to be sell! How dare you?!”Sinuntok ni Kenneth ang lalaki na ikinabagsak nito sa sahig. Agad siyang lumapit dito at muling pinagsusuntok. Walang nagawa ang lalaki kundi hayaan ito sa pang bubugbog sa kaniya. Ngayon naiiintindihan na niya kung paano siya natunton ng Dragon Organization, dahil asawa nito si Sara
HABANG nasa byahe sina Sarah, hindi siya makaramdam ng kahit na anong kaba basta ang gusto niya ay mailigtas ang mga ito. Kita niya kung paano maghirap ang mga bata sa pamamalimos para lang magkaroon sila ng pang kain at matitirhan. Hindi pa nga ayos ang kanilang tirahan dahil sa sahig sila natutulog at tanging karton lamang ang sapin.Ngayon na sila naman ang nangangailangan ng tulong ay siya ang magtataya ng buhay para sa mga bata. Si Kenneth naman ay kanina pa palihim na nililingon si Sarah. Kita niya anv pagkaseryoso sa muka nito at halatang walang makakapigil dito. Well, ayos lang sa kaniya since andoon naman siya para protektahan ito.Nag ring ang cellphone niya kaya sinagot niya ito. “Noted, palibutan niyo.” Yan lang ang tanging sinabi nito sa kabilang linya at pinatay na.“Malapit na tayo, ready yourself.”Tumango si Sarah sa sinabi ni Kenneth at maya maya ay huminto sila di kalayuan sa warehouse kung nasaan ang mga bata. Mayroong pumasok na dalawang babang tauhan ni Kenneth s
SA bahay nila Iya, magkasama silang dalawa ni Florence. Wala ang magulang niya at nasa ibang bansa para sa kanilang negosyo kung kaya naroroon silang dalawa ni Florence. Noon pa nila iyon gawain kapag wala ang magulang. Papauwiin niya lahat ng katulong at sila magpapakasaya sa bahay.Kakain na sana sila ng tanghalian ng mayroong mag doorbell sa kanila. Dahil nga walang ibang tao doon ay si Iya na ang nag prisinta na tignan kung sino ang nasa labas. Nang makita kung sino ang nandoon ay laking gulat niya ng makilala ito.“Bakit ka nandito?!” mahinang gulat na tanong ni Iya sa lalaki.“Ma’am ! Tulungan niyo ako, nawala lahat ng tauhan ko pati ang lugar ko, dahil sa babaeng pinatugis niyo saakin na si Sarah!” mabilis na sabi ni Manny, ang siyang pinag utusan ni Iya para dukutin si Sarah.Nagulat si Iya ng malaman ang sinabi ng lalaki pero ang mas kinaiinis niya ay ang pagkatakas ni Sarah!“What?! Bobv! Simple lang pinapagawa ko pero hindi mo magawa?!”“Ma’am malakas ang back up niya. Hind
SI Ghill ang nag asikaso sa mga bata na dinala nila sa DSWD. Nagpasagawa si Kenneth ng special treatment para sa mga bata at lahat ng yun ay siya ang gagastos. Bali wala iyong pera na magagastos niya para lang makitang masaya ang asawa. Lahat talaga ay gagawin nito para kay Sarah kaya maging si Ghill ay napapailing nalang sa sobrang in love nito.Kakakausap lang ni Ghill sa pinakang head kung saan nagpapagawa sila ng bagong property sa tutuluyan ng mga bata ng tawagin siya ni Tisoy. Simula ng mapunta doon ay si Tisoy ang walang araw na hindi inisip ang huling usap nila ni Kenneth.Mayroon siyang kakaibang pakiramdam na kagustuhan niyang sumama sa lalaki.“Tisoy, ikaw pala. Mabuti at naabutan mo ako,” malaking ngiti na sabi ni Ghill dito.“Inaantay ko po talaga ang pag balik niyo dahil may sasabihin po ako,”Dahil seryoso ang muka ni Tisoy habang nagsasalita ay sumeryoso din si Ghill at hinarap ito ng ayos.“Ano ‘yun?”“Gusto ko po na sumama sa inyo bilang representative namin dito. Gr
“Yan ang sinasabi ko kanina pa! Ayaw mo lang ako patapusin e!” reklamo ni Ghill sa kaibigan ng makalapit sila kay Tisoy.“Hey, are you alright?” alalang tanong ni Kenneth.“Y-yes po. Sumakit lang po ulo ko,”Inakay ni Kenneth ang bata papunta sa mini sala na naroon at pinaupo ito. Pinakuha niya rin kay Ghill ng tubig ang bata at pinainom ito.“Bkit sumakit ang ulo mo? May iba pa bang masakit sayo?”“Wala na po kuya Kenneth, salamat po sa inyo ni kuya Ghill.” Ngiting sabi ng bata na maayos na ang pakiramdam ngayon.“Call us tito nalang, Tisoy.” Sabi ni Ghill na ikinasang ayon ni Kenneth.Doon na rin nagtanong si Kenneth kung bakit naroroon siya. Muli ay sumeryoso si Tisoy at sinabi ang gusto niyang mangyari. Katulad ni Ghill ay natigilan rin si Kenneth. Napatingin pa siya sa kaibigan at tumango ito bilang sign na tunay ang sinasabi ng bata.Muling tumingin si Kenneth sa bata at kinausap ito.“Tisoy, masyado ka pang bata. Dapat ay ineenjoy mo lang ang buhay mo ano ka ba,”“Mas mag eenjo
“LOLO, sabi niyo po uuwi si mommy?”“Apo, baka busy si mommy mo. Sabi niya kanina uuwi daw siya e. Baka nagkaroon ng emergency.”Nakita ng ama ni Sarah ang lungkot sa muka ni Scarlett ng marinig ang sinabi niya. Naiintindihan niya ang bata, ngayon lang sila nagkasamang mag ina hanggang sa lumaki ito tapos wala pa ito lagi.Naalala niya tuloy noon nung maliit pa si Sarah, iniwan sila ng kaniyang unang asawa kung kaya silang dalawa lang ni Sarah. Wala pa nun ang asawa niya ngayon dahil limang taon bago naging sila. Syempre masakit sa kaniya ang pag iwan ng unang asawa napabayaan niya si Sarah.Hindi naman siya nag bisyo, sinubsob niya ang sarili sa trabaho hanggang sa nakalimutan niya ito. Kada uuwi siya ay sabik na sabik si Sarah ngunit wala siyang gana. Ganoon na ganoon ang lungkot sa muka ni Scarlett ngayon at sa muka ni Sarah noon.“How is she?” tanong ng asawa sa kaniya ng lumabas ito ng silid ni Scarlett.Hinayaan muna nila ang bata para makatulog ito. Ayaw din nila na mastorbo an
“HI, nandito ba si Florence?”Napatingin ang sekretarya ni Florence kay Sarah at ngumiti dito. Kahit na seryoso lang ang muka no Sarah dahil sa inis ngayon ay nginitian pa rin siya ng babae.“Do you have any appointment ma’am?”“No, I just wanted to know if he’s here.” Mabilis na sagot ni Sarah.“He’s here ma’am but you cannot meet him unless you have an appointment lalo na po maya maya au may meeting na siya—ma’am? Ma’am!”Nagsasalita pa ang sekretarya habang inihahanda na ang laptop para sa pag papa apportionment nito kaso pag angat niya ng tingin ay wala na ito doon. Naglalakad na ito papasok sa office ng amo. Siguradong malalagot siya sa oras na malaman nitong nagpapasok siya ng walang appointment.“Ma’am you’re not allowed here po!”Huli na ang lahat, nabuksan na ni Sarah ang pinto dahilan para marinig ni Florence ang ingay. Napatingin siya sa may pintuan at magagalit na sana dahil doon ngunit agad niyang nakilala si Sarah.“S-sir nagpumilit po pumasok si ma’am! Hindi ko po siya
TUMINGIN muna sa paligid si Manny kung mayroon bang nakakita sa pag kuha niya kay Sarah bago ito muling humarap dito. Nasilayan ni Sarah ang paglabas ng makahulugang ngiti nito sa labi. Doon palang alam na niya na mayroong kakaiba at dapat na siyang lumayo dito, ang kaso tungkol na iyon sa mga anak niya.Gagawin niya ang lahat para lang magkaroon ng clue tungkol sa nawawalang anak niya.“Magsalita ka!” mahina ngunit madiin na sabi ni Sarah dito.“Wala ng libre ngayon Sarah, may kailangan ka sakin syempre may kapalit ‘yun.”Sinasabi na nga ba ni Sarah. Tuso ang lalaki, hindi nito hahayaan na wala itong makuha sa kaniya. Gusto niya itong sigawan dahil sa inis lalo na at gusto na niyang malaman ang information tungkol sa anak niya ngunit kinalma nalang niya ang sarili.“Okay, what do you want?” seryosong tanong niya dito.“Unang una, gusto ko na hindi ako madadamay sa galit mo dahil inutusan lang akong gawin ‘yun.”Napakunot ang noo niya sa sinabi ng lalaki. Bumuntong hininga siya at tum
Pinagpahinga na rin ni Sarah ang mga ito. Doon nalang siya matutulog sa tabi ng anal since na miss niya ito. Parang umidlip nga lang siya dahil pag dilat niya ay may araw na at naalala niya na mayroon pa siyang pupuntahan.Maingat siyang bumangon at naabutan ang magulang na naghahanda ng umagahan.“Anak kumain ka na, maya maya gigising na si Scarlett.”“Pa, tita aalis po muna ako. May kailangan pa akong asikasuhin e. Babalik ho ako agad kapag natapos… probably not” ngiwi na sabi niya at naalala na may meeting siya with the marketing team. “Gabi na ho pala, may meeting pa ako.”“Hija, natutuwa kami at malayo na ang narating mo pero wag mong kalimutan ang sarili mo. Heto, dalhin mo ito sa byahe at kainin mo.”Iniabot ng kaniyang step mother ang isang sandwich na may kasamang hotdog at bacon sa loob. Naalala noya tuloy noong nag aaral pa siya, ganoon na ganoon ang trato nito sa kaniya.“I feel nostalgic tita, thank you.” Niyakap niya ang ginang ng mahigpit pagkasabi niyon.Napangiti nama
“WAG mong kakalimutan na umattend sa kasal namin ah!”Pag papa-alala na sabi ni Karylle kay Sarah. Paalis na sila ngayon ni Niña dahil tapos na ang kanilang dinner. Nag usap lang sila ng halos isang oras pagkatapos ay napaalam na sila. Wala ng balak pa mag stay ng matagal si Sarah lalo pa at mayroon siyang gustong malaman tungkol sa kasal nila.“Don’t worry Karylle isa pa rin ako sa may ari ng Photobloom kaya pupunta talaga ako,” nakangiting sagot ni Sarah.“Hindi yun, abay ka sa kasal namin! Aasahan kita ha!”Walang nagawa si Sarah kundi ang tumango dito. Ayaw niya sana pero wala siyang magagawa personal na request ng bride mismo. Napaalam na rin sila kay Jerome at matapos yun ay tumalikod na siya para umalis.Di niya pinansin si Kenneth dahil naiinis siya dito, mayroon ito g alam na hindi niya alam. Ayaw pa naman niya na naglilihim sa kaniya.“Hindi ka pinansin kuya sad,” pang aasar na sabi ni Karylle ngunit hindi na iyon pinatulan ng kapatid.Nang maakapasok naman sa loob ng kotse
“It’s nice to meet you Ms. Adams? Iisa lang pala ang apilyido natin,”Nakipag kamay si Karylle kay Sarah at hindi niya alam kung ramdam nito ang panlalamig ng kamay niya. Agad niya ring iyong binitawan at tumawa ng awkward sa kanila at pinakilala si Niña.“Nice to meet you too, Niña. So, paano kayo nagkakilala ni kuya?” Malaking ngiti na sabi ni Karylle.“Ahh…” hindi alam ng dalawa kung ano ang sasabihin.Gusto na nga lang ni Sarah maglaho sa harapan ng mga ito kung pwede lang. Ramdma niya ang titig ni Kenneth kanina pa.“Karylle ask her what’s her name,”Biglang nagsalita si Kenneth kaya mas lalong kinabahan si Sarah. Napakapit din siy kay Niña at hindi alam ang gagawin. Havang ang dalawang couple naman ay nagtataka sa mga ito at pabalik balik ang tingin.“Name? What’s your name Ms. Adams?”Hindi nakasagot agad si Sarah sa tanong ni Karylle ngunit bumuntong hininga nalang siya at tumayo ng ayos. Andoon na rin naman sila wala na siyang magagawa. Isa pa, divorced na sila kaya walang pr
NASA Batangas ngayon sila Sarah at Niña upang i-meet ang kanilang mga ka-meeting ng araw na yun. Sakto na naroroon din ang isa sa nag book ng kaniling Photobloom kung kaya isa din iyon sa imemeet nila lalo pa at doon ang venue ng event.Hindi mapigilan ng dalawa na mamangha sa magandang tanawin sa dagat lalo pa at aby the beach ang kinalalagyan nila ngayon. Doon din pinili ng ka negotiate nila dahil on leave ito pero siningit ang kanilang meeting.“Ms. Romero, how are you?”Napatingin sa kanila ang isang babae na nakasuot ng white dress na abot sa kaniyang paanan at naka sunglasses. Nang ibaba nito ang sunglasses ay doon nila nakita ang maganda at maamong muka nito. Tila isa siyang manika sa ganda! Maliit pa ang muka niya at malalantik ang pilik mata.“Ms. Adams! It’s nice to meet you finally!”Tumayo ito at nakipag beso sa kaniya. Katulad ng itsura nitong maamo at mala barbie ay mahinhin din ang boses nito.While si Sarah gustong mapangiwi dahil Adams pa rin ang apilyido niya. Hindi
“AMNESIA? Paano naman kaya mababalik yun Dra,” tanong ni Sarah sa psychiatrist na doctor ni Scarlett ngayon.“We still don’t know if that is permanent but based sa behavior niya lately it has chance. Ang kaso she has to bare the pain within since what happened when she was three was unexplainable experience. Imagine being on that kind of situation, naaawa ako sa bata. I will do my best to treat her mas maganda ng maaga tayo.”Pagkasabi niyon ng dortor ay nagpaalam na rin ito kaya nagpasalamat si Sarah. Pagpasok niya sa loob ay naroon si Scarlett at inaantay siya. Ngumiti siya ng malaki dito at naupo sa tabi nito.“Mommy ano daw po, gagaling po ba ako?”Walang alam si Scarlett sa sakit niya basta ang alam lang nito ay may sakit siya ngunit hindi sa trauma nito. Ayaw nman niyang banggitin sa anak ang tungkol doon dahil baka ma trigger ang trauma nito at magwala siya. Sabi ni doktora ay sila na daw ang bahala kaya nagtitiwala siya sa mga ito.“Syempre naman anak, magaling si Dra kaibigan
NANG matapos kausapin ni Iya si Manny at bigyan ito ng pera ay kaagad itong umalis upang pumunta sa office ni Florence. Gusto niya itong makausap o tamang mas sabihin na kailangan niya itong makausap. Siguradong alam nito ang pinagawa niya tungkol kay Sarah at malaki ang chance na iwanan siya nito kaya hindi siya papayag.“Hello ma’am Iya, how’s your day.” Malaking ngiti na sabi ng secretary ni Florence na nakasalubong niya sa lobby ng kumpanya nito.“Good thank you, I’m here for my boyfriend is he busy?”“Uhmm he has a meeting started an hour ago,”“Good probably tapos na sila.”Sumang ayon kay Iya ang secretary ni Florence at sabay na silang umakyat papunta sa top floor. Habang sa loob ng office ni Florence ay nagaganap naman ang intimate intercourse nila ng babae na sinasabing ‘ka meeting’ ng lalaki.Well, they are business partners with benifts. Maraming ka-business partners si Florence na hindi lang negosyo ang inaatupag nila kundi pati ang init ng kanilang mga katawan. After ng