SI Ghill ang nag asikaso sa mga bata na dinala nila sa DSWD. Nagpasagawa si Kenneth ng special treatment para sa mga bata at lahat ng yun ay siya ang gagastos. Bali wala iyong pera na magagastos niya para lang makitang masaya ang asawa. Lahat talaga ay gagawin nito para kay Sarah kaya maging si Ghill ay napapailing nalang sa sobrang in love nito.Kakakausap lang ni Ghill sa pinakang head kung saan nagpapagawa sila ng bagong property sa tutuluyan ng mga bata ng tawagin siya ni Tisoy. Simula ng mapunta doon ay si Tisoy ang walang araw na hindi inisip ang huling usap nila ni Kenneth.Mayroon siyang kakaibang pakiramdam na kagustuhan niyang sumama sa lalaki.“Tisoy, ikaw pala. Mabuti at naabutan mo ako,” malaking ngiti na sabi ni Ghill dito.“Inaantay ko po talaga ang pag balik niyo dahil may sasabihin po ako,”Dahil seryoso ang muka ni Tisoy habang nagsasalita ay sumeryoso din si Ghill at hinarap ito ng ayos.“Ano ‘yun?”“Gusto ko po na sumama sa inyo bilang representative namin dito. Gr
“Yan ang sinasabi ko kanina pa! Ayaw mo lang ako patapusin e!” reklamo ni Ghill sa kaibigan ng makalapit sila kay Tisoy.“Hey, are you alright?” alalang tanong ni Kenneth.“Y-yes po. Sumakit lang po ulo ko,”Inakay ni Kenneth ang bata papunta sa mini sala na naroon at pinaupo ito. Pinakuha niya rin kay Ghill ng tubig ang bata at pinainom ito.“Bkit sumakit ang ulo mo? May iba pa bang masakit sayo?”“Wala na po kuya Kenneth, salamat po sa inyo ni kuya Ghill.” Ngiting sabi ng bata na maayos na ang pakiramdam ngayon.“Call us tito nalang, Tisoy.” Sabi ni Ghill na ikinasang ayon ni Kenneth.Doon na rin nagtanong si Kenneth kung bakit naroroon siya. Muli ay sumeryoso si Tisoy at sinabi ang gusto niyang mangyari. Katulad ni Ghill ay natigilan rin si Kenneth. Napatingin pa siya sa kaibigan at tumango ito bilang sign na tunay ang sinasabi ng bata.Muling tumingin si Kenneth sa bata at kinausap ito.“Tisoy, masyado ka pang bata. Dapat ay ineenjoy mo lang ang buhay mo ano ka ba,”“Mas mag eenjo
“PAPA, Tita!” Nakangiting bati ni Sarah sa kaniyang pamilya ng makarating sila sa bahay nila. Niyakap niya ng mahigpit ang dalawa.“Sarah anak, akala ko hindi ka nanaman magpapakita.”“Pwede ba naman yun papa?” Natatawang sabi nito at humingi ng tawad sa kanila.Humarap sa likuran niya si Sarah at tinawag ang anak.“Papa, Tita may ipapakilala ako sa inyo. Halika dito anak,”Tumango naman si Scarlett at nakangiting lumapit sa ina’t hinawakan ang kamay niyo. Natigilan ang mag asawa ng makita nila ang isang bata na kamukang kamuka ni Sarah.“Ang pangalan po niya ay Scarlett, isa sa mga anak ko.”Pagkapakilala ni Sarah sa anak ay nagpakilala naman si Scarlett sa magulang ng ina. Sinabihan na siya ni Sarah tungkol sa magulang niya kung kaya alam nito na ang lolo at lola niya ang kaharap.“Hello po! Ako po si Scarlett, mag a-anim na taong gulang na po ako!”Natuwa ang dalawa dahil sa kagiliwan ni Scarlett lalo pa at kamukang kamuka ito ni Sarah. Hindi nagdalawang isip ang dalawa na kargahin
“WOW! Ang ganda naman dito mommy!” Tuwang tuwa na sabi ni Scarlett ng makababa sila ng sasakyan.Nasa tagaytay sila ngayon, doon napili ni Sarah magbabakasyon sila dahil bukod sa malamig ay maganda ang tanawin. Gabi talaga nila naisipang bumyahe para makita ang magandang city lights sa loob ng hotel nila.“Wow!”Nakakailang “wow” na ba sila ng gabing iyon? Magka-konekta na silid ang kinuha nila Sarah para sama sama sila. Nakilala na rin ng magulang ni Sarah sina Doc Venice, Niña at Lucia. Muntik pa ngang hindi makasama si Dra Venice dahil sa schedule niya sa clinic mabuti at nagawan ng paraan, yun nga lang 2 days lang siya doon at aalis din.Kitang kita ang maraming city lights sa may balkonahe nila lalo na at nasa pinakang top floor sila. Sa lamig nga ay makapal na jacket ang suot nila lalo na si Scarlett na hindi sanay sa lamig. Malaki rin ang hotel na nakuha nila, magkakasama sina Sarah, Scarlett at magulang nito sa iisang silid at sa kabila ang mga kaibigan nila.Sa isang silid ka
NAGPATULOY sa pamamasyal sila Sarah sa unang destination nila sa Tagaytay. Ay dahil may nakita silang Ferris wheel ay napagpasyahan nila na sumakay doon. Habang naghihintay ng pila, ang hindi alam ni Sarah ay may balak sila Niña. Imbes na si Sarah, Niña at Scarlett ang magkasama ay si Kenneth ang papasok sa loob kasama si Tisoy.Pinauna ni Niña pumasok ang dalawa at doon tumakbo si Kenneth at Tisoy papasok sa loob. Nasa dulo lang talaga ng pila ang mga ito kasama si Ghill kaya hindi sila napansin ng babae lalo na at focus ito sa pag aasikaso sa anak.“Anak dito ka sa—” hindi natuloy ni Sarah ang sasabihin niya ng napatingin sa harapang upuan nila dahil andoon na si Kenneth at Tisoy.Kaagad na nanlaki ang mata ni Sarah kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso noya ng makita si Kenneth. Pero ng makita si Tisoy ay mas lalo siyang nagulat.“Tisoy?! Kenneth?! Anong ginagawa niyo dito?!”“Tito Kenneth!” tuwang bati ni Scarlett at yayakapin sana ang lalaki ng pigilan siya ni Sarah dahil aalog an
NANG lumabas ang apat sa Ferris wheel ay nag aabang ang mga kasama nila sa ibaba. Hindi sila sumakay dahil ang tunay na balak nila ay sila lang nila Sarah ang sasakaynupagg makapag usap. Kaya ng masilayan nila si Sarah ay punong puno ng panunukso ang muka ng mga ito.Hindi nalamang iyon pinansin ng babae at lumapit sa kaniyang papa upang ipakilala si Kenneth sa mga ito.“Papa, tita, si Kenneth po ang… ex-husband ko. Tyaka si Tisoy din po, isa siya doon sa mga bata na nagligtas saakin.”Pagkapakilala ni Sarah kay Kenneth ay nagulat siya ng kunin ni Kenneth ang kamay ng magulang at mag mano sa mga ito.“Magalang naman pala!” mahinang bulungan ng mga kababaihan na nanonood sa kanila.“Kamusta po kayo, I’m Kenneth.”“Maayos naman hijo, ikaw pala ang kinukwento saamin ng anak ko.”Ngumiti ng bahagya si Kenneth dahil sa narinig. Hindi rin niya maiwasan na makaramdma ng kilug dahil kinukwento pala siya ni Sarah sa magulang niya. Alam ni Kenneth ang tungkol sa step mother ni Sarah kung kaya h
PAGKABABA nila sa peoples park ay dumeretsyo sila sa may kainan para kumain ng bulalo. Kitang kita ang magandang view ng tagaytay dahil nasa may pinakang riff ang restaurant na iyon. Mabuti nga at nakakuha sila ng mauupuan dahil laging puno ito.Inasikaso ni Sarah ang mga kasama lalo na ang anak. Nagawi ang mata ni Sarah sa ama na mayroong tinignan kung kaya napatingin din ito doon. Nawala ang ngiti sa labi ni Sarah ng makita ang lalaki at babaeng nakaupa sa may likuran niya.Nakatingin din ito sa kaniya at ngumiti pa, ang katapat naman nitong babae ay masama ang tingin sa kanita kaya agad siyang nag iwas ng tingin at hindi na mapakali sa kinauupuan. ‘paanong andoon sina Florence at Iya?!’ sigaw niya sa kaniyang isipan.Napansin ng mga ito ang pagiging balisa ni Sarah at ng kaniyang ama.“May problema ba Sarah, Tito?” Tanong ni Niña sa dalawa. Maging ang stepmother ni Sarah ay napatanong na sa asawa ngunit wala lang ang sinagot nito.Si Ghill ay nilibot ang mata sa paligid upang mag m
PAGKATALIKOD na pagkatalikod ni Florence kay Iya ay agad na sumama ang muka nito. Rinig na rinig niya ang usapan ng babae at ng kalaking inutusan nito. Ibig sabihin kaya andoon si Sarah sa auction ng gabing iyon dahil kay Iya! Si Iya na pinalit niya kay Sarah dahil buong akala niya ay mahal niya ito.Ngunit hindi. Ang mahal niya kay Iyah ay ang pera nito lalo na ng pamilya niya. Kaya nga sa ilang taon na nilang pagsasama ay hindi lang si Iya ang babae niya. Hindi niya alam kung aware si Iya dito o hindi basta hindi niya kayang manatili kay Iya.Kung hindi niya lang sana iniwan si Sarah noon baka masaya na sila ngayon at may anak. Sadyang nagpadala lang siya sa tukso na si Iya mismo ang may kagagawan. Ngayon na maaari niyang makuha muli si Sarah ay gagawin niya ang lahat at hindi hahayaan si Iya na sirain pa ang relasyon nila.Dahil iinom sila ni Iya ngayon ay nakaisip agad ng plano si Florence. Alam niya na sisiguraduhin ni Iya na mawawala si Sarah dahil noon pa man ay malaki na ang s
“LOLO, sabi niyo po uuwi si mommy?”“Apo, baka busy si mommy mo. Sabi niya kanina uuwi daw siya e. Baka nagkaroon ng emergency.”Nakita ng ama ni Sarah ang lungkot sa muka ni Scarlett ng marinig ang sinabi niya. Naiintindihan niya ang bata, ngayon lang sila nagkasamang mag ina hanggang sa lumaki ito tapos wala pa ito lagi.Naalala niya tuloy noon nung maliit pa si Sarah, iniwan sila ng kaniyang unang asawa kung kaya silang dalawa lang ni Sarah. Wala pa nun ang asawa niya ngayon dahil limang taon bago naging sila. Syempre masakit sa kaniya ang pag iwan ng unang asawa napabayaan niya si Sarah.Hindi naman siya nag bisyo, sinubsob niya ang sarili sa trabaho hanggang sa nakalimutan niya ito. Kada uuwi siya ay sabik na sabik si Sarah ngunit wala siyang gana. Ganoon na ganoon ang lungkot sa muka ni Scarlett ngayon at sa muka ni Sarah noon.“How is she?” tanong ng asawa sa kaniya ng lumabas ito ng silid ni Scarlett.Hinayaan muna nila ang bata para makatulog ito. Ayaw din nila na mastorbo an
“HI, nandito ba si Florence?”Napatingin ang sekretarya ni Florence kay Sarah at ngumiti dito. Kahit na seryoso lang ang muka no Sarah dahil sa inis ngayon ay nginitian pa rin siya ng babae.“Do you have any appointment ma’am?”“No, I just wanted to know if he’s here.” Mabilis na sagot ni Sarah.“He’s here ma’am but you cannot meet him unless you have an appointment lalo na po maya maya au may meeting na siya—ma’am? Ma’am!”Nagsasalita pa ang sekretarya habang inihahanda na ang laptop para sa pag papa apportionment nito kaso pag angat niya ng tingin ay wala na ito doon. Naglalakad na ito papasok sa office ng amo. Siguradong malalagot siya sa oras na malaman nitong nagpapasok siya ng walang appointment.“Ma’am you’re not allowed here po!”Huli na ang lahat, nabuksan na ni Sarah ang pinto dahilan para marinig ni Florence ang ingay. Napatingin siya sa may pintuan at magagalit na sana dahil doon ngunit agad niyang nakilala si Sarah.“S-sir nagpumilit po pumasok si ma’am! Hindi ko po siya
TUMINGIN muna sa paligid si Manny kung mayroon bang nakakita sa pag kuha niya kay Sarah bago ito muling humarap dito. Nasilayan ni Sarah ang paglabas ng makahulugang ngiti nito sa labi. Doon palang alam na niya na mayroong kakaiba at dapat na siyang lumayo dito, ang kaso tungkol na iyon sa mga anak niya.Gagawin niya ang lahat para lang magkaroon ng clue tungkol sa nawawalang anak niya.“Magsalita ka!” mahina ngunit madiin na sabi ni Sarah dito.“Wala ng libre ngayon Sarah, may kailangan ka sakin syempre may kapalit ‘yun.”Sinasabi na nga ba ni Sarah. Tuso ang lalaki, hindi nito hahayaan na wala itong makuha sa kaniya. Gusto niya itong sigawan dahil sa inis lalo na at gusto na niyang malaman ang information tungkol sa anak niya ngunit kinalma nalang niya ang sarili.“Okay, what do you want?” seryosong tanong niya dito.“Unang una, gusto ko na hindi ako madadamay sa galit mo dahil inutusan lang akong gawin ‘yun.”Napakunot ang noo niya sa sinabi ng lalaki. Bumuntong hininga siya at tum
Pinagpahinga na rin ni Sarah ang mga ito. Doon nalang siya matutulog sa tabi ng anal since na miss niya ito. Parang umidlip nga lang siya dahil pag dilat niya ay may araw na at naalala niya na mayroon pa siyang pupuntahan.Maingat siyang bumangon at naabutan ang magulang na naghahanda ng umagahan.“Anak kumain ka na, maya maya gigising na si Scarlett.”“Pa, tita aalis po muna ako. May kailangan pa akong asikasuhin e. Babalik ho ako agad kapag natapos… probably not” ngiwi na sabi niya at naalala na may meeting siya with the marketing team. “Gabi na ho pala, may meeting pa ako.”“Hija, natutuwa kami at malayo na ang narating mo pero wag mong kalimutan ang sarili mo. Heto, dalhin mo ito sa byahe at kainin mo.”Iniabot ng kaniyang step mother ang isang sandwich na may kasamang hotdog at bacon sa loob. Naalala noya tuloy noong nag aaral pa siya, ganoon na ganoon ang trato nito sa kaniya.“I feel nostalgic tita, thank you.” Niyakap niya ang ginang ng mahigpit pagkasabi niyon.Napangiti nama
“WAG mong kakalimutan na umattend sa kasal namin ah!”Pag papa-alala na sabi ni Karylle kay Sarah. Paalis na sila ngayon ni Niña dahil tapos na ang kanilang dinner. Nag usap lang sila ng halos isang oras pagkatapos ay napaalam na sila. Wala ng balak pa mag stay ng matagal si Sarah lalo pa at mayroon siyang gustong malaman tungkol sa kasal nila.“Don’t worry Karylle isa pa rin ako sa may ari ng Photobloom kaya pupunta talaga ako,” nakangiting sagot ni Sarah.“Hindi yun, abay ka sa kasal namin! Aasahan kita ha!”Walang nagawa si Sarah kundi ang tumango dito. Ayaw niya sana pero wala siyang magagawa personal na request ng bride mismo. Napaalam na rin sila kay Jerome at matapos yun ay tumalikod na siya para umalis.Di niya pinansin si Kenneth dahil naiinis siya dito, mayroon ito g alam na hindi niya alam. Ayaw pa naman niya na naglilihim sa kaniya.“Hindi ka pinansin kuya sad,” pang aasar na sabi ni Karylle ngunit hindi na iyon pinatulan ng kapatid.Nang maakapasok naman sa loob ng kotse
“It’s nice to meet you Ms. Adams? Iisa lang pala ang apilyido natin,”Nakipag kamay si Karylle kay Sarah at hindi niya alam kung ramdam nito ang panlalamig ng kamay niya. Agad niya ring iyong binitawan at tumawa ng awkward sa kanila at pinakilala si Niña.“Nice to meet you too, Niña. So, paano kayo nagkakilala ni kuya?” Malaking ngiti na sabi ni Karylle.“Ahh…” hindi alam ng dalawa kung ano ang sasabihin.Gusto na nga lang ni Sarah maglaho sa harapan ng mga ito kung pwede lang. Ramdma niya ang titig ni Kenneth kanina pa.“Karylle ask her what’s her name,”Biglang nagsalita si Kenneth kaya mas lalong kinabahan si Sarah. Napakapit din siy kay Niña at hindi alam ang gagawin. Havang ang dalawang couple naman ay nagtataka sa mga ito at pabalik balik ang tingin.“Name? What’s your name Ms. Adams?”Hindi nakasagot agad si Sarah sa tanong ni Karylle ngunit bumuntong hininga nalang siya at tumayo ng ayos. Andoon na rin naman sila wala na siyang magagawa. Isa pa, divorced na sila kaya walang pr
NASA Batangas ngayon sila Sarah at Niña upang i-meet ang kanilang mga ka-meeting ng araw na yun. Sakto na naroroon din ang isa sa nag book ng kaniling Photobloom kung kaya isa din iyon sa imemeet nila lalo pa at doon ang venue ng event.Hindi mapigilan ng dalawa na mamangha sa magandang tanawin sa dagat lalo pa at aby the beach ang kinalalagyan nila ngayon. Doon din pinili ng ka negotiate nila dahil on leave ito pero siningit ang kanilang meeting.“Ms. Romero, how are you?”Napatingin sa kanila ang isang babae na nakasuot ng white dress na abot sa kaniyang paanan at naka sunglasses. Nang ibaba nito ang sunglasses ay doon nila nakita ang maganda at maamong muka nito. Tila isa siyang manika sa ganda! Maliit pa ang muka niya at malalantik ang pilik mata.“Ms. Adams! It’s nice to meet you finally!”Tumayo ito at nakipag beso sa kaniya. Katulad ng itsura nitong maamo at mala barbie ay mahinhin din ang boses nito.While si Sarah gustong mapangiwi dahil Adams pa rin ang apilyido niya. Hindi
“AMNESIA? Paano naman kaya mababalik yun Dra,” tanong ni Sarah sa psychiatrist na doctor ni Scarlett ngayon.“We still don’t know if that is permanent but based sa behavior niya lately it has chance. Ang kaso she has to bare the pain within since what happened when she was three was unexplainable experience. Imagine being on that kind of situation, naaawa ako sa bata. I will do my best to treat her mas maganda ng maaga tayo.”Pagkasabi niyon ng dortor ay nagpaalam na rin ito kaya nagpasalamat si Sarah. Pagpasok niya sa loob ay naroon si Scarlett at inaantay siya. Ngumiti siya ng malaki dito at naupo sa tabi nito.“Mommy ano daw po, gagaling po ba ako?”Walang alam si Scarlett sa sakit niya basta ang alam lang nito ay may sakit siya ngunit hindi sa trauma nito. Ayaw nman niyang banggitin sa anak ang tungkol doon dahil baka ma trigger ang trauma nito at magwala siya. Sabi ni doktora ay sila na daw ang bahala kaya nagtitiwala siya sa mga ito.“Syempre naman anak, magaling si Dra kaibigan
NANG matapos kausapin ni Iya si Manny at bigyan ito ng pera ay kaagad itong umalis upang pumunta sa office ni Florence. Gusto niya itong makausap o tamang mas sabihin na kailangan niya itong makausap. Siguradong alam nito ang pinagawa niya tungkol kay Sarah at malaki ang chance na iwanan siya nito kaya hindi siya papayag.“Hello ma’am Iya, how’s your day.” Malaking ngiti na sabi ng secretary ni Florence na nakasalubong niya sa lobby ng kumpanya nito.“Good thank you, I’m here for my boyfriend is he busy?”“Uhmm he has a meeting started an hour ago,”“Good probably tapos na sila.”Sumang ayon kay Iya ang secretary ni Florence at sabay na silang umakyat papunta sa top floor. Habang sa loob ng office ni Florence ay nagaganap naman ang intimate intercourse nila ng babae na sinasabing ‘ka meeting’ ng lalaki.Well, they are business partners with benifts. Maraming ka-business partners si Florence na hindi lang negosyo ang inaatupag nila kundi pati ang init ng kanilang mga katawan. After ng