NANG lumabas ang apat sa Ferris wheel ay nag aabang ang mga kasama nila sa ibaba. Hindi sila sumakay dahil ang tunay na balak nila ay sila lang nila Sarah ang sasakaynupagg makapag usap. Kaya ng masilayan nila si Sarah ay punong puno ng panunukso ang muka ng mga ito.Hindi nalamang iyon pinansin ng babae at lumapit sa kaniyang papa upang ipakilala si Kenneth sa mga ito.“Papa, tita, si Kenneth po ang… ex-husband ko. Tyaka si Tisoy din po, isa siya doon sa mga bata na nagligtas saakin.”Pagkapakilala ni Sarah kay Kenneth ay nagulat siya ng kunin ni Kenneth ang kamay ng magulang at mag mano sa mga ito.“Magalang naman pala!” mahinang bulungan ng mga kababaihan na nanonood sa kanila.“Kamusta po kayo, I’m Kenneth.”“Maayos naman hijo, ikaw pala ang kinukwento saamin ng anak ko.”Ngumiti ng bahagya si Kenneth dahil sa narinig. Hindi rin niya maiwasan na makaramdma ng kilug dahil kinukwento pala siya ni Sarah sa magulang niya. Alam ni Kenneth ang tungkol sa step mother ni Sarah kung kaya h
PAGKABABA nila sa peoples park ay dumeretsyo sila sa may kainan para kumain ng bulalo. Kitang kita ang magandang view ng tagaytay dahil nasa may pinakang riff ang restaurant na iyon. Mabuti nga at nakakuha sila ng mauupuan dahil laging puno ito.Inasikaso ni Sarah ang mga kasama lalo na ang anak. Nagawi ang mata ni Sarah sa ama na mayroong tinignan kung kaya napatingin din ito doon. Nawala ang ngiti sa labi ni Sarah ng makita ang lalaki at babaeng nakaupa sa may likuran niya.Nakatingin din ito sa kaniya at ngumiti pa, ang katapat naman nitong babae ay masama ang tingin sa kanita kaya agad siyang nag iwas ng tingin at hindi na mapakali sa kinauupuan. ‘paanong andoon sina Florence at Iya?!’ sigaw niya sa kaniyang isipan.Napansin ng mga ito ang pagiging balisa ni Sarah at ng kaniyang ama.“May problema ba Sarah, Tito?” Tanong ni Niña sa dalawa. Maging ang stepmother ni Sarah ay napatanong na sa asawa ngunit wala lang ang sinagot nito.Si Ghill ay nilibot ang mata sa paligid upang mag m
PAGKATALIKOD na pagkatalikod ni Florence kay Iya ay agad na sumama ang muka nito. Rinig na rinig niya ang usapan ng babae at ng kalaking inutusan nito. Ibig sabihin kaya andoon si Sarah sa auction ng gabing iyon dahil kay Iya! Si Iya na pinalit niya kay Sarah dahil buong akala niya ay mahal niya ito.Ngunit hindi. Ang mahal niya kay Iyah ay ang pera nito lalo na ng pamilya niya. Kaya nga sa ilang taon na nilang pagsasama ay hindi lang si Iya ang babae niya. Hindi niya alam kung aware si Iya dito o hindi basta hindi niya kayang manatili kay Iya.Kung hindi niya lang sana iniwan si Sarah noon baka masaya na sila ngayon at may anak. Sadyang nagpadala lang siya sa tukso na si Iya mismo ang may kagagawan. Ngayon na maaari niyang makuha muli si Sarah ay gagawin niya ang lahat at hindi hahayaan si Iya na sirain pa ang relasyon nila.Dahil iinom sila ni Iya ngayon ay nakaisip agad ng plano si Florence. Alam niya na sisiguraduhin ni Iya na mawawala si Sarah dahil noon pa man ay malaki na ang s
“KENNETH, kanina ko pa napapansin na may sumusunod satin.”Bulong ni Ghill kay Kenneth na kausap ang nga bata. Aware si Kenneth sa nangyayari, hindi niya lang sinasabi dito dahil focus siya sa pagbabantay sa nga ito lalo na kay Sarah. Alam naman niya na si Sarah ang nasa panganib ang buhay sa kanilang lahat. Hinfi niya ito inaalisan ng tingin kanina pa.Tumayo si Kenneth at binulungan din ito ng palihim.“Magbantay ka, ipatawag mo rin ang tauhan natin siguradong marami sila.”Tumango si Ghill sa sinabi ni Kenneth at pumunta muna ito sa isang tabi para doon magsagawa ng tawag. Habang tuwang tuwa ang pamilya ni Sarah sa kanilang bakasyon ang hindi nila alam ay nasa panganib din ang buhay nito.Nang mag cr nga si Lucia at Dra Venice ay nakarinig sila ng nag uusap at nabanggit ang pangalang Sarah. Inakala nila na ibang Sarah iyon kaya hindi nalamang nila pinansin. Ang hindi nila alam ay na-take down na ito ni Florence na kanina pa rin nakasunod sa kanila.“Hindi ba nauubos yung tauhan nun
NAGPATULOY ang kanilang plano hanggang umabot na ng gabi. Nasa Picnic grove sila ngayon kung saan may magaganap doon na fire works display. Ang plano nila ay kunin si Sarah ng oras na iyon. Ang lahat ay nakahanda na hanggang sa dumating ang information tungkol kay Kenneth.Nanginginig ang kamay na nabitawan ang papel na hawak ng malaman kung sino si Kenneth at anong organization ang kinabibilangan nito. Kung ganon kaya na wash out ang organization niya dahil sa lalaki!Dahil may malakas na kapit si Sarah!“B-boss pano yan?” tanong ng nga tauhan nito.“Tuloy tayo. Hindi tayo dapat sumuko dahil andito na tayo!”Kahit natatakot ay walang nagawa ang mga ito kundi ang sumunod sa kanilang amo. Nagkaniya kaniyang pwesto na sila para sa gagawin abg hindi nila alam ay naunahan na sila ng tauhan ni Kenneth at lahat ay nakapalibot na sa kanila.Lahat ng nasa likuran nila Sarah kung nasaan sila ngayon ay pulos tauhan ni Kenneth. Mga nag papanggap na sibilyan sila ngunit ang agenda ay protektahan
GINUSTO ni Kenneth na si Oscar nalang sana ang mag check kay Scarlett ngunit mayroon na palang inirekumenda si Dra Venice since nasa medical field ito. Dahil doon ay mag isa si Tisoy na pina confine nito kay Oscar.“How is he?” Tanong ni Kenneth kay Oscar ng lumabas ito sa silid ni Tisoy.“It’s odd, he can’t remember his childhood.”Napataas ang kilay ni Kenneth sa narinig.“It’s normal, kahit ako diko naaalala ang childhood ko.”“Hindi lahat, kahit part lang may maaalala ka hindi ba? Sa kaniya wala.” Napatahimik si Kenneth sa sinabi na iyon.Tama ang lalaki, nakakapagtaka na wala itong maalala kahit isa. Kung nawalan man ito ng ala-ala paano at bakit? Sino nga ba ang magulang ni Tisoy? Hindi naman niya magagawan iyon ng aksyon dahil wala silang kahit na anong ugnayan ng bata o ng magulang nito.“Magsasagawa pa kami ng test, ayaw mo kasing i-confine si Tisoy sa clinic namin. Bukas na bukas pupunta kami dito.”Tumango lamag si Kenneth kay Oscsr. Umalis na rin ito matapos iyon at pagsili
NAKAALIS na sa tagaytay sina Iya at Florence. Simula ng magising si Iya ay wala siyang maalala sa nangyati at kung paano siya nakatulog. Basta ang ssbi ni Florence ay nalasing siya, which is nakakapanibago dahil di naman siya lasingin. Isama mo pa na hindi niya makontak si Manny, ang inutusan niya tungkol kay Sarah.Wala naman siyang ibang balita kay Sarah kung buhay pa ba ito o hindi na. Pero pinapanalangin niya na sana wala na ito. Kalalabas niya lang sa kanilang kumpanya ng mayroong humila sa kaniya sa may parking lot papunta sa gilid.“Who are you?!” gulat na tanong niya habang nagpupumiglas “Manny?”“Maam wag kang maingay baka isipin nila ano ginagawa ko ssyo.”Dahil naaninag naman niya ang muka ng lalaki ay hindi na siya nagpumiglas at humiwalay dito. Tumingin muna sila pareho sa paligid bago tuluyang nagsalita si Iya sa lalaki.“Bakit nawala ka?! Hinahanap kita para sa update kay Sarah! Ano patay na ba?!”“Ayun na nga ma’am, buhay pa si Sarah. Hindi mo naman sinabi na asawa niy
NANG matapos kausapin ni Iya si Manny at bigyan ito ng pera ay kaagad itong umalis upang pumunta sa office ni Florence. Gusto niya itong makausap o tamang mas sabihin na kailangan niya itong makausap. Siguradong alam nito ang pinagawa niya tungkol kay Sarah at malaki ang chance na iwanan siya nito kaya hindi siya papayag.“Hello ma’am Iya, how’s your day.” Malaking ngiti na sabi ng secretary ni Florence na nakasalubong niya sa lobby ng kumpanya nito.“Good thank you, I’m here for my boyfriend is he busy?”“Uhmm he has a meeting started an hour ago,”“Good probably tapos na sila.”Sumang ayon kay Iya ang secretary ni Florence at sabay na silang umakyat papunta sa top floor. Habang sa loob ng office ni Florence ay nagaganap naman ang intimate intercourse nila ng babae na sinasabing ‘ka meeting’ ng lalaki.Well, they are business partners with benifts. Maraming ka-business partners si Florence na hindi lang negosyo ang inaatupag nila kundi pati ang init ng kanilang mga katawan. After ng
[DRAFT] NOTE: Not yet edited KAGAYA ng plano nila Kenneth ay ianntay nila na matapos ang event bago tuluyang umaksyon sa nangyari. Dyempre, siniguro din nila na walang ibang mapapahamak during that time at laking pasasalamat naman nila at wala ngang napahamak na kahit na sino.Ngunit hindi nila mahanap ang tunay na Samuel, ang Samuel na kasama nila ay ang peke pa ‘rin. Si Sarah ay hindi mapakali sa nakalipas na mga oras at panay ang tingin sa paligid kung may makikita ba siyang kamuka ng anak ngunit wala.Naging masaya at successful ang kasal nila Karylle at Jerome na kitang kita naman sa muka ng bagong mag asawa na sila ay masaya. Sa ngayon nga ay paalis na ‘rin ang mga ito dahil flight na nila papunta ibang bansa upang doon mag honeymoon.“Thank you, mom and dad.”Niyakap ni Karylle ang kaniyang magulang at hinalikan sa pisnge. Alam niya na nakasuporta ang mga ito una palang lalo na sa kaniya na siya ang nangligaw kay Jerome. Basta kung saan masaya ang kanilang anak ay doon silang
[DRAFT] NOTE: Not yet editedHindi nagtagal ang isang oras niya doon at hinimatay siya, ilang oras din siyang tulog dahil sa sobrang takot. Imagine being alone in the darkness habang siya ay takot na takot at nanginginig dahil ano mang oras ay mahuhuli siya.Hindi niya alam kung may babalikan pa siyang pamilya sa tumayong magulang o kung pamilya nga ba ang turing sa kaniya ng mga ito. Kaya naman pala ganon ang trato sa kaniya, naiintindihan na niya ngayon.Habang siya ay walang malay, mayroong mga ala ala ang bumalik sa kaniya noong siya ay tatlong taong gulang. Noong panahon na dinukot siya. Kaya siya takot sa dilim ay dahil dinala siya sa madilim na lugar at kinulong.Lahat nang nangyari years ago ay bumalik sa kaniya, ang pag bura ng mga ito sa ala ala niyang yun at ang pag papanggap ng mga ito na magulang niya. Ang pag gamit sa kaniya!Lahat iyon ay naalala niya ng siya ay magising. Umiiyak na binuksan niya ang pintuan, naalala na niya ang lahat. Kinuha siya sa kaniyang mama na
“K-KASALANAN ko kung bakit nakuha si mama. Niligtas niya alo, itinago niya ako. Ako dapat ang sisihin.”Nagsimulang umiyak ang batang si Samuel ng malaman ang totoo kung nasaan si Niña. Isinama nila ang bata sa loob ng silid kung nasaan sila kanina. Lahat sila ay hindi pa rin makapaniwala na kasama na nila ang totoong Samuel ngunit hindi nga lang masaya.Lalo na at ramdam na ramdam nila ang lungkot na nararamdaman ng mag asawa. Si Sarah hindi makapaniwala na naranasan nanaman nito ang naranasan niya noon kay Scarlett habang si Kenneth ay pinipilit na magpakatatag para kay Sarah.“N-no, don’t say that Samuel. Ginawa lang ‘yun ni Niña kasi mahal ka niya,”Totoo naman ang sinabi ni Sarah dahil napamahal na kay Niña ang mga anak niya. Tumango ang bata sa sinabi niya at pinunasan ang luha nito. Kinalma niya ang sarili at umupo ng maayos.Kitang kita nila kung paano pakalmahin nito ang sarili at umasta na tila walang nangyari. Sa point na yun ay nakita nila ang katauhan ni Kenneth na siyang
[DRAFT] NOTE: Not yet edited NANG umalis si Scarlett at Khalil ay nag handa na ang mga ito para hulihin ang nagpapanggap na Samuel. Wala pa silang idea kung sino ito o kung ano ang tunay na katauhan nh nangpapanggap na Samuel pero isa lang ang sigirado nila, mas naunang malaman ng mga ito ang totoo kaya paano iyon nangyari? May hinuha na si Sarah lalo na at iisang tao lang din naman ang may pasimuno ng pagkawala ng kaniyang mga anak. Si Iya, ngunit ang tanong ay nasaan na nga ba ito dahil sa nakalipas na mga araw ay natuon ang atensyon niya sa mga anak at sa kaniyang negosyo. Kailan ba ang huling kita nila ng kaniyang ex? Ayon dito ay hiwalay na sila ni Iya. Napakibit balikat nalang si Sarah sa kaniyang naiisip dahil wala naman na siyang pakialam kung ano pa ang relasyon ng dalawa. Kapag nakuha na nila ang pekeng Samuel sasabihin niya sa asawa ang naiisip na iyon. Si Kenneth at Ghill ang siyang nagpunta sa silid kung saan naiwan ang pekeng Samuel. Si Oscar ay nakahanda na sa a
[DRAFT] NOTE: Not yet edited “NAKU wag ka naman ganiyan ‘daddy’ naririnig ng mga kapatid ko oh,” Muling pang aasar na sabi ni Dario kay Kenneth at tumawa pa ito. Ngunit hindi na papa apekto si Kenneth sa lalaki, ang kailangan niyang gawin ngayon ay mailigtas ang anak. Palihim na sumenyas si Kenneth kay Ghill na agad naman nitong nakita dahil nasa likuran siya ni Kenneth. “Who are you.” Madiin na tanong ni Kenneth sa lalaki. “Ako? Isa lang naman ako sa mga gustong magpabagsak sayo,” “Really? Kalabanin niyo ako ng patas kung gusto niyong pabagsakin ako.” Ngising sabi ni Kenneth dito. “Patas? Walang ganon sa underworld alam mo yan.” Tama ang lalaki, kapag ginusto nila ang isang bagay gagawin at gagawin nila ang kanilang makakaya. Bukod sa mga illegal na transactions ay kaya nilang gumawa ng mga bagay na hindi mo lubos maiisip na mayroon na pala sa tunay na buhay. Iyon ang naiisip na explanation ni Kenneth sa nangyari. Kung paano naging malaki ang batang kamukang kamuka ng ana
[DRAFT] NOTE: Not yet edited “HINDI ko akalain na malalaman mo ang totoo. Paano mo nga ba nalaman ang totoo?”Mas lalong itinago ni Samuel ang kambal sa likuran niya bago sumagot sa lalaking kaharap.“Nakita ko sa files si papa—I mean ng tumayo kong ama.”Napatango ang kaharap nila at napahawak sa baba nito.“Kung ganon pano mo nalaman na andoon ako sa event. Alam king andoon ka sa kasaln.”Hindi nagawang sumagot ni Samuel sa tanong na iyon dahil narinig niya ang paghikbi ng kambal sa kaniyang likuran. Doon natuon ang atensyon niya at nawala sa lalaking kaharap nila.“Scarlett okay ka lang ba? Hush, andito lang si kuya hindi kita pababayaan.”“Ah! Alam ko na, matalino ka nga pala sa computers, malamang yun ang ginawa mo ano?”Walang nanamang nakuhang sagot si Dario kung kaya napatingin siya sa gawin ni Samuel at tinignan kung bakit hindi siya nito pinapansin. Kaagad na sumama ang muka nito lalo na ang ayaw niya pa naman sa lahat ay ang hindi pakikinig sa usapan nila.Hababg abala si
[DRAFT]NOTE YET EDITED! “MAY anak ka pala hindi mo sinabi samin?!”“Huy, hinaan mo boses mo Lucia marinig ka ng mga bata.” Puna na sabi ni Sarah dito.“Ikaw kaya hinaan mo laptop,”Natawa sila sa sinabi ni Lucia at muling tumahimik para makinig sa sasabihin ni Dra Venice. Naroroon sila ngayon sa Clinic, kumpleto sila pwera kay Lucia na nasa out of town kung kaya nakikinig lang ito mula sa laptop.Ayon kay Dra Venice, nagkakilala sila ni Detective Sanchez o sa pangalan nito na Neil, noong nawala sila Niña at ang triplets. Madalas silang magkasama, mula umaga hanggang gabi dahil sa paghahanap sa mga ito.Hindi na nga nag tatrabaho si Venice sa clinic niya at kay Detective Sanchez na ito lagi nakabuntot. Naroroon pa na magkasama silang natutulog dahil inaantay niya na magkaroon ng balita na maganda. Until one day nalasing silang dalawa, nagising nalang siya na may nangyari sa kanila at simula nun iniiwasan na niya ang lalaki.Nakikipag usap siya dito pero iniiwasan niya pag usapan ang
[DRAFT] NOTE: not yet edited “IBIG sabihin ikaw talaga ang tunay na kuya Samuel namin?”Kumalma na ang triplets sa loob ng silid na pinag iwanan ni Kenneth sa mga anak. Uminom na rin sila ng bottled water na nasa mini ref na naroroon. Kumain na rin ng tinapay kahit papaano at nagpahinga roon.“Yes, katulad niyo syempre nawala din ala ala ko tungkol sa inyo. Hindi ko alam hindi pala mababait ang kasama ko noon pa man,”“Speaking of that, kwentuhan mo naman kami sa nangyari sayo doon.” Curious na tanong ni Khalil na ikinatango ni Scarlett bilang pag sang ayon dito.Ngumiti si Samuel at nag isip kung ano ang makukwento sa mga ito.“Ano nga ba? Hindi kasi ako lapit sa tumayo kong magulang. Pero yung mama ko doon, mabait siya. While ang papa ko doon di kami close. Ilag ako sa kaniya kasi palaging mainit ang ulo.”Tila bumalik ang ala ala ni Samuel noong naroroon pa siya. Ni minsan hindi naman siya pinagbuhatan ng kamay ng mga ito kaya nagpapasalamat siya doon. Ang kaso ramdam niya na hin
HINDI mapakali si Sarah habang nasa play room kung saan andoon ngayon si Vincent kalaro si Scarlett. Kasama nila doon si Dra Venice habang ang iba ay busy sa pagliligtas pagligtas kay Niña. Noong una ay ayaw pumayag ni Venice at Sarah na hindi sila tutulong sa paglitas sa kaibigan ngunit mas pinili nila na mag bantay ang mga ito sa kanilang mga anak. Since wala din silang alam sa mundong mayroon sila Kenneth ay walang nagawa ang dalawa kundi pumayag. Si Khalil at Samuel ay kasama ang magulang ni Kenneth sa monitor room upang maging mata sila sa lugar ng kanilang kalaban. Si Ghill Napahawak si Ghill sa leeg niya at naging alerto sa paligid. Hindi manlang siya dumaing sa pagkakaturok ng bagay na iyon. Parang kagat nga lang ng langgam sa kaniya at inalis ang matulis na bagay sa leeg.Nakita niya na mayroong likido na tumutulo at alam na niya agad kung ano iyon. Hindi dugo kundi pampatulog. Kailangan niyang kumilos agad bago pa siya mawalan ng ulirat.Inantay niya na mayroong lumabas