Samantala, mahigpit naman ang hinawakan ni Angela ang kamay ng kanyang ate."Ate, gumastos ka na naman ba ng malaki para sa gamot na ito?" Sabi niya sa nakatatandang kapatid matapos inumin ang kaparehas na gamot na iniinom niya noong mga nakaraang araw.Alam niyang mamahalin ito at halos palaging sold out ng mayayamang tao dahil ayon sa ate nya ay hirap na hirap itong mahanap at mabili kaya palagay niya ay mahalin ang gamot."Ano ka ba? Huwag mo nang isipin yun, ang mahalaga gumaling ka. Diba sabi mo epektibo ang gamot na ito para sayo.Kahit dagat ay lalanguyin ko kahit bituin susungkitin ko para mabili lang ang gamot na yan" pagbibiro pa ni Anika.Tumango tango si Angela at binigyan ng panatag na ngiti ang ate niya. Maayos na ang pakiramdam niya at nalapatan na ng lunas.Maayos na inilagay ni Anika ang gamot sa drawer na malapit sa tabi ng kama ni Angela.Maya maya ay nagsalita ang kanyang kapatid."Ate, alam mo ba kung sino ang nakita ko noong nagpunta tayo sa restaurant?""Sino?"
Last Updated : 2024-11-28 Read more