Sa wakas, dumating ang panahon ng pagtatapos ng gamutan ni Mr. Florentino. Ang natitira na lang ay mag-prescribe nalang gamot sa kanya at ipaalala sa kanya na inumin ito sa tamang oras. Hindi na kailangang pumunta ni Rhian sa bahay ng mga Florentino, kaya’t mas marami na siyang oras. Halos araw-araw ay nasa institute siya, abala sa mga maliliit na gawain o kaya naman ay nasa experimental area, kasama ang mga researcher sa research and development. Dahil siya ang naging assistant noon sa abroad, ngayon ay magkatulong na sila ni Zanjoe, at maganda ang kanilang samahan at pagtutulungan. Isang araw, nagkaroon ng breakthrough sa kanilang research, kaya’t lumabas sila ni Zanjoe mula sa experimental area nang mas maaga. Dahil maagapa pa naman, naisip ni Zanjoe na mag-aya. "Matagal-tagal na tayong abala, mag-dinner muna tayo para magdiwang." Napatingin si Rhian sa suot na wristwatch, umiling at nag-sorry, "Sa ibang araw na lang, may pupuntahan pa akong mga bata mamaya." "Ah gano'n ba
Last Updated : 2024-11-22 Read more