ZOE POV "Witwiw" sipol ng mga boys sa labas.Tiningnan ko sila ng masama kaya umiwas sila ng tingin. "Okey readyyy...1,2,3 and Go!" Rumampa ako sa room,nung nasa dulo na ay umikot ako at muling hinarap sa blackboard ang tingin. "I am Zoe Faye, seventeen, and I am the representative of Section 11!" Panimula ko kunwari,wala talaga akong ginamit na apelyido dahil baka mag-alburuto nanaman si Stella pag ginamit ko apelyido na binigay ni Papa. Nagtuloy-tuloy kami sa pagpapractice dahil bukas na ang rampa rampa na yan. Meron na rin akong kasabihan,at ready na rin ako sa mga sagot although wala talagang nakakaalam sa itatanong. "Galingan mo dun Zoe!" Sabi ni Zian kasama sina Carlo at James.Nginitian ko sila,nakakatuwang lahat sila suportado sakin. "Go!!! Ate ko yan!!" Sigaw ni Dylan ng magsimula ulit akong magpractice na rumampa.Napangiti nalang ako dahil sa tinawag nya akong ate nya.Siguro kahit medyo galit sya sa ate nya gusto na nya itong makita. Alam kong sabik si Dylan sa ate. "
Last Updated : 2024-10-18 Read more