All Chapters of How to Keep the Bad Boy On My Side: Chapter 101 - Chapter 110

116 Chapters

98-Tragedy to Forget

NICOLA "Someone is weird today." Huli-huli ng tenga kong puna ni Paolo sa'kin. Nasa maaliwalas na coffee shop kami. Sinasala ng malaking glass window ang liwanag ng araw. Abala ako sa pagsimsim ng black coffee, tensyonado naman sa pagpindot si Paolo sa phone niya at kalahating nakatago si Blake sa hawak niyang dyaryo. Nangibabaw ang banayad na konbersasyon ng mga tao at ang ingay ng kumakansing na mga tasa sa hangin."Sino'ng weird?" Patay-malisya kong tanong. Alam ko na ako ang tinutukoy niya.Binaba ni Blake ang dyaryo niya at niregaluhan niya ako ng ngiti. "What's with you today, huh? Parang baliw kang tumatawang mag-isa d'yan.""Yeah, spill it, Nico!" Segundo ni Paolo na tila binabasa ako.Ngumisi ako. Gusto kong gawing suspense muna."Dude, you've got that 'I know something you don't' face. That's unnerving," alma niya.I chuckled, and then I took another sip of my coffee. "What? Di ba pwedeng mag-enjoy ang tao ng kape niya na may kapayapaan?""I hate that cryptic look...""Yo
last updateLast Updated : 2025-01-28
Read more

99–False Grief

CHANDRIA Kanina pa ako paroon at parito sa harap ng Manila Cathedral. Nasa sensasyon ko na parang may di magandang nangyayari. Pinapawisan ako ng malapot at nanghihina ako. Magdadalawang oras na akong naghihintay kay Nicola saka nag-aagaw na ang kulay lila at dalanghita sa kalangitan, ilang saglit ay lulubog na ang araw. Ano ba talaga binabalak niya? Hindi ko na nagugustuhan ito! Malakas ang kutob ko na baka may nangyaring masama sa kanya. Bumuntong hininga ako saka sinulyapan ang phone ko. Walang text o tawag niya. Iyong tawag niya kaninang alas dos ang huling dinig ko sa boses niya. Mariin kong pinikit ang mga mata. He wasn't the type to make me wait without reason. Dinadasal na sana nasa maayos siyang kalagayan. "Chandria!" Napalundag ako sa baritonong boses na tumawag sa pangalan ko. Eksaktong paalis na ako nang sumulpot si Blake. Ano'ng ginagawa niya rito. Doon, bumilis ang tibok ng puso ko. "B-Bakit?" "Chandria, ayoko sanang sabihin ito pero..." Hindi niya tinapos. Suma
last updateLast Updated : 2025-02-12
Read more

100-Uneasiness

CHANDRIA Wala akong ibang inisip kundi ang asikasuhin ang naiwang negosyo ni Nicola. Ang N Lending Company at ang Grand Lux Resort and Casino. Mahirap sa parte ko dahil meron pa akong sariling negosyo. Hindi ko alam kung paano patakbuhin ng sabay-sabay. Pero salamat kay Paolo dahil siya ang business partner ni Nicola at ang taong inaasahan nito kung sakaling may mangyayaring masama rito. Humugot ako ng malalim na hininga. Dapat kung harapin na may tapang ang araw na 'to. Halos isang linggo na ang lumipas nang nilibing namin si Nicola kaso di ko mapigilan lumuksa. Maraming aspect sa buhay ko na lalo akong nangulila sa kanya. I missed his laugh, his kisses, and his teasing remarks. Nangingig ako sa magkahalong lungkot at galit. Nagagalit ako sa mga taong pinatay siya. Gusto ko ng hustisya. Gusto kong malaman kung sino ang mga kaaway niya. Tinanggal ko ang reading glass bago inangat ang tingin kay Paolo. Nasa maaliwalas na opisina kami ni Nicola ngayon. Kitang-kita ang mga ulap sa
last updateLast Updated : 2025-02-13
Read more

101-Bad Decision

CHANDRIALumipas ang tatlong buwan. Lumipas ang mabibigat na hamon sa aming buhay. Sa kabila ng nakakabangungot na pagkawala ni Nicola ay pinilit kong ipagpatuloy ang buhay. Nandito ulit ako sa N Lending company para sa isang investment deal.Sumandal ako sa swivel chair habang pinagmamasdan ang nakakalulang tanawin ng Manila skyline. Nandito ako sa conference room dahil hinihintay ko ang bagong investor. Tinatapik ko ang gel pen sa itaas ng dokumento. Napatuwid ako ng upo nang bumukas ang pinto.Niluwa ng pinto ang nakangising si Joaqin. Kinurap ko ang mga mata. Oo, hindi ako nag-iilusyon. Siya nga, si Joaqin na di ko alam ang apelyido hanggang ngayon."Oh, Chandria? I-Ikaw pala ang CEO ng N Lending? Diba si Nicola Henderson iyon?" Bungad niya.My hands freeze on the gel pen. Pigil ang hininga kong tiningnan siya ng mataimtim. Hindi ko sukat akalain na lilitaw sa harap ko ang naging kaibigan ko noon sa Siargio. Ngunit ba't biglang bumigat ang pakiramdam ko sa kanya? Sinasabi ng insti
last updateLast Updated : 2025-02-14
Read more

102-Warning

CHANDRIA "Come here, Chandria," malapad ang ngiti ni Joaquin na tinawag akong umupo sa tabi niya. Humalo-halo ang emosyon ko sa loob nang lumapit ako sa kanya saka umupo sa tabi niya. Lalo akong ginugulo ng makukulay na neon lights at maingay na tugtug. Akyat baba ang mga kamay ko sa sa aking hita at parang naiilang ako sa dibdib ko kasi halos luluwa na ito sa sobrang baba ng V-line Nasipat ko si Joaqin na tumingin doon kaya bigla kong niyakap ang sarili. Pinalilibutan kami ng mga kaibigan niya. Walang katapusan silang nagtatawanan, kiniliti at may kakaiba sa kanilang mga mata nila, parang naha-high sila. Masangsang ang magkahalong amoy ng alak, pawis at matalim na bagay. "By the way, this is my friend Chandria. Nakilala ko lang siya sa Siargao. She's a nice girl, you know. She's a nice girl," pakilala ni Joaqin sa mga kaibigan. Ngumiti ang babae na di ko alam kung transwoman ba saka may inabot na cocktail sa akin. Sinuklian ko siya ng ngiti nang kinuha 'yon pero di ko muna inino
last updateLast Updated : 2025-02-15
Read more

103-Cutting Ties

Chandria Nawalan ako ng ganang makipagkaibigan kay Blake nang sinabi niyang mahal niya ako. Pakaramdam ko kasi ay trinaidor niya ako't wala na akong dapat pagkatiwalaan sa mundong ito. Buong buhay ko mabuti ang intensyon niya. Natatakot ako ngayon na lumapit sa kanya. "Nandito ako ngayon sa Grand Lux," sabi ko kay Ezekiel sa telephono. Kanina pa siya tumatawag sa akin kaya medyo mainit ang ulo. Nababalisa siya ngayon sa komplikadong sitwasyon ko. "Who's with you?" He replied sternly. "Ako lang. Bakit?" "Pupuntahan kita d'yan." "Wag na. Uuwi naman ako kaagad," tanggi ko. Bumuntong hininga siya. "You're not safe right now, Ate. You can't go out anytime you want." Sinabi ko kasi sa kanila ang nangyari sa'kin noon sa night club at ang totoong kaaway ni Nicola. Nalaman namin na isang matatag na myembro ng Cartel si Theo pati ang kapatid niyang si Thaddeo Tan. Hindi sila madaling hulihin at hayok sila sa human trafficking. Pinaiimbestigahan na naman sila sa NBI at sila na ang bahal
last updateLast Updated : 2025-02-16
Read more

104-Selling the Casino

CHANDRIA "I don't know you, miss. I'm sorry," medyo naiiritang sambit ng lalaki habang tinatanggal ang kamay ko sa kanya. Huli kong namalayan na mahigpit pala akong nakakapit sa kanya. "I-I'm sorry," nahihiya kong sagot na binato sa ere ang mga kamay. Bakit? Bakit nakikita ko na siya si Nicola lalo na kung paano tumingin ang kanyang mga mata. May mahaba siyang balabas at mahabang buhok pero sigurado akong pamilyar siya. Magaan ang loob ko sa kanya at parang siya ang taong matagal ko nang hinahanap. "And I'm not Nicola. My name is Nate," pakilala niya. Hinawakan ko ang dibdib ko. Why his voice is like him? He's really Nicola? Humikbi ako sa harap niya. Wala akong pakialam kung pagsabihin niya akong baliw o ano. Nangungulila lang ako ng husto sa lalaking mahal ko. "A-Ano'ng nangyari sa'yo, Miss? May masakit ba sa'yo? Gusto mo dadalhin kita sa ospital?" Nataranta niyang tanong. Matigas akong umiling. "W-Wala may naalala lang ako." "Sigurado ka? Baka mamaya sasabihin nilang pi
last updateLast Updated : 2025-02-20
Read more

105-Here Comes the Hero

CHANDRIA MIELLE "So, is this casino is for sale or not?" Sumandal si Nate Torres habang pinag-aaralan ang sitwasyon. Tagos kaluluwa ang mga titig niya sa 'kin kaya may duda ako na di siya si Nicola. Parang magkahawig sila pero magkaiba ang kanilang galaw. Hindi ako mapakali ngayon habang nakaupo sa high-end conference room, samantala si Blake ay naging taong bato sa tabi. Mahina akong napaubo. "No. It's not for sale." Inunahan ako ng malamig na si Blake. Awtomatiko akong napabaling sa kanya sabay bigay ng matatalim kong tingin. "Hindi totoo ang sinasabi niya. Hindi kita pinapunta rito kung hindi ko ibebenta ang casino," sabi ko kay Nate. Huling-huli ko sa peripheral vision ko ang pagtigas ng panga ni Blake. "Hindi nga namin binibenta. H'wag kang maniwala d'yan." Tinaas ang boses mula sa pagkaubos ng pasensiya. "H'wag kang makialam, Blake. Diba napag-usapan na natin na ibenta ito? Lumulubog sa utang ang casino at makakatulong ang offer niya." "Wala tayong may pinag-usapan na
last updateLast Updated : 2025-02-20
Read more

106-Hostage

NICOLA HAYES "Dapat pala ako mamatay ng araw na 'yon, Paolo," pasimula ako habang niri-reload ang baril ko. Inangat ko ito at tinutok sa target ko. "Nawala ako sa sarili at padalos-dalos na sinugod si Theo. Nagtagumpay nga siyang pasabugin ang kotse ko at itapon ako sa ilog pero sadyang mahal ako ng tadhana." Mariin na nilapat ni Paolo ang mga labi niya. Nasa pribadong hardin kami ng vacation haouse niya sa Batangas ngayon. Sininghot ko ang maalat na simoy ng hangin na dala ng dagat, kasabay ang mahinang pagsampa ng alon sa dalampasigan mula sa likod ng bahay. Sinalinan ni Paolo ng whiskey ang mga baso namin. Sumandal siya't pinakatitigan ako. "You're damn lucky, Nic. Malaki ang utang na loob ko sa matandang babae. Kung hindi ka niya nakita... paano na kaya ngayon." "Nagtataka ako kung paano nila ako dinala papunta sa malayong probinsya na 'yon," tugon ko sabay putok ng baril, ngumiti ako nang ma-bull's eye ko ang target. "Salamat pa rin sa matandang iyon, wala sana ako ngayon
last updateLast Updated : 2025-02-21
Read more

107-Supposed to be Dead

NICOLA HAYES HINABOL KO SILA. Buong akala ko na 'yon ang tanging paraan upang maligtas ko si Chandria. Dumating na nga ang pagkakataon na lumabas ang tunay na kulay ng taksil kong kaibigan. Tumiim bagang ako habang mahigpit na kumakapit sa manubela. Nabura ang tanawin sa paligid dahil nasa kotse niya ang buong konsentrasyon ko. Malapit ko na sana silang masundan subalit may humarang na ten wheeler sa akin. Pinili kong huminto kaysa ilagay sa panganib muli ang sarili. Kapagkuwan ay tinabi ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada saka tinawagan si Paolo. "Paolo, I need your help," natataranta kong turan. "May nangyari ba?" Inosente niyang tanong. "Kinidnap ni Blake si Chandria. Dapat nating hanapin ang lugar na pagdadalhan nila. Sinubukan kong sundan sila pero nawala ako." "Ako na ang bahala. Eksaktong may number niya ako at iyon ang gagamitin ko para sundan siya." "Good. Pupunta ako dyan ngayon sa inyo, Paolo," wika ko. Akma ko sanang patayin ang tawag nang tumikhim s'ya. "Nasa mans
last updateLast Updated : 2025-02-22
Read more
PREV
1
...
789101112
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status