All Chapters of My Ex-Husband Flirts with Me After Divorce: Chapter 11 - Chapter 20

26 Chapters

Chapter 11

Nakaligtas naman ang daddy ni Lance sa pangalawang atake niya and luckily ay wala naman itong natamong mas malalang pinsala.Makalipas ang isang linggo ay hinayaan na ito ng mga doktor na lumabas ng ospital matapos niyang ma-clear sa mga laboratory tests niya. Hindi pa siya pwedeng bumyahe pauwi ng farm kaya naman sa mansion ng mga Villavicencio dito sa metro muna siya tutuloy habang nagpapagaling.Mas mabuti na din ito dahil malapit lang ang mansion sa ospital para sa mga check-ups niya in the coming days. Hindi kagaya sa probinsya na kailangan pang bumyahe ng ilang oras para makaluwas.Pinagbigyan ni Freeshia ang pakiusap ni Lance na i-delay ang divorce at pansamantala, doon muna sila titira ng asawa sa mansion at magpapanggap sa harap ng magulang nito na okay sila.Hindi na maintindihan ni Freeshia ang nangyayari pero malinaw naman sa kanya na ginagawa niya ito para sa biyenan niya. Bago pa ito lumabas sa ospital ay naglipat na sila ni Lance ng mga gamit nila. At kahit tutol si H
Read more

Chapter 12

Hindi maipinta ang mukha ni Celestine nang dumating si Lance sa condo unit nito. Nagluto kasi siya ng lunch pero kanina pa siya tawag ng tawag dito pero hindi ito dumating.Pagod na naupo si Lance sa couch nang tuluyan siyang makapasok sa unit. Puyat siya dahil hindi siya nakatulog ng maayos sa ospital kagabi at inasikaso pa niya ang paglabas ng daddy niya sa ospital.“Dumating ka pa!” bulyaw ni Celestine mula sa dining area kaya napapikit na lang si LanceKanina, inaway na siya ni Freeshia, pati ba naman dito?“Ano bang problema Tine?” inis na sagot niya sa dalaga dahil pagod na pagod na ang utak niya sa hindi malamang dahilan“What? Tinatanong mo ako kung ano ang problema? Kanina pa ako tawag ng tawag pero hindi ka sumasagot!” inis na sumbat ni Celestine“Alam mo naman na ngayon ko ilalabas sa ospital ang daddy, hindi ba?!” inis na balik ni Lance dito Naiirita na siya sa nagging ni Celestine pero ano bang magagawa niya? He involved himself with her again kaya kailangan niyang tangg
Read more

Chapter 13

“So kamusta naman ang pagtira mo sa mansion? Hindi ka ba inaaway ng asawa mong kampon ng demonyo?” nakataas ang kilay na tanong ni Herea sa kaibigan nito habang nilalantakan ang pasalubong nito sa kanyaTamang-tama ang dating ni Freeshia dahil nagugutom na si Herea dahil sa dami ng inaasikaso niya.“Hindi naman! Takot lang niya na sabihin ko sa mommy niya ang totoo!” sagot ni Freeshia sa kaibiganAyaw na niyang magkwento pa dito dahil lalo lang itong magagalit at ayaw na niyang idamay pa si Herea sa mga gulo ng buhay niya.“By the way, mabuti na din at dumaan ka dito!” sabi ni Herea habang binubuksan ang drawer ng mesa niyaMay inabot siyang invitation kay Freeshia at binasa naman iyon ng huli.“Invitation from Damon Santiago?” gulat na tanong niya and Herea smiled“Yes my dear! At pupunta tayo dyan! Magandang pagkakataon yan para mapromote ang Aesthetika.” Ang imbitasyon ay galing kay Damon Santiago. Isa siya sa maimpluwensyang tao sa metro at lahat ng madikit sa kanya o sa kumpany
Read more

Chapter 14

Magbibihis na sana si Freeshia nang biglang pumasok si Lance sa kwarto nila. Matalim ang mga mata nito at agad niyang hinaklit ang braso ng asawa dahil sa matinding selos na nararamdaman niya.“Sabihin mo sa akin kung saan ka galing!” utos niya dito pero ni hindi man lang niya nakitaan ng kaba ang asawa“Lance, pwede ba! Hindi na ako bata para tanungin mo pa ako kung saan ako galing!” inis na sagot ni Freeshia habang pilit siyang kumakawala sa hawak ni Lance“Hindi pa tayo hiwalay! Isaksak mo yan sa kukote mo Freeshia kaya may karapatan akong tanungin kung saan ka galing!” “Matagal na tayong hiwalay Lance! Huwag kang magmalinis na akala mo santo ka dahil sa ating dalawa ikaw ang nangaliwa!” balik naman sa kanya ni FreeshiaLumuwag ang hawak niya sa asawa niya kaya padaskol na binawi ni Freeshia ang braso niya. Masakit iyon dahil sa higpit ng hawak ni Lance pero pinilit niyang huwag ipakita iyon sa asawa niya.“Paulit-ulit mo mang isumbat yan sa akin Freeshia, lalake ako! At hindi yun
Read more

Chapter 15

Nagmamadaling umalis si Freeshia kinabukasan dahil may client meeting siya ng alas-otso ng umaga. Hindi daw kasi makakapunta si Herea kaya siya ang pinakiusapan nitong humarap sa kliyente.Naabutan niya sa baba ng sala si mommy Mariel habang umiinom ito ng kape.“Good morning po Mommy!” pagbibigay galang ni Freeshia dito“Good morning iha! May lakad ka ba?” tanong ng ginang dito “Yes po Mommy! May aasikasuhin lang po ako!”“Hindi ka muna kakain ng breakfast?” tanong nitong muli sa kanya at ewan ba ni Freeshia dahil parang may kakaiba ngayon sa biyenan niya“Nagmamadali po ako mommy!” “May problema ba kayo ni Lance?” direktang tanong ni mommy Mariel sa manugang niyaNapatda naman si Freeshia at hindi niya alam kung bakit ito tinatanong sa kanya all of a sudden.“W-wala naman po!” pagsisinungaling niya pa dito“Nakita ko ang anak ko, sa guest room natulog! Nag-away ba kayo?” Hindi malaman ni Freeshia kung ano ang isasagot sa pagtatanong ng biyenen niya. Hanggang sa maramdaman niya a
Read more

Chapter 16

Napalingon si Freeshia sa gawing likuran niya at napamura siya sa isip niya nang makita si Lance at kasama pa ang babae nito.Pilit niyang kinalma ang sarili dahil hindi siya entitiled na sugurin ang mga ito since wala namang nakakaalam sa tunay na relasyon nila.At maghihiwalay na sila kaya naman kailangan niyang manahimik dahil ang pagkakaroon ni Lance ng babae ang magiging grounds niya para mapabilis ang divorce.Nagpunta na sila sa designated table nila at mabuti na lang malayo ang table ni Lance. Hindi niya alam na imbitado din pala ito sa party.Samantalang si Lance ay hindi mapakali sa upuan niya dahil panay ang libot ng mata niya. Hindi siya maaring magkamali dahil natitiyak niya na si Freeshia ang nakita niya kanina.“Hon, may problema ba?” nag-aalala namang tanong ni Celestine sa nobyo niyaTumango lang si Lance pero panay pa rin ang paghahanap ng mga mata niya.Dinner was served at masaya namang kumakain si Freeshia at si Herea. Panay din ang pakikipagkwentuhan nila sa kas
Read more

Chapter 17

Pagkatapos ng sayaw ay inihatid ni Damon si Freeshia sa mesa nito. Habang nagsasayaw ay napagkasunduan nilang mag-dinner sa labas and Freeshia guessed na makakabuti ito para sa negosyo nila.“I’ll call you again!”Sabi ni Damon and Freeshia just nodded at him bago ito tumalikod. Nakasalubong niya ang isang waiter at may ibinulong ito sa kanya kaya napangisi pa siya.Lumabas siya sa garden kung saan nandoon ang taong naghihintay sa kanya. Natanaw ni Damon ang malapad na likod ng kaibigan at alam na niya kung bakit siya gustong makausap nito.Nakaharap ito sa pool at naninigarilyo habang may hawak na baso ng alak sa kabilang kamay niya.“Lance….”Napalingon si Lance nang marinig niya ang tinig ni Damon. Nakatayo ito sa likuran niya at nakapamulsa ang kamay sa pantalon niya.“What was that?” gigil na tanong ni Lance sa kaibigan niya kaya ipinakita ni Damon ang pagtataka“Ano ba yun? Nasa loob ang party at hindi dito!” Binitawan ni Lance ang sigarilyo at nalaglag iyon sa semento. Inapak
Read more

Chapter 18

“You really can’t buy class!” naiiling na sabi ng isa sa mga kliyente nila FreeshiaNakasunod ang mga mata nito sa papalayong si Lance at Celestine. Dinala nito sa bibig ang wineglass saka muling hinarap ang kasama niya at ang magkaibigan.“Akala mo naman kung sino eh kabit lang naman!” mahinang sabi nito sabay ilingNagkatinginan naman sila Freeshia at Herea dahil sa sinabi ng kliyente nila. May alam ba ang mga ito tungkol sa pagkakaroon ng asawa ni Lance?“Ano pong kabit?” tanga-tangahang tanong naman ni Herea “Well may bulong-bulungan kasi na may asawa na daw yang si Lance Villavicencio. Kaso wala pang nakakakita sa malas na babaeng iyon dahil apparently, itinatago daw ito ni Lance. Kaya malakas ang loob na irampa ang kabit niya dahil ang alam ng lahat, binata pa rin siya!” mahabang salaysay ng babae kaya nagkatinginan pa ang magkaibigan“Legit ba yan? Naku huwag kang gagawa ng kwento at naku, baka idemanda ka ni Lance!” babala naman ng isang babae“Tayo-tayo lang naman! Naiirita
Read more

Chapter 19

SPG ALERT:Pilit na inagaw ni Lance ang maleta ni Freeshia sa kagustuhan niyang pigilan ito sa tangka niyang pag-alis.Hindi siya papayag kaya naman ginamit ni Lance ang lakas niya para tuluyan mabitawan ni Freeshia ang maleta niya.“Akin na yan!” tinangka ni Freeshia na agawing muli ang maleta pero hindi iyon pinayagan ng lalaki“Stop it Freeshia! Walang aalis!” sabi ni Lance at dahil sa kawalan ng pag-asa ay minabuti na ni Freeshia na iwan na lang iyonBinitiwan naman agad ni Lance ang maleta at hinila ang bewang ni Freeshia saka niya ito inihiga sa kama.“Lance ano ba!” hinihingal na si Freeshia dahil sa panlalaban niya pero agad siyang dinaganan ni Lance“Akin ka lang! Akin ka lang!” Agad inabot ni Lance ang labi ni Freesia at sinibasib iyon ng halik habang ang kamay niya ay humahaplos sa dibdib ng asawa.Iniwas ni Freeshia ang mukha niya kaya naman sa leeg niya tumama ang halik ni Lance. Pakiramdam ni Freeshia, nanghina siya. Ayaw ng utak niya sa ginagawa ni Lance pero ang kata
Read more

Chapter 20

Nakatitig lang si Lance sa maamo at magandang mukha ni Freeshia habang natutulog ito. Nakadantay ang kamay at mukha nito sa unan habang nakatagilid at nakaharap sa kanya.She is dead tired dahil sa mainit na sandaling pinagsaluhan nilang mag-asawa at hindi maipaliwanag ni Lance ang sayang nararamdaman niya sa mga oras na ito.Noon, marahas at malupit kung angkinin niya si Freeshia at pagkatapos noon ay iiwanan na niya ito. It was more of a punishment para kay Lance dahil alam naman niya na ang pagkakaroon ng lang ng anak ang gusto ng asawa.Walang ingat niya itong inaangkin at kahit nasasaktan na ang asawa niya ay hindi ito nagrereklamo sa kanya. Naalala ni Lance noong unang gabi nila bilang mag-asawa. Ni hindi niya inisip na birhen ang babaeng pinakasalan niya. Basta niya itong inangkin at tiniis lahat ng asawa niya ang sakit. Kinabukasan ay tumawag ang kasambahay at sinabing mataas ang lagnat ni Freeshia. Alam niyang dahil iyon sa ginawa niya pero tiniis niyang hindi umuwi at si
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status