Mira POV“Magreresign na po ako.”Nanlalaki ang mga mata ni ate Vangie at napatayo pa ito dahil sa pagkagulat.“Bakit? Dahil ba sa sinabi ni sir Santillanes kanina?” nag-aalalang tanong nito. Tumango ako sa kanya.“Mira, narinig mo naman ang sinabi niya, pag-aaralan pa mga records nyo.” anito.Ramdam ko sa boses ni ate Vangie na ayaw niyang tanggapin ang resignation ko pero desidido na akong magresign. Isa pa ay hindi ko na rin kayang tumagal pa ng kahit isang araw dito.“Dun din naman po ang bagsak nun.” wika ko. Bakit pa nga ba ako maghihintay, kung alam ko naman ang resulta.“Hindi pa naman sigurado yun, Hintayin na lang muna nating ang desiyon ng HR.” pilit nya akong kinukumbinsi na wag nang ituloy ang pagreresign.“Ate Vangie, si sir din naman ang masusunod sa huli. Kahit pumayag ang HR, hindi rin naman ako makakalusot sa kanya. Saka okay na pong magresign na agad ako kesa ako pa yung patalsikin para hindi masakit sa mata kapag inilagay ko siya sa resume ko next time na mag-apply
Last Updated : 2024-10-02 Read more