Mira POV “Please…” ani Jake. Hindi ko alam kung nagkakamali lang ako ng pandinig, ngunit nagsusumamo ang kanyang boses. “May nagawa na naman ba akong kasalanan? Nagresign na ako, ano pa ba ang pag-uusapan natin? ” Hinihintay ko siya ngunit hindi naman siya nagsasalita at tumaas baba lang ang adams apple nito. “Kung wala ka ng sasabihin, umalis ka na. Gustong gusto ko nang magpahinga.” “Let’s talk about our child!” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paano nya nalamang may anak kami? “Paanong…” “Alam kong may anak tayo! Mira please… lets talk…” anito na parang desperado. Kitang kita ko sa mukha niya na seryoso siya sa sinasabi niya. Parang may dumagundong sa utak ko. Bigla akong natakot na baka kunin nila ni Lindsay si Jacob sa akin. Hindi ako makakapayag. Nananahimik kaming mag-ina sa napakahabang panahon, tapos bigla na lang silang babalik para manggulo sa buhay namin. Hindi pa ba sapat ang anak nila? Hindi pa ba siya kuntento na sinaktan niya ako at ngayon ay balak pa
Jake POV Kaninang kanina pa ako kumakatok sa pintuan ng tinutuluyan ni Mira ngunit hanggang ngayon walang sumasagot. Aalis na sana ako para maghintay sa sasakyan ng isang may edad na babae ang lumapit at nagtanong sa akin. “Si Mira ba hinahanap mo?” bungad nito. “Hindi pa yata siya umuuwi.” tugon ko. “Ay, nagtext siya sa akin kahapon pa na babalikan na lang niya mga gamit niya.” “Anong babalikan? Ano hong ibig nyong sabihin?” “Sino ka ba? Bakit mo siya hinahanap?” tanong nito sa akin. Mukhang ayaw basta magbigay ng impormasyon. “Girlfriend ko ho si Mira…” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na parang hindi naniniwala. “Sigurado ka? Panong mangyayari yun eh may anak na si Mira. Mukha ka pa namang binata.” Hindi ko pinansin ang mga sinabi nito. “Alam nyo po ba kung anong oras ang dating nya?” tanong ko sa kanya at parang nagulat pa. “Lumipat na siya, kahapon pa.” sagot nito. Bigla akong kinabahan sa sinabi ng babaeng kausap ko. “Alam nyo po ba kung san siya
Jake POV Umorder si Mark ng steak habang ako naman ay hirap na hirap na mamili ng kakainin dahil sa tuwing titingin ako sa menu ay naaalala ko si Mira nang kumakain ito ng itlog at tuyo. Sana naman ay kumakain silang dalawa nang maayos. Sa huli ay pinili ko ang BLT sandwich dahil ito ang pinakamura sa menu, ganun pa man ay may kamahalan pa rin. “Hindi ka ba gutom? Hindi mo masyadong ginagalaw yang pakain mo?” wika ni Mark na abala sa paghihiwa ng kanyang pagkain. Napailing ako at napabuntong hininga. “Iniisip ko ang mag-ina ko, kumain na kaya sila?” “Jake, gutumin mo man o hindi yang sarili mo, hindi magbabago kung ano man ang ginagawa nila ngayon.” “Ganyan din ako mag-isip dati pero nang makita mismo ng mga mata ko kung anong klaseng buhay merun siya dahil sa akin, parang hindi ko kayang lunukin kahit anong pagkain na nasa harapan ko.” “Don't be too hard on yourself. You can’t do anything anyway hanggat hindi mo sila nakikita.” “Ikaw ba? Wala ka bang balak balikan si Lin
Mira POVNag-alibi na lang ako kay lola Cecilia na nagleave muna ako sa trabaho para hindi niya malaman na nagresign na ako.Balak ko sanang maghanap na agad ng bahay pagkagising ko kanina ngunit nalibang ako sa usapan namin ni lola habang tuwang tuwa naming pinapanood si Jacob habang naglalaro. Sa tinagal tagal na panahon ay parang ngayon ko lang naranasang magrelax lalo na at napaka ganda ng bahay ni lola.Kagabi nga ay napakasarap ng tulog namin mag-ina dahil naka-aircon pa kami bukod sa napaka sarap humiga sa malambot nilang kama. Maging ang tubig na ginamit ko sa shower ay maligamgam. Ngayon lang naman ito kaya eenjoyin ko na, baka bukas makalawa ay aalis na rin kami dito.Minsan ay napapaisip ako kung tama ba na itago ko si Jacob sa ama nito? Nagiging makasarili ba ako? Kaya ko ba siyang bigyan nang maayos na buhay? Siguradong napakaganda ng buhay ang mararanasan niya kung si Jake ang kasama niya. Kagaya na lang ngayon, kung kay Jake siya mapapapunta ay araw araw niyang mararana
Mira POV Napailing na lang ako ng makita ang itsura ko sa salamin. Para akong clown na hindi marunong mag-apply nang make-up. Tuwing magkikita na lang kami ay palagi na lang ako mukhang tanga. Hindi ko tuloy maintindihan kung alin ang uunahin ko kanina, ang itago ang mukha ko o ang itago ang anak ko. Nandun naman si lola Cecilia kaya alam kong hindi nito pababayaan si Jacob. Sandali…, apo ni lola si Jake?!?! Oh my God! Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Narito ako ngayon upang takasan si Jake, ngunit sa lahat naman ng lugar ay dito pa talaga kami magkikita. Paano ko pa siya matatakasan. Nilinis ko ang aking mukha at nag-ipon muna ako ng lakas ng loob bago bumalik sa baba, upang harapin si Jake. Wala na sila sa salas nang bumaba ako. “Kumakain sila.” ani ate Ester nang makitang hinahanap ko si Jacob. Nagtungo ako sa kusina at nadatnan ko silang kumakain na. Magkatabi ang aking mag-ama. Kumakain ng drumstick si Jacob. Hinahalo naman ni Jake ang spaghetti, pagkuway sinubuan si Jaco
Mira POV“Excuse me.. “ cute na sabi ni Jacob at tumayo.Naagaw nito ang atensyon namin. Alam ko na agad na tatakbo ito papuntang banyo dahil mukha itong namimilipit.“San ka pupunta?” tanong ni Jake sa tumatakbong si Jacob.“Magsi-CR po!” sigaw ni Jacob dahil nakalayo na ito.Nakita ko ang sumilay na ngiti sa labi ni Jake.“JR, alam ko namang marami kang kaibigang binata, bakit hindi mo ipakilala itong si Mira sa mga kaibigan mo.” ani lola Cecilia.Muntik na akong mabilaukan sa sinabi ni lola. Nakakagulat si lola, bakit ba kasi bigla na lang itong nagsalita ng ganun. Ilang sandali ring natahimik sa kusina.“O dika na nakasagot, sabi ko ipakilala mo si Mira sa mga kaibigan mong binata.” ulit ni lola Cecilia ng hindi sumagot agad si Jake.“I don’t think that’s a good idea.” malamig na tugon ni Jake.“Bakit naman? Sa ganda ni Mira, hindi na sila lugi sa kanya.”“May anak na siya.” maikling sagot ni Jake.Para tuloy akong nainsulto sa sinabi nito. Ganun ba kababa ang tingin niya sa mga da
Mira POV“Ipanalangin niya na wag magkrus ang landas naming dalawa dahil kahit sino pa siya, sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang mga kasalanan niya sa inyong mag-ina!” Buong akala ko ay kagaya ng mga napapanood at nababasa ko sa mga nobela ang magiging paghaharap nina lola at Jake. Yung tipong away ng mga mayayaman. Agawan ng yaman, siraan ng reputasyon o kaya naman ay parang Mafia, bantaan at takutan.Hindi ko naman akalaing ganitong parusa ang gagawin ni lola Cecilia.., at gagawin niya talaga kahit pa nalaman nito na sariling apo niya ang nakabuntis sa akin.Hindi man lang nag-alinlangan si lola Cecilia na paghahampasin si Jake ng walis tambo. Dahil sa gulat ay hindi agad nakaiwas si Jake. Nakailang hampas pa si lola.“La, masakit na.. Ano ka ba!” napapasigaw si Jake dahil sa sakit.Ilang beses ba naman kasi itong tinamaan ni lola.“Hindi na ako bata, hindi mo na dapat ako pinapalo.” protesta ni Jake.So, pinapalo pala talaga siya ni lola nung bata pa. Hindi na ako magtataka,
Mira POV“Nanay…” malawak ang ngiti ni Jacob ng makita niya ako.“Ano Mira, ang ganda diba?” nang-uuyam na tanong ni lola Cecilia. Natawa naman ako sa sinabi ni lola.“Mas maganda pa po kesa sa girlfriend niya.” sarkastiko kong tugon.Tumingin naman sa akin si Jake na naniningkit ang mga mata.“Ikaw lang ang naging girlfriend ko.” mariing sabi nito.Labas sa ilong na napatawa at napailing ako.“Jacob, akyat muna si nanay sa kwarto ha.” wika ko ngunit abala ito sa kanyang ama kaya tumalikod na lang ako..“Tito JR, girlfriend mo po si nanay?” narinig kong sinabi ni Jacob.Bigla akong pumihit pabalik dahil sa narinig upang balaan si Jake na wag magsasalita.“Oo. Si nanay mo yung sinasabi kong pinakamaganda sa lahat.” anito.Pinandilatan ko ng mata si Jake. Baka maguluhan si Jacob kung basta na lang ito magkukwento sa bata. Ngunit ayaw naman nitong tumingin sa akin.“Pero girlfriend po siya ng tatay ko.”“Ako kasi ang—”“JAKE!!!”“JR!”Sabay pa kami ni lola Cecilia.Huminto naman sa pagsa
Mira POV“Oi, bawal yan!” nagulat ako nang marinig ang boses ng isang lalaki.Mariin akong napapikit. Nakakahiya!“Bat dyan ka umiihi, alam mo bang bawal dyan?” wika nito.Nilingon ko kung saan nagmumula ang pamilyar na boses. Laking gulat ko ng makita si Jake na nakatayo si gilid ko sa hindi kalayuan.OMG! Dejavu… si Jake na naman?!?!“Pwede ba umalis ka dyan!” sigaw ko rito.“Bakit ako aalis, eh mas nauna ako rito?” ani Jake. Kita ko sa mga mata nya ang nakakalokong ngiti.Oh God! Ganitong ganito ang nangyari sa first encounter namin.“Hoy lalaki, lumayas ka dyan!”“Infairness, amputi at ang kinis.” wika ni Jake at pilyong ngumiti. Ganitong ganito rin ang sinabi niya noon. Ni hindi man lang niya binago ang linya.“Hoy manyak! Ako ang ina ng anak mo kaya utang na loob, lumayas ka dyan. Sasabog na ang ihi ko.”“Okay, sa isang kondisyon.” ani Jake.Haaaay… Eto na naman siya sa kondisyon niya!“Ano?!?!”“Magpakasal ka sa akin.” anito.Nais kong matawa sa sinabi nito. Susuplahin ko pa san
Mira POV Inihatid ako ni mang Luis sa isang beach kung saan ginaganap ang team building. Nabanggit na rin ni Jake sa akin na kumuha siya ng private house para sa amin kaya dun na ako dumiretso. Nakabukod ito sa tinutuluyan ng mga empleyado kaya hindi ko sila nakita. Nangingiyak ngiyak na ako habang naglalakad upang harapin si Jake. Araw araw na lang siyang nagyayang magpakasal tapos may kababalaghan pala siyang ginagawa. Pagpasok ko sa loob ay nagulat ako ng makita ang buong pamilya ni Jake na naririto ngayon, ganun din sina Mark at Lindsay. Pati sina kuya Alfred at ate Myla ay naririto rin. Masaya ang mga itong nagkukwentuhan ng dumating ako. Nakangiting tumayo si Jake ng makita ako upang lumapit. Yayakapin at hahalikan niya sana ako ngunit itinulak ko siya. “May babae ka ba?” tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito. Nawala ang tawanan at bigla tumahimik ang paligid. “Sagutin mo ako, may babae ka ba?” namumuo ang luha sa mga mata ko. “Babe.. anong sinasabi mo?”
Mira POV Isang araw bago ang team building ay dumating ang mga magulang ni Jake sa bahay ni lola Cecilia. Kagabi lang binanggit ni Jake ang tungkol kay Jacob kaya nagkukumahog ang mga ito na lumuwas ng probinsya para makita ang kanilang apo. Halatang halata sa mga ito na ang kasabikan na makita si Jacob. Mas lalo pa ang mga itong hindi magkandatuto nang makita kung gaano kataba at kacute ang apo. Wala rin kasing kaduda duda na mag-ama sila ni Jake dahil para silang pinagbiyak na bunga. “Napakaganda naman pala ng nobya mo.” magiliw na sabi ni Maritha Santillanes ang ina Jake. Niyakap niya ako at naramdaman ko ang buong puso nitong pagtanggap sa akin, ganun din ang ama nitong si Jake Santillanes Sr. Nagtungo kami sa restaurant ni Lindsay ng gabing yun upang doon kaming lahat magdinner. Naroon din si Jasmine ang anak ni Lindsay. Ilang beses na rin silang nagkita ni Jacob para sa playtime at magkasundong magkasundo ang dalawa, palibhasa ay magkaedad lang ang mga ito. Bago magsimula an
Mira POVPara akong napako sa aking kinatatayuan at nanlalaki ang mga matang napatingin kay lola. Bigla akong kinabahan, dahil ngayon ko lang narealized na hindi pa nga pala ako dinadatnan ngayong buwan.Napatingin ako kay Jake na ngayon ay nanlalaki rin ang mga mata.“O, hindi ka na nakasagot dyan?” ani lola.“La, hindi pa naman po sigurado.” ani Jake na nakalapit na agad sa akin. Halata sa mukha nito ang nag-aalala para sa akin.Isang malakas na lagapak ang nangyari nang hampasin ni lola ng hawak nitong pamaypay ang braso ni Jake.“Hind yun ang punto kong damuho ka. So, ginagapang mo pala si Mira sa kwarto nila!”“La, mali ka. Siya ang gumagapang sa kwarto ko.” nakakalokong sabi ni Jake. Alam kong nagbibiro lang ito pero baka sabihin ni lola na ako talaga ang gumagapang sa kanya.“Ang kapal mo! Kinukulit mo kaya ako kahit katabi ko si Jacob, alangan namang dun natin gawin.”Lumawak ang ngiti ni Jake samantalang natutop ko naman ang aking bibig dahil sa nasabi ko. Si lola naman ay nan
Mira POVSi lola Cecilia ang pinakamabait na lola na nakilala ko. Ngunit ibang klase siyang dumisiplina. Kahit sarili nitong apo ay hindi kinukunsinti ang kamalian. Hindi siya nakakalimot na paalalahanan ako na huwag akong basta lalambot kay Jake. San-ayon naman ako sa kanya na dapat paghirapan nitong makuha muli ang aking pagtitiwala, according sa utak ko.Kaso iba ang binubulong ng puso at katawan ko. Masyado akong marupok pagdating kay Jake. Siguradong madidisappoint si lola sa akin kapag nalaman niyang ilang linggo na kami ni Jake na gumagawa ng milagro gabi-gabi. Kapag tulog na ang lahat ay patago kaming nagtatagpo sa kanyang silid.Balak ko namang sabihin sa kanya ngunit naghihintay lang ako ng mga 2 o tatlong linggo pa para hindi naman hindi masyadong halata na maaga akong bumigay sa apo niya. Hanggang ngayon kasi ay tinitiis niya ang kanyang apo. Tinataray tarayan pa rin niya si Jake at kinukutusan tuwing may pagkakataon.“Hanggang kelan mo ba gagawin to?” tanong ni Jake nang
Mira POVNang medyo nahimasmasan ay tumayo na ako at lumabas ng bangko. Paglabas na paglabas ko ay nakita ko ang pagbaba ng isang pamilyar na mukha mula sa isang sasakyang nakaparada sa harapan ng banko. Walang iba kundi si Lindsay!Biglang kumabog ang dibdib ko ng makita ko siya. Parang nabiyak ang aking puso nang makita ko ang babaeng dahilan kung bakit ako iniwan ni Jake. Ang babaeng mahal na mahal ng nag-iisang lalaki sa buhay ko.Napatingin siya sa direksyon ko at nagkasalubong ang aming mga mata. Lumiko ako upang hindi ko siya makasalubong. Hindi ko rin alam kung kilala ba niya ako? Ilang beses lang naman kami nagkaharap. Binilisan ko ang aking paglalakad. Ang sakit pala na makita ang babaeng mahal ni Jake.“Mira!” narinig kong tinawag niya ako. Hindi ako lumingon dahil baka nagkamali lang ako ng dinig.Nakita kong mabilis itong naglakad at hinabol ako. Bakit niya ako hinahabol? Aawayin ba niya ako dahil inaagaw namin ni Jacob ang atensyon ni Jake sa kanilang mag-ina?“Mira!” ani
Mira POVKatatapos lang naming mag-almusal kaya narito na ulit ako sa banyo upang ayusin ang aking sarili. Muli kong kinuha ang concealer at pinahidan ko muli ang aking leeg. Sabi ko na nga bat at magiging tsikinini to eh.Sa susunod ay pag-iingatin ko na si Jake. Sa susunod? Baliw na nga talaga ako.Kanina sa lamesa habang nag-aalmusal kami ay hindi kami nag-iimikan ni Jake na akala mo ay walang kababalaghang nangyari kagabi upang hindi kami mahalata ni lola. Siguradong magagalit ito sa akin.Nung ipagtapat kasi namin kay Jacob na si Jake ang kanyang tunay na ama at iniwan namin sila para magkasarilinan ay kinausap naman ako ni lola nang masinsinan. Mahal daw niya si Jake ngunit gusto daw niyang turuan ito ng leksyon kaya nais niyang tulungan ko siya. Hiniling niya sa akin na pahirapan ko muna ang apo niya.“Lola kahit po hindi nyo sabihin sa akin, yan po talaga ang gagawin ko. Hindi na po ako ang dating Mira na madali niyang mapapasunod. Sa tindi po ng pinagdaan kong hirap, imposibl
Mira POVBago mag-alas singko ay nagmessage sa akin si Jake na hihintayin niya ako sa kabilang kanto para sabay na raw ulit kaming umuwi. Hindi na ako nagreply dahil napagpasyahan kong hinding hindi na talaga ako sasabay sa kanya. Hindi pwedeng palagi na lang siya itong nananalo sa aming dalawa tapos ako naman itong namomroblemaNang oras na nang labasan ay sumabay ako sa mga katrabaho ko kagaya ng dati ko nang nakasanayan. Kahit alam kong naghihintay si Jake sa kabilang kanto ay mabilis akong sumakay sa nakaparadang jeep. Nakahinga ako ng maluwag ng makaalis ang jeep. Wala pang 15 minutes ang biyahe papunta sa bahay ni lola kung may sariling sasakyan, inaabot naman ng 30 minutes o higit pa kung sa pampasaherong jeep ako sasakay, depende sa traffic.Ilang beses kong narinig na nagring ang aking cellphone sa loob ng bag pero hindi ko yun sinagot dahil alam kong si Jake lang yun. Manigas siya! Dapat ay kahapon ko pa ito ginawa, masyado na siyang namimihasa sa kabaitan ko.Si lola, napar
Mira POVKanina pa ako gayak para pumasok sa trabaho ngunit hindi ako makalabas ng silid. Siguradong nag-aalmusal na sina lola at Jake sa kusina. Hindi na lang ako kakain at didiretso na lang ako sa trabaho. Hindi ko kayang makasabay si Jake sa pagkain. Nahihiya ako dahil sa nangyari kagabi. Tinuktukan ko ang aking sarili, bakit ba naman kasi hinayaan ko siyang gawin yun sa akin kagabi at ang malala pa ay tumugon ako sa halik niya. Siguradong narinig din niya ang pag-ungol ko. Napatakip ako ng mukha at nagpapadyak. Ang bilis kong bumigay. Nakakahiya!Napaigtad ako ng may marinig akong mahihinang katok. Hindi ako kumilos, aalis din yung kumakatok kung di ako sasagot. Malay ko ba kung sino yung nasa labas, baka si Jake yun, lalong hindi ko siya pagbubuksan.“Mira..” boses ni ate Ester.Mukhang walang balak umalis si ate Ester kaya napilitan akong buksan ang pintuan.“Buti gising ka na, akala namin natutulog ka pa.”“May inaayos lang po ako.”“Pinabababa ka na ni lola, kumakain na sila.”