3rd Person's Point of View*Flashback...Bumisita sila Liliana sa isang birthday party at yun ay ang kaarawan ni Asher. Excited siyang naglalakad habang dala dala niya ang regalo na para kay Asher. Nakahawak siya ngayon sa braso ni Enzo habang naglalakad papasok sa reception sa Italya kung saan siya lumaki."Brother, do you think Asher will be happy with the gift I got him for his birthday today? I'm nervous because I’m worried he might not like it."Napakunot naman ang noo ni Enzo dahil sa sinabi ni Liliana."If he even tries not to accept your gift, I'll make him eat it. He'll probably like it because you personally make it for him."Napangiti naman si Liliana habang nakatingin sa regalo na hawak niya. Napatingin naman siya sa mga nakalinya na nagbibigay ng regalo kay Asher at puro iyon mga ka-edad niyang mga batang babae at meron din namang mga batang lalaki.Matapos tanggapin ni Asher ang regalo nila ay binibigay nito sa butler niya sa gilid na parang wala siyang pakealam sa mga
Magbasa pa