Home / Romance / My Mysterious Wife / Chapter 401 - Chapter 408

All Chapters of My Mysterious Wife: Chapter 401 - Chapter 408

408 Chapters

CHAPTER 5

CHAPTER 5 3RD POV Halos malula si Daisy, nang makita ang nag-tataasan na pader. Kanina pa siya paikot-ikot sa bakuran, pero wala siyang makitang gate. Mas lalo pa siyang nakaramdam ng kaba, matapos makita ang lalaking nakasuot ng mascara. Muli siyang tumakbo, at naghahanap muli ng daan, na pwede niyang labasan. “Mapapagod ka lang!!” Napatingala siya, at doon niya nakita ang mga naglalakihang speaker na nasa taas. “Kung ako sa ‘yo, bumalik kana.” Muling wika nito, pero hindi pa rin siya tumigil sa kata-takbo. ‘Anong klaseng lugar ba ‘to? Bakit walang daan palabas?’ Hindi niya maiwasan na maiyak, habang nakaramdam na nang pagod. Gusto na niyang sumuko, pero nasa isip niya pa rin ang tumakas. Kailangan niyang makawala sa lalaki. “Hindi kaba talaga hihinto?” Natigilan siya matapos makita itong nakatayo sa harapan niya. Namilog din ang kanyang mga mata, matapos niyang makita ang dala nito. Itinaas ni Daisy, ang kanyang mga kamay. Habang tinutok ng lalaki ang baril na hawak niya sa
last updateLast Updated : 2025-04-24
Read more

CHAPTER 6

CHAPTER 6 3RD POV Lalo pang namilog ang mga mata ni Daisy, habang tinakpan pa rin ng matanda ang kanyang bibig. Mas lumakas pa kasi ang kalabog na narinig niya mula sa labas. Naisipan ni Daisy, naapakan ang para ng matanda. Para makasigaw siya at mabitawan nito, napatitig lang ito sa kanya at wala rin siyang makitang reaksyon, mula rito. “Fcvk!” Narinig niyang wika nito, habang hinila siya nito pabalik sa kama. Mabilis din ang galaw nito, na kinuha ang isang panyo at nilagay ito sa kanyang bibig. “Umm..” Ungol niya, matapos nitong matali ang panyo, sa bibig niya. Mahigpit naman nitong hinawakan ang kanyang mga kamay, para matali ito sa kama. “Ummm!!!” Ungol muli ni Daisy, habang napatingin ito sa matanda na palabas. ‘Tulong!!’ Gusto niya itong isigaw, pero walang lumalabas na boses sa kanyang bibig kun’di puro ungol, dahil sa panyo. ‘Kailangan kung makawala rito. Alam kung ito na ang pagkakataon, para mailigtas ako rito, nang taong nasa labas.’ Napapitlag siya, matapos niyang m
last updateLast Updated : 2025-04-25
Read more

CHAPTER 7

CHAPTER 7 3RD POVGulat na napatingin si Daisy, sa matanda. Nang bigla nalang nitong iwaksi ang tatlong lalaki na may hawak sa kanya. Diritso nitong nilapitan ang lalaking may hawak sa kanya at malakas itong binalibag. Akmang bubunot sana ng baril ang mga lalaking nasa likuran niya. Pero nauna siyang nagpaputok rito. “’Wag! M-maawa ka B-Boss..” Nagmamakaawang wika nito, habang lumuhod. “Awa? Bakit? Dapat kabang kaawaan?” Narinif niyang wika ng matanda sa lalaki. “Pero sige, pagbibigyan pa rin kita. Tumakas ka, hanggang kaya mo, dahil kapag nahuli kita. Patay ka sa akin.” Ngising wika nito, kaya dali-dali itong tumayo at mabilis na tinakbo ang pinto. Tulala naman na napatingin si Daisy, sa matanda. Habang kinalagan siya nito. “Lumipat ka muna ng ibang silid.” Wika nito, habang inalalayan siyang tumayo. “Talagang lilipat ako, dahil nakakatakot dito!” Galit na sigaw niya rito, habang humawak sa braso. “Bakit ba wala kang ibang kasama rito? Nasa’n ba ‘yong mga taong pumasok noon?
last updateLast Updated : 2025-04-25
Read more

CHAPTER 8

CHAPTER 83RD POV “Bakit mo ba kasi siya pinakawalan?” Inis na wika ni Daisy, habang bumalik at umupo sa tabi ng matanda. “Ayaw ko na silang dagdagan pa sa loob.” Balewala na wika nito at tumayo. Napatayo naman si Daisy, at inalalayan ito nang muntik na itong matumba. “Ayos ka lang?” Tanong niya, habang tinitigan ang matanda. Umiling ito sa kanya, habang napahawak sa tagiliran nito. “Samahan mo nalang ako sa taas. Gusto kung magpahinga.” Wika nito, habang bakas sa mukha nito ang sakit. “S-sige.” Utal na sagot niya, habang hindi maiwasan na makaramdam ng kaba. Iniisip niya na baka may masamang mangyari sa matanda. Paano nalang siya makalabas. Isa pa, ayaw niyang mag-isa dahil natatakot siya sa mga bangkay na nasa loob ng silid. ‘Ito ba ang silid niya?’ Napatingin si Daisy, sa malawak na silid at tangging sofa lang ang nakikita niya. ‘Paano niya ako nakikita kung nandito siya?’ Nang mapatingala siya, ay napakunot ang kanyang noo, matapos niyang makita ang mga cctv. Na nasa taas.
last updateLast Updated : 2025-04-26
Read more

CHAPTER 9

CHAPTER 9 3RD POV “Halika na,Baby.” Wika nito at nauna na muling naglakad. Habang nagluluto ito ay nakatingin lamang si Daisy, sa kanya. pinapanood niya ang bawat galaw ng matanda. “Ilang taon kana?” Tanong niya, habang napansin na natigilan ito at nilingon siya. “Bakit?” Sagot nito at muling tinuloy ang ginagawa. “Pansin ko kasi na malakas ka pa.” Wika niya, kaya nilingon siya nitong muli. “Sinabi ko naman sa ‘yo, na kaya ko pang gumawa ng bata, kahit isang dosena pa.” Inis niya itong tiningnan, dahil sa sagot nito sa kanya. “Bakit ba ayaw mo akong kausapin ng maayos?” Wika niya habang tumayo at lumapit dito. “Wala talaga akong tanong na sinasagot mo ng maayos. Puro ka nalang talaga kalokohan.” Galit na wika niya.“Gusto mo ba talagang iwanan kita rito?” Wika niyang muli, habang ngumiti ito. “Bakit? Alam mo ba ‘yong daan palabas ng bahay ko?” Sagot nito habang nailing.“Pwede bang pauwiin mo na ako.” Wika niya, habang napansin na natigilan ito. “Ito naman ang gusto mo ‘di
last updateLast Updated : 2025-04-26
Read more

CHAPTER 10

CHAPTER 10 3RD POV ‘Kainis! Bakit ba hindi ko maalala?’ Lumipas ang ilang oras, ay hindi pa rin dinadalaw ng antok si Daisy. Panay lang ang pagpikit niya ng kanyang mga mata. “June..” Sambit niya, habang hindi ito tiningnan. Ayaw niya na idilat ang kanyang mga mata, dahil natatakot siya. Iniisip niya na nagmumulto ang mga lalaking napatay ng matanda. “Tulog kana ba?” Muling wika niya, habang wala siyang naririnig mula rito. ‘Dapat pala hindi ko nalang siya kinakausap. Wala naman akong mapapala, dahil antukin naman ang mga matatanda.’ Inis siyang tumalikod at pinilit na makatulog. NANG magising si Daisy, ay agad siyang napabalikwas. Napatingin siya sa matanda at nakita na mahimbing pa rin itong natutulog. “Lolo..” Sambit niya at tumayo. ‘Anong oras na kaya?’ Tumayo siya at lumapit sa malaking kurtina. Binuksan niya ito, at sinilip ang labas. ‘Mukhang tanghali na. Bakit hindi pa rin siya gumising?’ “June..” Wika niya at kinalabit ito. Pero wala pa rin siyang nakuhang sagot mul
last updateLast Updated : 2025-04-27
Read more

CHAPTER 11

CHAPTER 113RD POV “Manahimik ka nga!” Inis na wika niya, at muling tinuon ang atensyon niya sa kanyang pagkain. “Akala ko nasa malayong lugar tayo.” Wika ni Daisy, matapos siyang kumain. “Sa tingin ko, malapit lang tayo sa syudad, kung saan naroon ang isa sa mga restaurant ni Tita Catherine.” Kunot noo na wika niya rito. Habang kumain kasi siya kanina, ay nalaman niya na ang mga pagkain ay galing sa restaurant ng ina ni Ellie. “Hmm, sadyang matalino talaga kayo.” Ngiting wika nito sa kanya. “Kilang-kilala ko ang luto nila.” Sagot niya rito. “Paano ka nakarating do’n?” Muling wika niya, habang tinitigan ito. “Sa tingin mo ba, aamin ako?” Sagot nito habang tumayo. Mabilis naman niya itong sinundan. “Alam kung hindi. Pero sino kaba talaga? Paano mo ako nakikilala?” Tanong niya rito, habang patuloy itong sinusundan. “Basta kilala kita matagal na.” Sagot nito at umupo sa damuhan. Napakunot naman ang noo ni Daisy, habang nakatingin sa kanya.“Bakit kaba umupo r’yan?” Tanong niya,
last updateLast Updated : 2025-04-27
Read more

CHAPTER 12

CHAPTER 12 3RD POV “Bumaba na tayo.” Wika nito, kaya tumingin siya rito. “Bakit? Anong gagawin natin do'n?” Taka na tanong niya rito. “Magluluto na ako, para sa hapunan natin.” Sagot nito, kaya napatingin siya sa labas. “Mukhang maaga pa.” Kunot noo na wika niya. “Mas maganda kasi kapag nandito na tayo sa taas mamaya. Alam mo naman, delikado sa labas.” Wika nito, kaya napatango siya. “Ayaw mo kasi na magpa-iwan dito.” Wika nitong muli, habang palabas sila sa silid. “Alam mong takot ako ‘di ba?” Sagot niya, habang hindi na ito umimik pa. NANG marating nila ang kusina ay umupo siya sa upuan at nagmamasid sa ginagawa ni June. “Mahilig ka pa lang magluto?” Tanong niya rito. “Sinikap kung matuto para kapag nag-asawa ako, ako mismo ang magluluto para sa kanya.” Malungkot na sagot nito. “Bakit hindi ka nag-asawa noon?” Tanong niyang muli. “Akala ko kasi ikaw ang tamang babae para sa akin.” “Ayan kana naman. Alam mong hindi pa ako ipinanganak, noong kabataan mo.” “Pero alam mo,
last updateLast Updated : 2025-04-28
Read more
PREV
1
...
363738394041
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status