Home / Romance / True Love, True Heir (Filipino) / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng True Love, True Heir (Filipino): Kabanata 11 - Kabanata 20

76 Kabanata

Chapter 10

Nagawa naman nga ni Eric ang pinagagawa sa kanya ni Stella nang maayos kaya bumalik kaagad siya sa kompanya na pinagtatrabauhan niya. Hindi naman siya masyadong nahirapan. Mahigit dalawang oras lang naman siya na nasa labas. Tamang-tama ay papalabas na si Stella sa opisina niya dahil may meeting ito kaya naabutan pa niya ito doon. Nagmadali kasi siyang umakyat para maabutan niya ito dahil alam niya na may meeting ito. "Kumusta ang pinagagawa ko sa 'yo, Eric? Nagawa mo ba nang maayos?" nakangising tanong ni Stella sa kanya na mabilis naman nga niyang tinanguan."Opo, Ma'am Stella. Nagawa ko naman po nang maayos ang pinagagawa mo sa akin. Tagumpay po ako dahil naibigay ko 'yon sa babae," sagot ni Eric kay Stella na CEO nila.Tumango naman nga si Stella pagkasabi niya. Kilala niya kung sinong babae ang tinutukoy nito na walang iba kundi ang tumayong ina niya na hindi naman anak ang turing sa kanya. "Mabuti naman kung ganoon. Masaya akong malaman 'yon, Eric. Hindi ka naman ba nahirapa
last updateHuling Na-update : 2024-12-10
Magbasa pa

Chapter 11

Tinawagan ni Stella ang kanyang kaibigan na si Janice kinagabihan. Sinabi niya ang ginawa niya kanina na pagbigay ng pera sa pamilyang umampon sa kanya at ang tungkol sa pagsabi niya kay Eric tungkol sa katotohanan na ampon nga siya. Sinagot naman nga ni Janice ang tawag niya. Hindi naman na ito busy kaya may oras na makipag-usap sa kanya, eh. Nagpapahinga na rin ito kagaya niya. Janice can't believe that she would do that."O, talaga ba? Ginawa mo 'yon?" hindi makapaniwalang tanong niya dito sa kabilang linya. Tumango pa nga si Stella kahit hindi sila magkaharap sa isa't isa."Oo. Ginawa ko talaga 'yon kanina. May masama ba sa ginawa ko, huh?" tanong ni Stella sa kanya. "Wala naman, 'no? Wala naman nga kung iisipin na masama sa ginawa mong 'yon, eh. Mabuti nga 'yon na kahit hindi maganda ang naging trato nila sa 'yo ay binigyan mo pa rin sila ng pera. Maganda ang ginawa mong 'yon, mars," sabi ni Janice kay Stella na kaibigan niya."Naaawa naman kasi ako sa kanila. Alam ko na naghihi
last updateHuling Na-update : 2024-12-10
Magbasa pa

Chapter 12

"Ma'am Stella, may gusto raw po na mag-apply ng trabaho ngayon dito sa atin," imporma ni Emerald na secretary ni Stella sa kanya sumunod na araw. Kumunot ang noo ni Stella sa sinabing 'yon ni Emerald sa kanya. Nagtataka siya kung bakit kailangan na sabihin pa sa kanya 'yon. Puwede naman na direkta na magpasa ng kanyang resumé ang taong gusto na mag-apply sa kanila sa HR Department. Hindi naman sila hiring pero binibigyan nila ng chance ang gusto na mag-apply kung sakali na may mapili sila. "E, ano ngayon kung may gusto na mag-apply dito sa atin? Kailangan ko pa bang malaman 'yon?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Stella sa secretary niya na si Emerald.Tumango kaagad ito sa kanya. "Opo. Hindi po siya dumiretso sa HR Department para magpasa ng kanyang resumé dahil dito raw po niya gusto na dumirekta sa opisina mo. Nasa labas po siya ng opisina mo, Ma'am Stella. Kaya nga po ako pumasok para sabihan ka. He really wants to see you. Sinabihan ko na po siya na huwag dumirekta sa 'yo l
last updateHuling Na-update : 2024-12-11
Magbasa pa

Chapter 13

Sinamahan ni Emerald si Elmo sa loob ng opisina ni Stella. Iniwan kaagad silang dalawa nito sa loob. Pagkapasok na pagkapasok nga ni Elmo sa opisina niya ay nakaramdam kaagad siya ng kakaiba dito. Nagtama ang mga mata nilang dalawa. Bumilis kaagad ang tibok ng puso niya. Aminin man niya o hindi ay guwapo talaga si Elmo. Unang kita pa lang niya dito ay masasabi na niyang ang lakas ng sex appeal nito at kahit sinong babae ay talaga naman na maa-attract sa isang kagaya niya. Ngumiti ito sa kanya kaya mas lalong lumitaw ang kaguwapuhan nito sa harapan niya. Binati muna siya nito at ganoon rin naman ang ginawa niya na binati rin niya ito pabalik. Pinaupo niya ito sa upuan na nasa harapan ng mesa niya. Nakatayo si Stella kanina pagkapasok niya kaya umupo na ito muli sa swivel chair niya nang umupo rin siya. "Ikaw pala ang lalaking tinutukoy ng aking secretary na gusto na mag-apply ng trabaho dito sa kompanya kung nasaan ka ngayon, right?" malumanay na sabi ni Stella sa kanya.Elmo shook h
last updateHuling Na-update : 2024-12-13
Magbasa pa

Chapter 14

Habang kausap ni Stella ang kaibigan niya na si Janice sa kabilang linya kinagabihan ay naisingit niya ang tungkol sa pag-a-apply ng isang lalaki sa kompanya niya na ang pangalan ay Elmo. "Did you hire him?" tanong ni Janice sa kanya."Hindi. Bakit ko naman siya iha-hire, eh, wala namang bakanteng posisyon sa kompanya ko, 'di ba? Hindi naman puwedeng mag-tanggal ako ng isang empleyado ko na wala namang masama na ginagawa para lang ipalit siya. Ayaw ko na gawin 'yon dahil hindi naman tama, eh. Ang sabi pa nga niya sa akin ay kahit anong trabaho raw na ibigay ko sa kanya ay tanggapin raw niya. Wala naman akong nagawa kundi ang sabihin sa kanya na hindi ko siya matatanggap sa kompanya ko dahil hindi hiring at isa pa ay walang bakante. Gusto raw niya na magtrabaho sa kompanya ko ngunit wala naman akong magagawa, 'di ba? I can't give him a job. Mismong dumiretso nga siya sa opisina ko dahil para raw makasigurado na magkakaroon siya ng trabaho. Iba rin ang lalaking 'yon, 'no? Ang lakas ng
last updateHuling Na-update : 2024-12-13
Magbasa pa

Chapter 15

"Ba't ka bumalik dito sa opisina, huh? Ano na naman ba ang kailangan mo?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Stella kay Elmo pagkaupo nito sa upuan kung saan kaharap niya ito. Nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga si Elmo bago nagsalita sa kanya. "Hindi naman po ako babalik dito sa 'yo kung wala akong kailangan, eh. Kaya bumalik po ako dahil may kailangan ako sa 'yo," sabi ni Elmo sa kanya."Ano? Ano'ng kailangan mo, huh?" tanong ni Stella sa kanya. "Nakahanap ka na ba ng trabaho?""Hindi pa po," mabilis na sagot ni Elmo sa kanya kaya napakunot-noo tuloy siya. Pagkaalis ni Elmo kahapon ay hindi naman na ito naghanap pa ng trabaho sa ibang kompanya. Umuwi na lang siya sa kung saan man siya ngayon nakatira. Hindi siya nakatira doon sa bahay ng ina niya na si Rosalina. Ayaw niya doon dahil magulo sa bahay nito. Hindi nga siya nagtagumpay kahapon ngunit hindi nangangahulugan na titigil na siya. Kaya siya nagbabalik ngayon kay Stella para mapapayag talaga niya itong bigyan
last updateHuling Na-update : 2024-12-13
Magbasa pa

Chapter 16

Masayang-masaya si Elmo na lumalabas sa opisina ni Stella. Sa wakas ay binigyan na siya nito ng trabaho kahit bodyguard slash personal assistant lang nito. Mahalagang-mahalaga na 'yon sa kanya dahil ang importante ay may trabaho siya at mapapalapit siya dito. He'll use her to get what he wants. Emerald congratulated him when he told her that Stella gave him a job. She was happy for him. Bago natulog si Stella kinagabihan ay sinabi niya sa kaibigan niya na si Janice ang ginawa niyang 'yon kanina. Hindi makapaniwala nga ito sa ginawang 'yon niya."Ang taray mo naman ngayon, mars. May bodyguard ka na pala. Tinalo mo pa ako," nakangising sabi ni Janice sa kanya sa kabilang linya. Seryosong nakikipag-usap si Stella sa kanya sa phone. "Hindi lang siya bodyguard ko, 'no? He's my personal assistant na rin. Panahon na rin siguro na magkaroon ako ng personal assistant, eh, na dapat pa talaga dati pa ako nagkaroon. Bumalik siya kanina sa opisina ko dahil kailangan niya ang tulong ko. Naaawa na
last updateHuling Na-update : 2024-12-13
Magbasa pa

Chapter 17

Five o'clock in the afternoon na nang matapos ang meeting sa loob ng conference room dahil doon lang may malaking espasyo. Marami silang nandoon sa meeting na 'yon. "Okay ka lang ba?" tanong ni Stella kay Elmo pagkalabas niya sa conference room at nakasunod lang sa kanya ang secretary niya na si Emerald na kung makatingin kay Elmo ay para bang gusto na nitong hubaran kahit maraming tao ang nasa paligid nila. She was concern that's why he's asking him if he's okay. Elmo nods his head quickly and speaks to her slowly."Okay naman po ako, Ma'am Stella. Trabaho ko po 'to kaya nahihirapan man po ako o hindi ay wala po akong karapatan na magreklamo. Kung magrereklamo lang naman po ako ay hindi na dapat ako nagtrabaho pa," nakangising tugon ni Elmo kay Stella na nag-aalala para sa kanya.Naririnig ni Emerald ang pag-uusap nilang dalawa kaya bigla itong sumingit sa pag-uusap nila."Baka bawal kang mapagod n'yan. Magsabi ka lang kung napapagod ka dahil ako ang bahala sa 'yo. Nandito ako para
last updateHuling Na-update : 2024-12-13
Magbasa pa

Chapter 18

Sa pagiging bodyguard slash personal assistant ni Elmo kay Stella ay muli niyang naranasan ang buhay na naranasan niya dati dahil sa dalawang mag-asawa na umampon sa kanya. Stella is giving him the things he needs to have. Palagi silang magkasama araw-araw. Hindi naman nga siya nahihirapan. Tuwing gabi naman nga ay mahimbing rin siyang nakakatulog. May malambot na kama siya na hinihigaan at malamig na kuwarto dahil may aircon sa loob. Pakiramdam nga niya ay hindi siya nagtatrabaho kay Stella kundi siya ay nakatira na kasama ito. Kung ano ang kinakain ni Stella mula umaga hanggang gabi ay ganoon rin naman sa kanya. Nakabalik nga siya sa buhay na tinatamasa niya kagaya dati ngunit ang kaibahan lang ngayon ay kailangan niya na magpakita ng todo effort hindi kagaya dati na siya ang kailangan na masunod palagi. Ngayon talaga ay hindi. Kailangan niya na sumunod kay Stella.Nakita naman na rin siya ni Janice na kaibigan ni Stella noong weekend dahil pumunta ito sa bahay nito. Ito lang naman
last updateHuling Na-update : 2024-12-14
Magbasa pa

Chapter 19

Umalis na muna si Elmo doon sa loob ng restaurant na 'yon matapos na kausapin nga siya ni Divina. Kumakain na silang tatlo ng dinner sa loob. Hihintayin na lang niya si Stella sa labas kung nasaan ang kotse nito. Kasama niya na naghihintay sa labas ang driver ni Stella. "Mukhang mabait naman ang bodyguard mo na 'yon, Stella," wika ni Divina kay Stella sa kalagitnaan ng pagkain nila ng dinner.Uminom muna si Stella ng tubig bago sumagot kay Divina. Tumango muna siya dito. "Mabait naman po siya, Ma'am Divina. He can be trusted naman po. Siya na nga ang pinagkakatiwalaan ko sa loob ng kompanya ko. Hindi na rin si Eric ang palagi kong inuutusan kapag may ipaggagawa ako na iba dahil nand'yan naman na siya. Hindi naman po ako nagsisisi na kinuha ko siya na maging bodyguard slash personal assistant ko po. Kahit papaano ay gumagaaan naman po ang trabaho ko araw-araw," malumanay na sagot ni Stella kay Divina. "Magandang marinig 'yan mula sa 'yo, Stella. Nasaan ba ang mga magulang niya?" tan
last updateHuling Na-update : 2024-12-14
Magbasa pa
PREV
123456
...
8
DMCA.com Protection Status