Nakita ni Archie ang pagkabalisa ni Yvonne kaya natawa siya. Tinitigan niya pa lalo ang mukha ng babae. “Why are you here?” Nanginig ang boses ni Yvonne nang magtanong sa lalaki. Ngumiti si Archie, itinaas bahagya ang kamay para haplusin ang mukha ni Yvonne. “Why? Can’t I be here?” Tanong nito pabalik. Saglit na parang may mahikang bumalot sa puso ni Yvonne nang makita ang ngiti nito. Sa totoo lang, guwapo si Archie noon pa man, lalo na kung ngumingiti ito. Noong nagkakasama pa sila at maayos pa ang kanilang relasyon, madalas na may ngiti sa labi nito kapag silang dalawa lamang. Paborito niya ang mga ngiti nito, lalo pa’t parang napakapayapa at saya ng emosyon ng mga mata nito. Pero ngayon, nag-iba na iyo. Dahil sa maiksing buhok nito at peklat na lumilitaw sa gilid ng noo na umabot sa kilay, para itong malamig na bato na sinaniban ng d*m*ny*. Kaya ang ngiti nito ngayon, ay talagang nakakapangilabot para kay Yvonne. “Why hasn't Tito Adonis woken up yet, huh?” Malambing nitong ta
Last Updated : 2025-02-25 Read more