COCO: " Coco, Anak?"Isang mahinang katok ang narinig niya sa kahoy niyang pinto. Ang bahay nila ay tila pinaglipasan na ng panahon. Gawa ito sa kahoy mula sahig, pader, pinto, bintana at yero. Malaki iyon at maluwag. Minana iyon ng kanilang ama sa namayapang magulang nito kung kaya’t wala silang binabayarang bahay at lupa. Malaking tulong rin iyon sa kanyang bayarin sa pangbuwanan."Mamay? Got to go na. Bukas ah Call time 7 a.m SHARP!" Mariin niyang bilin sa assistant bago niya pinatay ang tawag sa telepono. Pumasok naman ang kanyang ina bahagya pa itong sumilip ng kanyang maganit na kahoy na pinto."Mamay? Ano yun?"- salubong niya sa ina sa may pintuan at nginitian ito. Gumanti naman ito ng ngiti sa kanya. Matanda na ito. Halata rito ang pagod sa maghapon nitong paglilinis na naman ng maluwag nilang bahay at siyempre sap ag-aalaga siguro sa nakaratay niayng ama sa kabilang kwarto. "Nakauwi ka na pala, Hindi ko agad napasin. Nagpalit kasi ako ng diaper ng papay mo. Kumain ka na ba
Terakhir Diperbarui : 2025-02-20 Baca selengkapnya