All Chapters of Yaya Lingling and the Billionaire's twin : Chapter 61 - Chapter 70

133 Chapters

CHAPTER 61

CHAPTER 61Yaya Lingling and the Billionaire's twin Hindi nga ako nagkamali, ang mga kuya ko iyon? How did they get here? Since when? Kanina ko lang pinaalam sa kanila ang lugar na ito tapos ngayon na riyan na sila sa kabilang beach house? Binabantayan ba nila ako or talagang dito sila naisipan na magbakasyon? Pero ayon sa chat nila kanina, nasa bahay pa sila at busy sa mga alaga naming kabayo.“Are you okay?" Nagulat ako dahil biglang sumulpot si boss sa harapan ko. Akala ko kung sino na. "Ang lalim yata ng iniisip mo. Hindi mo ba nagustuhan ang dagat? O may takot ka pa sa tubig lalo at hindi ito pool, may pool naman sila pwede ka roon?" umiling ako kay boss, hindi naman kasi iyan ang dahilan. Ang mga bata ay masayang lumalangoy samantalang ako ito at nakatayo lamang, hanggang paa ko lang naman ang tubig. "Yaya! Daddy! Come on guys, let's swim.” Tawag ni Amalthea sa amin. "Okay lang boss, hindi lang ako makapaniwala na narito ako, maganda pala ang lugar na ito.” sabi ko nalang
last updateLast Updated : 2024-10-26
Read more

CHAPTER 62

CHAPTER 62Yaya Lingling and the Billionaire's twin “I'm gonna miss you guys!" Malungkot ko na wika sa mga kuya ko habang kayakap sila. Ngayon ang alis nila sa ibang bansa kaya malungkot ako. “Sumama ka sa amin para hindi mo kami namimiss," natatawang wika ni kuya Dan Ezekiel. “Kung pwede lang eh, pero huwag muna-" “Huwag muna dahil namimiss mo siya, ano?" Nakakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni kuya Dayton. "Ang boss mo bunso,” bigla ko nalang tinampal ang braso niya dahil sa sinabi nito. “Hindi ah, namimiss ka riyan, ang mga magulang natin ang mamimiss ko hindi ibang tao." “Ows-" sabay na wika ng tatlo. “Mommy oh…ayaw nila maniwala sa akin." Tawag ko kay mommy na kasama rin kina kuya papunta dito sa manila para ihatid ang kanilang anak. Si daddy ay kasama rin pero nasa tabi lang namin at may kausap sa phone dahil may biglang may tumawag. “Kayo ha, lagi niyong inaasar ang baby bunso ko. Kaya ayaw sumama sa inyo dahil aasarin niyo lang siya." Pagtatanggol ni mommy sa a
last updateLast Updated : 2024-10-28
Read more

CHAPTER 63

CHAPTER 63Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Hmmm…..thank you so much sa masarap na pagkain manang, talagang namimiss ko ang luto mo,” si mommy kay Yaya Nanay. Nasa condo unit kami dumiretso pagkatapos naming ihatid sina kuya sa airport kanina at mamayang gabi ang biyahe ng mga magulang ko pauwi ng probinsya, kaya mamayang gabi na rin ako uuwi ng bahay, nakapag-paalam naman ako kay boss Kale na day-off ko ngayong araw at pumayag naman siya. . “Thank you madam." ani ni Yaya at kinuha na ang mga pinggan namin sa lamesa para makapag-dessert na lamang kami. "How about you, anak? Wala ka pa rin bang plano na nagresign diyan sa tinatrabahoan mo, ayos ka lang ba talaga diyan sa kanila?” Napaangat ang ulo ko na marinig ang tanong ni daddy sa akin. “Sa ngayon daddy ay maayos po ako sa kung saan ako nagtatrabaho. Hindi naman po nila ako inaalila, I mean, may tagaluto naman at marunong na po ako maglaba sa washing machine. At saka mababait po ang mga bata kaya hindi po mabigat ang
last updateLast Updated : 2024-10-30
Read more

CHAPTER 64

CHAPTER 64Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Ganoon ba? Uhmm, hi!" wika ko sa babae pero umirap lang ito sa harapan ko. Napangiwi nalang ako sa ugali niya. Anong nakita ng boss ko sa kanya para magustuhan siya? Maganda siya, oo dahil totoo naman talaga pero ang ugali ay sobrang magaspang. Kung mataray siya aba, huwag niya akong subukan dahil hindi ko siya uurungan. Mataray siya, mas mataray ako no. Hindi lang halata.“Kumain ka na po Yaya?” Ngumiti ako sa mga bata at tumango sa tanong ni Lysithea. Yaya na ang tawag nila sa akin dahil tapos na ang pagpapanggap namin doon sa bakasyon namin sa probinsya. "Tapos na Ly, thank you, and uhmmm.... akyat na muna ako sa itaas.” paalam ko. " Sige po yaya -” lumingon ulit ako kay boss pero wala talagang imik siya at nagpatuloy lang kumain at ang babae ay papansin masyado sa boss ko pero hindi naman pinapansin. Magkasintahan ba talaga ang dalawa? Bakit parang bisita lang ang babae? Or marahil ngayon lang ulit sila nagkita kaya parang
last updateLast Updated : 2024-10-31
Read more

CHAPTER 65

CHAPTER 65Yaya Lingling and the Billionaire's twin “It's me…”"I…I know, hindi…hindi ako sisigaw, promise.” nauutal kong sabi, kung pwede lang kagatin ang palad niya ay ginawa ko na, pasalamat ka at alam ko kung kaninong palad ang nakatakip sa bunganga ko.Dahan-dahan niyang binaba ang kanyang palad at kinuha sa aking kamay ang pitcher na may lamang tubig, mabuti nalang at hindi ko nabitawan at lilikha talaga ng ingay. Masama ang tingin ko sa kanya kahit tanging ilaw lang ng buwan at ilaw sa labas ang nakikita ko sa mukha niya at ganoon din siya sa akin. Hindi ko na napigilan at nasapak ko na siya, sa sobrang kaba ko kanina ay kamuntikan ng maghiwalay ang aking kaluluwa. Hinawakan niya ang kanyang balikat kung saan ko siya natamaan. “Anong pumasok sa utak mo na pumunta ka riyan sa likuran ko ha? At nanggugulat ka pa talaga sa akin, boss? Paano kung sumigaw ako sabay sapak sa'yo nitong pitcher? Sa akin na nga iyan at nauuhaw ako!” Mahina pero pagalit kong sabi sa kanya, iwan bi
last updateLast Updated : 2024-11-01
Read more

CHAPTER 66

CHAPTER 66Yaya Lingling and the Billionaire's twin Tamad akong bumangon pero malayo na ako sa buhay prinsesa na nakasanayan kaya wala akong magawa kundi ang bumangon na sa kama para puntahan ang mga bata. Pikit mata akong nakaupo sa kama, tinatamad talaga. Ngunit bigla akong natigilan na maalala na naman ang nangyari kagabi kaya napabalik ako ng higa sa kama. Akala ko okay na ako pero naalala ko na naman ang nangyari, kakainis talaga, para na akong baliw na balisa kapag nariyan siya sa harapan ko.Bumaba na ako ng kama at lumabas ng kwarto para puntahan ang mga bata para gisingin. May pasok sila ngayon at next week na ang kanilang parents day celebration, kaya excited ang mga ito. For sure pupunta si boss at kanyang girlfriend para samahan ang mga bata, hindi na ako kailangan ni Lysithea at Amalthea dahil may sasama na sa kanila. Hindi tatagal, kung ikakasal na ang kanilang daddy sa girlfriend niya ay mommy na ang itatawag sa kanya, may mommy na sila. Masaya ako para sa kanila, ka
last updateLast Updated : 2024-11-02
Read more

CHAPTER 67

CHAPTER 67Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Timing pala ang dating ko. I go with you…ako ang kasama mo sa parents day ng mga bata. Soon, ikakasal na tayong dalawa at magiging anak ko na rin sila. Di ba Amalthea and Lysithea?”"Uhmm, ye...yes.. tita Jeniza.” alanganin na sagot ng mga bata sa tanong ng kanyang soon to be mommy daw. Nasa biyahe kami ngayon para ihatidna ang mga bata sa school at ito sumama pa talaga ang babae na iyan. Sasama raw ito sa amo ko sa kanyang office. Edi wow!Kanina pa ako panay irap sa bawat sinasabi niya. Hindi ko alam pero hindi ko talaga siya ramdam na maging parte ng mga Callisto. Hindi ko alam kung bakit, may kutob ako na hindi ko lang mapangalanan. “Pwede rin po si Yaya lang po tita kung pagod po kayo, di ba po may event kayo kinabukasan? Baka mapupuyat po kayo." si Amalthea. Ayan…tama iyan Amal. Tama lang na ganyan ang sinabi mo, baka panay pa yan na reklamo kapag nagsimula ang mga activities ng mga bata, maasahan ba iyan na halos ayaw ng
last updateLast Updated : 2024-11-03
Read more

CHAPTER 68

CHAPTER 68Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Diwata- alam mo, panay kalokohan ka na lang palagi kapag ako ang kaharap mo-" “Ano? Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Ikaw na nga itong tinutulungan ko eh." Nakasimangot niya pang sabi.“Alam mo, hindi ko alam kung bakit gusto mo talaga malaman ang tungkol sa lovelife ko. Hindi nga ako excited sa lovelife ko pero ikaw-" kami lang yata ang maingay sa campus na kung saan namin hinihintay ang mga bata.“Hindi ko nga alam eh, basta excited ako, believe me, ang alam ko lang if ever magustuhan mo ang boss mo, aba, first time sa buong buhay ko na may totoong nangyari na ganyan, alam mo ba na mahilig akong magbasa ng pocketbook at ngayon ay mga nobela na mababasa sa cellphone, kaya kaabang-abang ang love story mo Lingling na isa ka sa naninilbihan sa kilalang bilyonaryo sa bansang ito tapos na inlove siya sa ‘yo tapos ang magkatuluyan kayo sa bandang huli. Imagine Lingling! From fiction to reality ang magiging love story mo. From katulo
last updateLast Updated : 2024-11-03
Read more

CHAPTER 69

CHAPTER 69Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Saang bar ba?" tanong ko kay Carpo. Tumawag lang sa akin para ipaalala niya sa akin na birthday niya. “Sa Beat and Bar. Pumunta ka ha, ilang birthday ko na hindi ka pumunta, mamayang alas otso, susunduin kita. Kung ayaw mong sumama, isusumbong kita sa mga kuya mo.”"Edi, isumbong mo.” akala mo naman natatakot ako kapag isusumbong niya ako sa mga kuya ko. Baliw itong Carpo na ito. “At saka pa, bakit pa ako pupunta, hindi ba pwede magbibigay nalang ako ng regalo para sa iyo?” “Nope-" agad na tanggi niya. I gritted my teeth.“Mahal ang ibibigay ko." “Basta, pumunta ka kung ayaw mong ako na ang magpaalam sa boss mo-" “Ako na, huwag mo nang pakialaman at sa boses mo palang, wala na akong tiwala sa iyo. Baka anong paalam ang sasabihin mo!" humahalakhak siya ng tawa sa kabilang linya kaya napairap ako.Pagkatapos naming mag-usap sa cellphone kung anong oras niya ako susunduin ay tinext ko si boss na may pupuntahan ako mamayang gabi,
last updateLast Updated : 2024-11-04
Read more

CHAPTER 70

CHAPTER 70Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Are you okay? Birthday ko ngayon pero parang galit ka?" Natatawang saad ni Carpo. Matalim ang tingin ko sa kanya. Kakarating lang namin sa bar na sinabi niya na kung saan dito niya na isipan na mag-celebrate ng kanyang birthday, may mga kaibigan din siya na pupunta, meron ding mga babae na kasama. Mabuti naman at talagang uuwi ako na mag-isa kapag halos lahat sila na dadalo sa birthday niya ay panay lalaki.“Oo galit ako, galit na galit, but don't worry, hindi naman ako sa ‘yo nagagalit, binati pa nga kita eh." Sabi ko sabay kuha ng maliit ko na pouch para kunin ang make-up ko na dala pang retouch. Hindi ko sinabi sa kanya kung kanino ako nagagalit dahil ayokong sumali pa siya kung sino ang ikinagalit ko. “Buti naman, akala ko galit ka sa akin dahil pinilit kita na samahan ako ngayong gabi at sa bar pa mismo. Pumupunta ka naman dati di ba basta kasama ako o mga kapatid mo o mga kaibigan mo na babae, I'm trying my luck this time
last updateLast Updated : 2024-11-04
Read more
PREV
1
...
56789
...
14
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status