MARIANNE“Thank you, pretty. Alam ko naman ‘yon, crush ko lang naman eh. Crush lang, hindi pa naman talaga ito love,” sagot niya sa akin.“Crush? At hindi love?” wala sa sarili na tanong ko.“Eh ikaw, love mo na ba? Love mo na si mayor?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko.“Lib, may mahal siyang iba,” sagot ko sa kaibigan ko.“Paano mo alam? Sinabi ba niya sa ‘yo?” tanong niya sa akin.“Hindi, hindi niya sinabi sa akin. Pero nakikita ko sa mga mata niya, nakikita ko na mahal pa niya ang ex-wife niya.” sabi ko sa kaibigan ko.“Sure ka ba? Baka mali ka lang,” sabi pa niya sa akin.“Hindi ko alam pero isa lang ang alam ko. Kailangan kong umiwas sa kanya. Ayaw kong maging malapit sa kanya, Lib.”“May nararamdaman ka na ba sa kanya?” tanong niya sa akin.“Hindi ko alam, ano ba ang alam ko sa bagay na ‘yon?” tanong ko rin sa kanya.“Oo nga, hindi ka pa naman naiinlove eh. Pero paano kung mali naman ang nakikita mo. Paano kung wala na sa kanya ang ex-wife niya?”“Huwag na lang natin siyang
Last Updated : 2025-02-19 Read more