Napaisip si Yuna at kahit papaano ay nabuhayan ng loob. Kung ganun sa ganitong paraan, magagawa niyang muli ang kanyang paboritong gawain , ang pagdedisenyo.Labis ang naging pasasalamat ni Yuna at tumango sa sinabi sa ama."Kung magkakaroon ako ng pagkakataon, ay magpapasalamat ako ng lubos. Kay Patrick.""Oo, may pagkakataon anak, dahil sinabi niya sa akin na baka sa isang taon o dalawa, siya ay ililipat pabalik sa Amerika, at pagkatapos ay maaari tayong magsamang muli doon" masiglang balita ng kanyang ama.Pagkatapos pakinggan ang mga salita ng kanyang ama, alam ni Yuna na magkasundo ang ama at si Patrick kaya walang magiging problema.Kinabukasan, nagtatrabaho si Yuna sa kanyang studio nang biglang dumating si Felix. Nang makita ito ni Myca, sumimangot ito at halos gusto itong itaboy.Naalala kase ni Myca noong nakaraang araw sa gusali ng ABB, nasaksihan niya ng sarili niyang mga mata ang eksenang pinoprotektahan ni Felix si Rowena kesa kay Yuna kaya ngayon ay labis niyang kinamumu
Last Updated : 2025-02-20 Read more