Takot na takot si Yuna sa mga mata nito, takot na baka may gawin ito, kaya naman nag roll over ito sa likod ng sofa at sinubukang tumakbo palayo. Pero nahuli siya ni Felix, hinila siya pabalik, at tinitigan siya ng mga mata na tila gustong kainin. Napuno ng luha ang mga mata ni Yuna, at galit na galit niyang sinabi,"Hindi na kita maintindihan Felix isa kang Baliw!""Ako ay isang baliw?" Pinisil nito ang baba niya,habang nakatitig sa kanya ng mariin."Ngayong gabi, na frame- up ka ni Natasha, tinulungan kitang makawala sa kanya, at ibinalik ka para mag apply ng gamot, pero wala kang sinabing salamat, kundi prinotektahan mo pa si Jhong, alam mo ba kung ano ang dumating sa akin non Yuna? Bakit mo siya pinoprotektahan ng ganito hah? "Pinisil ulit nito ang kanyang baba, at lalong lumakas ang pagdaloy ng luha ni Yuna."Hindi ko siya prinotektahan, natakot ako na na sa sobrang galit mo hindi ka makapagkontrol tulad ng ginawa mo kay Zancho. natakot akong baka bugbugin mo siya hanggang s
Read more