“PATAWARIN mo ako. Pinagsisihan kong pinairal ko ang takot ko. Miss na miss ko na ang friendship natin, Selena,” umiiyak na sabi ni Karla sa kanya. Nakatingin siya rito habang tahimik na tahimik.Kahit siya ay nanghihinayang sa pinagsamahan nilang dalawa pero alam niyang hindi na niya muli pang maibabalik ang tiwala niya dito. Siguro kaya na niya itong patawarin pero never na siyang makakalimot pa.Akmang yayakapin nga siya nito ngunit mabilis siyang napaatras palayo dito. Ewan ba niya ngunit hindi na niya makakalimutan pa ang araw na ipinagkanulo siya nito. “I’m sorry kung hindi ko na kayang maibalik pa iyong dati,” aniya dito, “Hindi ko rin alam kung tuluyan na nga ba kitang napatawad, Karla. Hindi pa siguro hundred percent. . .”“Naiintindihan ko naman iyon.” Mahinang sabi nito sa kanya, “P-pero sa maniwala ka at sa hindi, masaya akong malamang nakuha mo na ang hustisya.”May pait sa mga labing napangiti siya, “Oo, nakuha ko na ang hustisya pero hindi na maibabalik pa ang mga
Last Updated : 2025-01-01 Read more