SAM POV. Dahan dahan bumukas ang malaking pintuan na nasa harap ko at mula dito kong saan ako nakatayo ay kitang kita ko ang lalaking mahal ko habang nag hihintay sa altar. He's wearing a tuxedo at nasa tabe niya si Kairon na best man namin at katabe naman nito si Tito, my father in law. Humakbang ako ng isang beses at narinig ko kaagad ang isang pamiliar na kanta. Nangingilid ang luha ko habang nakatingin sa lalaking mahal ko. Nagtama ang mata namin ni Kiel, kahit na meron akong soot na belo ay hindi hadlang yon upang hindi ko makita ang emosyon sa mga mata nito Kitang kita ko sa mga mata ni Kiel ang kasiyahan habang nakatingin sa akin. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin. Kitang kita mo sa mga mata nito kong gaano siya kasaya. Kong gaano siya kasabik. Hindi niya matanggal ang paningin sa akin habang dahan dahan akong nag lalakad. Tumulo ang isang butil kong luha dahil sa sobrang saya. Napatingin sa mga taong nakatayo
Last Updated : 2024-07-29 Read more