Sabay kaming naglakad ni Keane papunta sa kanilang Lounge at nakita kong may mga tao doon, na nagkakasiyahan at may banda pa sa gitna na kumakanta."I will pretend that this is our first meet. But of course, malalaman rin naman niya kung sino ka talaga. Just for tonight, I will be good too you," narinig kong sabi ni Keane.Napairap na lang ako sa kawalan dahil sa sinabi niya at nagpatuloy kami sa paglalakad."Chelsea!"Nakita kong tumayo si Charleston at bahagyang lumapit sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya ng akayin niya ako papunta sa bakanteng upuan katabi niya."Mom, everyone, she's Chelsea my date tonight," pakilala niya sa akin sa kanyang mga kasama.Napalunok pa ako saglit nang bahagyang magtama ang paningin namin ni Dion, na umiinom ng alak. Mataman niya akong tiningnan kaya inalis ko na ang tingin sa kanya at bumaling sa mga kasama nila na nagpapakilala rin sa akin."Hello, ija, I'm his mother, Cheena," pakilala ng isang ginang na lumapit sa akin. Ngumiti naman ako sa
Read more