Share

Chapter 2

     Naglalakad kami apat at naririnig ko kung paano mag usap si Zarrah at Charleston. Tila ba inaalam ng kaibigan ko kung sino silang dalawa at masasabi kong subrang daldal niya.

Naramdaman ko ang kamay ni Charleston na humawak sa kamay ko, na tila kinukuha ang atensyon ko. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti siya sa akin.

"You're too silent. Are you feeling well?" mahinang tanong niya sa akin.

Napailing ako.

"I'm okay," tugon ko sa kanya.

"Omo! Bessy, I forgot something in our room. Okay lang ba kung mauna ka nang sumama sa kanila? Tatawag na lang ako saiyo, kukunin ko lang iyon, nakalimutan kong dalhin," mayamaya ay sabi ni Zarrah at bahagyang tumitig sa akin na tila ba may pinapahiwatig.

Nakuha ko naman kung ano ang gusto niyang sabihin.

"Well, but.."

Napatingin ako kay Charleston at Dion, saka napabuntong-hininga.

"Okay," tugon ko.

"Right, sinabi na sa akin ni Chad kung saan ang lounge nila, alam ko na iyon. Sige, " sabi niya at kumaway pa habang nagmamadaling umalis.

"Don't worry, susunduin ko siya pagpaparating na siya sa venue," mayamaya ay narinig kong sabi ni Dion.

Napalunok ako at saglit na napatingin sa kanya. Ngayon ko lang siya narinig na magsalita simula pa kanina, dahil katulad ko ay tahimik lang siya. Hindi ko maintindihan kung ano ang mararamdam ko. Pakiramdam ko ay gusto ko ulit marinig ang boses niya ng paulit-ulit. Tsk! Stop doing stupid things, Chelsea!

Tumango lang ako sa kanya at umiwas lang nang tingin. Muli kaming naglakad tatlo, hindi ko alam kung saan ang venue kaya sumabay lang ako sa paglalakad nila. Kinakausap lang ako ni Charleston at tila ba palagay na ang loob niya sa akin. Tumutugon lang ako sa bawat salitang binibigkas niya, habang nasa likod lang namin si Dion, at nararamdam ko ang matalim niyang tingin sa akin.

Mayamaya ay narinig kong may tumunog mula kay Charleston, kaya napahinto kami. Nakita ko kung paano nito kinuha ang phone at napakuno't noo sa taong tumatawag dito.

Narinig ko pang napabuntong-hininga ito at bumaling sa akin.

"I need to answer this," sabi niya sa akin. Tumango lang ako sa kanya. Bumaling siya sa likod ko, kaya napatingin din ako dito.

"Chad, ikaw na muna ang bahala kay Chelsea. May kakausapin lang ako saglit," aniya.

"Okay," tugon niya dito.

Mabilis naman ang naging kilos ni Charleston at naglakad paalis. Hindi ko alam kong nanadya ba ang tadhana upang makasama ko si Dion ngayon. Hindi ako lumingon sa kanya at nararamdam kong maging siya ay pinapakiramdaman ako. Ilang minuto kaming tahimik at nagpasya akong lumingon sa kanya, subalit, natigilan ako ng bigla niya akong hilain sa kung saan. Napansin kong may binuksan siyang pinto at doon, naramdaman ko kung paano niya ako ikinulong sa mga braso niya. Naramdaman ko rin ang matigas na bagay na tila pader na nasa likuran ko. Hindi ako halos makahinga sa sitwasyon namin dahil tila ba napakahirap huminga ngayon, dahil nasa harapan ko ang taong matagal ko ng iniiwasang makasalubong.

"You.."

Napalunok ako at dahan-dahang nag angat ng tingin sa kanya. Nakita ko ang malumanay na mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero tila ba biglang bumalik ang mga alaala ng nakaraan, habang nakatingin ako ngayon sa mga mata niya, mga alaalang nakatago na sa pagkatao ko.

"3 years...how long do you need to avoid me, Chelsea," muling sabi niya.

Napapikit ako at hinawakan ang mga braso niyang nakaharang sa harapan ko. Ngunit, tila subrang tigas nito at wala akong lakas upang tanggalin iyon.

"Answer me," muling sabi niya.

"Why? Do you think I'm avoiding you? I have a life to go on, Chaddion. And in that life, you are not there. I don't have a reason to avoid you, because, I already forgot you. I just didn't expect that I will meet you in this place," matapang kong tugon sa kanya. Muli kong inalis ang kanyang mga braso subalit, hindi ko pa rin iyon maialis. Kaya sinamaan ko siya nang tingin.

"Bakit sa kapatid ko pa?" mayamaya ay sabi niya.

Nakataas-kilay akong nakatingin sa kanya. Nakita ko ang kakaibang emosyon sa mga mata, matapos niya iyong sabihin sa akin. Matapang akong tumingin sa kanya.

"Why not? He's handsome and gentle. I'm just trying to know him better, before I will accept him in my life. Minsan na akong nagkamali, kaya ayoko ng maulit iyon," mariin kong sabi tinulak siya palayo sa akin.

Mabuti na lang at nagawa ko siyang maitulak.

"Let's act that we are strangers, don't try to interfere what's between me and your brother," muling sabi ko at tumalikod sa kanya. Kahit na hindi pa sigurado kung ano man ang mayroon sa amin ng kanyang kapatid.m, dahil nga.. ngayon pa lang naman kami nagkakilsla. Akmang lalabas ako, nang bigla niya akong hinila at nagulat ako sa sunod na kanyang ginawa.

Naramdaman ko ang mainit niyang labi sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at pilit na kumakawala sa ka kanya. Ngunit, mas ikinulong at niyakap niya ako upang hindi ako makapalag. Wala akong nagawa sa mapangahas niyang mga labi na pilit umaangkin sa labi ko.

Tila bumalik ang mga sandali, kung paano niya nakuhang angkinin ng paulit-ulit ang labi ko noon, na naging dahilan upang magpaubaya ako ng kusa sa kanya.

Hindi ko napansin, na kusa na rin pala akong tumutugon sa halik niya. Kaya naramdaman kong dahan-dahan niya niluwagan ang pagkakahawak niya sa akin. Muli niya akong isinandal sa pader at inangkin muli ang labi ko. I don't know what's on my mind. Hindi ko maintindihan kong bakit, imbes na kumawala ako sa kanya ay tila ba mas binigyan ko pa siya nang dahilan upang mas lumalim pa ang halik namin sa isa't isa. Nararamdam ko ang paghaplos niya sa aking balikat, maging ang pagdiin niya sa kanyang sarili sa akin.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming naghahalikan, hanggang sa maramdaman kong bumitaw siya at idinikit ang kanyang noo sa akin.

"Why are you doing this to me, Chelsea. I tried to find you but, you're nowhere to be found. I tried everything, but, failed. Why?"

Naramdaman ko ang sakit sa bawat salitang sinabi niya. Alam kong hinahanap niya ako, hindi iyon lingid sa kaalaman ko. Subalit, tila may kung ano sa puso ko na nagsisisi. Hindi ko alam kung bakit.

"I have reasons, and I can't tell you about it. Now, let's pretend nothings happend," mahinahon kong sabi at umalis sa pagkakasandal ko sa pader. Hinayaan naman niya ako. Inayos ko muna ang aking sarili, bago lumabas doon. Mabuti na lang at wala pa si Charleston, dahil baka magtaka iyon kung bakit kami magkasama ni Dion sa loob. Naramdaman kong sumunod si Dion at napasulyap sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin. Mayamaya ay natanaw ko si Charleston na papalapit.

"Sorry, it takes long. Shall we? " anyaya niya.

Ngumiti ak0 at tumango sa kanya. Muli kaming naglakad tatlo papunta sa lounge nila. Hindi ko na rin binigyan pansin si Dion, na tahimik na rin.

     Mayamaya ay huminto kami sa isang pinto at binuksan iyon ni Charleston, saka kami pumasok.

"Charleston?"

Napahinto kami nang may isang babaeng lumabas mula sa isang restroom. Ngunit, nagulat ako ng makilala ito.

It's Keane! Damn!

"Oh, you're here. By the way, meet Chelsea, she's my date tonight,"  pakilala niya sa akin.

Napalunok ako at ngumiti kay Keane na bahagyang natigilan ng makilala ako. Kuno't noo ko siyang at umiling sa kanya.

"A-Ahaha! Wow, it's our 2nd night here and this is your first time to have a date in our cruise ship trip. How nice to meet you, Ms. Chelsea," sabi niya at nakipagbeso sa akin.

"You damn bitch," bulong niya sa akin.

"Just pretend, stupid bitch," tugon ko rin sa bulong niya.

Humiwalay siya sa akin at napansin ko kung paano niya tingnan si Dion.

"Well, tita is waiting for you. She wants to talk too you. They are having fun with a band on the stage. So, let's go?" sabi ni Keane.

Tumango si Charleston at inaya na akong sumabay sa kanila. Ngunit, huminto ako kaya napatingin siya sa akin.

"I-I need to go in the restroom," paalam ko.

"Oh okay, I will wait for you here," tugon niya.

"Ahm, I will accompany her. You can go first, Tita is waiting for you," biglang sabi ni Keane at nakangiting bumaling sa akin. Agad kong nahulaan ang nais niya kaya tumango lang kay Charleston.

"Okay, we will go first," sabi niya at nauna nang naglakad kasabay si Dion na bahagyang napasulyap pa sa amin ni Keane.

I sighed, at naunang pumasok sa restroom. Naramdaman ko naman kung paano sumunod sa akin si Keane. Pagkapasok naming dalawa ay agad niya akong hinarang.

"It's really you, Chelsea?" tila hindi makapaniwalang sabi niya at sinisigurong ako nga ang kilala niyang Chelsea.

Napairap ako sa kanya.

"Tabi nga..." tanging sabi ko at humarap sa salamin. Nakita ko kung paano niya ako sundan ng tingin.

"My god, what the hell is going on? Why are you with Charleston and did you already meet Dion?" naguguluhan niyang tanong sa akin.

Inayos ko ang aking sarili at muling humarap sa kanya.

"Nagkataon lang na nagkakilala kami ni Charleston kanina at si Dion, oo nagkita kami kanina na kasama ko si Charleston. We both have partners when we meet again, he's with my friend," pag amin ko sa kanya.

Nakataas-kilay niya akong tingnan at tila hindi naniniwala sa sinabi ko. Napapailing na lang ako at tumalikod sa kanya. Ngunit, hinawaka niya ako at pinaharap sa kanya.

"Tell me, where the hell are you in this past years? Alam mo bang halos mabaliw si Dion sa kakahanap saiyo? Kulang na lang ata libutin niya ang buong mundo para lang makita ka, pero ang lupit mo, dahil hindi ka niya nagawang hanapin. Nagpatulong na siya kay Seb sa pamilya niya pero mahirap ka pa ring hanapin. Nakakapagtaka lang at nagawa mong magtago ng ganito ka tagal. Talagang dito pa tayong tatlo nagkita sa cruise ship, wow as in wow," napapailing niyang sabi habang nakatingin sa akin.

Umiwas ako nang tingin sa kanya.

"Wala akong dahilan upang magpaliwanag saiyo o sa kanya. Bakit? Sino ba ako sa buhay niya para mabaliw siya sa kakahanap sa akin? We didn't promise to wait each other, so why? I need some privacy too and I don't want to see him anymore.." seryoso kong sabi sa kanya.

Hindi siya nakapagsalita at nakatingin lang sa akin. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung bakit ba ganyan magsalita ngayon, na tila ba nag aalala siya sa pinsan niya.. ganoong hindi naman sila close noon pa. Isa pa, kung kausapin niya ako ay para bang close din kami noon. Tsss! Wala naman siyang amnesia para makalimutan niya ang naging atraso niya sa amin ni Allyana.

Naghugas muna ako ng kamay at nagpunas bago lumabas. Ngunit, natigilan ako ng muli siyang magsalita.

"Is it because of Cara? The reason why you're hiding because you don't want to interfere about his relationship with her? Alam kong malaki ang epekto ko sa nangyari kay Allyana noon at iniisip mo na ayaw mo rin makasira ng relasyon, kaya ikaw na ang lumayo. But, you didn't know all this years that he made everything to find you, to explain his feeling too you. Yet, he got sick and have medical attention. When he found that you already had someone in your life," sabi niya.

Hindi ako nakakilos matapos ko iyong narinig sa kanya. Tila ba may kung anong matigas na bagay na pilit binabasag ang matigas na pader na matagal ko nang iniharang sa sarili ko. Ngunit, sa lahat ng sinabi niya iyong nagkasakit si Dion ay siyang nagpukaw muli ng aking atensyon. Kaya napalingon ako sa kanya.

"W-What kind of sickness?" tanong ko.

Napasinghal siya sa akin at napairap dahil sa tanong kong iyon.

"Bakit ko naman sasabihin saiyo, ganoong wala ka naman pakialam sa kanya? Kung gusto mong malaman, go ahead.. ask him," mataray niyang sabi at nilampasan ako upang buksan ang pinto.

Ngunit nakita kong huminto siya at muling nagsalita.

"I want to remind  and  warn you, that if you want to go farther with Charleston. You will make your life miserable just like what  happened to me in the wrong person..." seryoso niyang sabi at naunang lumabas sa restroom.

Hindi ako nakakilos dahil sa sinabi niyang iyon. Charleston? Anony ibig niyang sabihin sa mga sinabi niya?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status