Emily’s POV Pagkarating namin sa sasakyan, inakala kong ihahatid na ako ni Marco pabalik sa kumpanya, pero sa halip na dumiretso sa opisina, kumanan siya papunta sa direksyon ng condo namin. “Marco, hindi ba dapat bumalik tayo sa opisina?” tanong ko habang tahimik siyang nagmamaneho. Tumingin siya sa akin nang saglit, isang ngiting may kasamang panunukso ang bumakas sa mukha niya. “Hindi na,” sagot niya. “Mas importante ngayon ang makapagpahinga ka.” “Ha? Pero may mga reports pa akong kailangang tapusin—” “Emily,” putol niya sa akin, “minsan lang akong magdesisyon para sa atin, pagbigyan mo na ako.” Napanganga ako, hindi alam kung matatawa o magagalit. “Para sa atin? Kailan pa naging tayo?” pabirong sagot ko, kahit ang totoo, ang lakas ng tibok ng puso ko sa sinabi niya. Ngumiti siya, halatang natutuwa sa reaksyon ko. “Eh ‘di simula ngayon,” sagot niya bago bumalik ang atensyon sa daan. Hindi ko na siya sinagot. Alam kong kahit anong sabihin ko, siya pa rin ang masusuno
Last Updated : 2025-01-16 Read more