Sarah Nakakapagod makipagtalo kay Philip kaya mas minabuti ko na lang na manahimik. Mayroon akong trabaho na kailangan asikasuhin at wala ako sa mood na makipag-usap sa kanya. Ngunit ibinalik ako sa nakaraan nang umapak ang paa ko sa pribadong opisina ni Philip. Nagbalik sa alaala ko ang naganap noong nakipagtalik siya sa kanyang sekretarya. 'Sara, you need to let go,' I reminded myself. Iyon ang dapat kong gawin para mawala sa alaala ko ang lahat, para makalimutan ko ang sakit na idinulot niyon. Umupo ako sa couch na naroon sa tapat ng malapad niyang mesa. Inilapag ko ang laptop, at saka sinimulan na iwasan ang presensiya ni Philip kahit pa nga naroon lang siya sa silid. Pagkaraan ng ilang minuto, binasag ni Philip ang katahimikan. "May kailangan ka?" tanong niya. "Gusto kong ibalik mo ako sa Henderson!" Hindi niya pinansin ang komento ko. “Please give your Madam her favorite snack,” utos niya kay Alex. May nag-pop up na message mula kay Jakob. Jakob: So, you mean manan
Last Updated : 2024-07-18 Read more