Home / Romance / THE ZILLIONAIRE'S TRIPLETS / Chapter 91 - Chapter 100

All Chapters of THE ZILLIONAIRE'S TRIPLETS : Chapter 91 - Chapter 100

108 Chapters

CHAPTER 91

Pagkalabas ni Zack sa loob ng clinic ay hindi siya makapaniwala sa ginawa ng batang babae na iyon. Para sa kanya ay ito na ang pinakamatalinong bata na nakilala niya. Hindi niya inaasahan na maiisahan siya nito. Naawa siya sa bata kaya niya ito tinulungan ngunit pinalabas lang nito na masama siyang tao.Pero hindi rin niya mapigilan ang kanyang sarili na hindi ngumiti kapag naalala niya ang cute na mukha ni Corn. Nagtataka talaga siya kung bakit corn? Nauubusan na ba ng pangalan ang anak.Pero kahit medyo weird ang pangalan nito ay masasabi niya na pinalaki itong matalino na bata. Sa ilang minuto lang ay nawalan siya ng sampung libo dahil sa batang iyon. Pero iniisip niya ang paa nito. Mukhang totoo talaga na nasaktan ito at hindi lang ito basta-basta nag-inarte.Pilit niyang winawaksi sa kanyang isipan ang tungkol sa batang ito. Dahil ayaw niya maalala pa. Naroon na ang tiyahin nito kaya hindi na dapat siya nag-aalala pa. Binilisan na lang niya ang lakad niya papunta sa kanyang anak.
last updateLast Updated : 2024-10-04
Read more

CHAPTER 92

“Saan mo ba ako dadalhin?” galit na tanong ni Selina kay Zack.“You don’t have to know, wala kang karapatan na magtanong.” sagot ng lalaki habang karga na parang sako ng bigas ang ex-wife niya.“Ano ba?! Ibaba mo nga ako!” nagpupumiglas na sigaw ni Selina pero bingi ang lalaking ito.Habang naghihintay siya kanina sa paglabas ni Trina at Venny ay nahuli siya ni Zack. Kaya ito siya ngayon buhat ng lalaki at balak dalhin sa kung saan. Nag-aalala siya sa kanyang mga anak ngunit wala siyang lakas para makawala sa masamang lalaki. Bigla na lang kasi siyang hinuli ni Zack. Naghabulan pa sila at nahuli siya nito kanina.“Zack! Ano ba?!” sigaw niya pero walang pakialam ang lalaki.Pabalibag siyang pinasok ng lalaki sa loob ng kotse. Pumasok ito sa driver seat. Balak sana niyang lumabas pero may nakabantay na tauhan niya sa labas ng pinto. “Pakawalan mo nga ako! Ano pa ba ang gusto mo sa akin?” sigaw niya sa lalaki.“Puwede ba tumahimik ka! Kanina ka pa sigaw ng sigaw! Naririndi na ang tainga
last updateLast Updated : 2024-10-06
Read more

CHAPTER 93

Hindi namalayan ni Selina na nakatulog pala siya. Nang magising siya ay nasa malamig pa rin siyang sahig nakahiga. Madilim ang buong paligid kaya tumayo siya para hanapin ang switch ng ilaw. Kabisado na niya ang buong silid kaya hindi na siya nahihirapan pa.Nang mabuksan niya ang ilaw ay bumungad sa kanya ang dati nilang silid na mag-asawa. May kung anong kumurot sa puso niya habang nakatingin siya sa bawat sulok ng silid na ito. Muling bumalik sa alaala ni Selina ang mga araw na masaya sila ni Zack.Ang mga araw na kasama niya ito sa silid na ito. Ang mga araw na pinaniwala siya ng lalaking iyon na siya ang mahal nito. Ang buong akala niya na nagmamahalan sila at magsasama habang buhay. Ang picture frame noong kasal nila ay nakasabit pa rin sa pader kung saan niya ito nilagay noon.Nakangiti siya sa picture at ganun rin ang asawa niya. Pero ano nga ba ang nangyari? Bakit sa isang iglap ay nagbago ang lahat? Bakit siya sinaktan ni Zack? Ano ba ang ginawa niya sa lalaki para saktan si
last updateLast Updated : 2024-10-07
Read more

CHAPTER 94

Hindi alam ni Zack kung ilang beses ba siyang nagmura sa sobrang inis niya. Nawalan na rin siyang kumain kaya pinaligpit na niya ang pagkain sa mga katulong niya. Nawalan na rin siya ng gana na pumasok sa opisina niya dahil sa ginagawa ng anak niya.Ilang beses niyang hinilot ang sintido para pakalmahin ang sarili. Dahil kung hindi ay baka kung ano pa ang magawa niya na pagsisihan niya. Ayaw ni Zack na dumating ang araw na ‘yon. Ayaw niyang magalit sa kanya ang anak niya. Kaya hahayaan niya muna ito. Siguro ay nagtatampo lang ito sa kanya.“Sir, ito na po ang kape niyo.” saad ng katulong.“Kumain na ba si Selina?” seryoso na tanong ni Zack ng hindi man lang inaalis ang mga mata sa papeles na binabasa niya.“Hindi po niya ginalaw ang pagkain niya.” sagot ng katulong.Nang dahil sa kanyang narinig ay mabilis na tumayo si Zack para puntahan ang kanyang dating asawa. Kaagad niyang binuksan ang pinto at nakita niya na nakaupo ito sa may tabi ng bintana. Hindi nito namalayan na pumasok na p
last updateLast Updated : 2024-10-16
Read more

CHAPTER 95

“Paano mo nasasabi ang mga salitang ‘yan? Kailan ka pa natutong maging ganyan?” tanong ni Zack sa kanyang anak. “May mali po ba sa sinabi ko?” “Zayn, hindi mo dapat sinasabi ang mga salitang ‘yan dahil lang sa babaeng ‘yon. Hindi ka dapat naniniwala sa kanya dahil hindi naman natin siya kilala.” “Hindi natin kilala pero mabuti siyang tao. Inalagaan niya ako at hindi niya ako pinabayaan noong wala ka sa tabi ko kaya paano mo nasasabi ang ganyan sa kanya.” “Zayn, listen to me. Siya ang taong hindi mo dapat pagkatiwalaan.” “Bakit naman po hindi? Bakit po? Sabihin niyo sa akin ang dahilan kaya ka galit sa kanya. Gusto ko siya, gustong-gusto ko siya. Alam ko na ayaw mo sa kanya pero gusto ko siya. Kaya sana hayaan mo na makasama ko siya. Kung talagang mahal mo ako ay hindi mo hahayaan na malungkot ako.” Sambit ni Zayn. “Mahal kita pero hindi ko kayang ibigay ang gusto mo.” sabi ni Zack dahil natatakot siya na mawala sa kanya ang anak niya. “Si Zayn ang lahat para sa kanya kaya wala
last updateLast Updated : 2024-10-18
Read more

CHAPTER 96

“Zack, ano ba?! Bitiwan mo ako, please ‘wag mong gawin ito sa akin. Please,” umiiyak na sambit ni Selina dahil marahas siyang hinahalikan ng lalaki.“Akin ka lang Selina, akin lang. Naiintindihan mo ba?” galit na sambit ni Zack.Hindi tumitigil si Zack sa paghalik sa kanya. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakaposas na ang kanyang mga kamay.“Ano ba? Tumigil ka! Tumigil ka, please.” umiiyak na siya ngayon.Bumaba ang halik ni Zack sa kanyang leeg. Hanggang sa walang pasabi niyang sinira ang damit ni Selina. Lumantad sa kanya ang katawan ni Selina. Mabilis niyang sinunggaban ang dibdib nito. Sinapo niya ang mayaman na dibdib ng babae. He’s svcking and licking her n*pple at salit-salitan niya itong ginawa. Para itong walang pakialam.“Zack, ano ba?! Tigilan mo ‘yan! Sa tingin mo matutuwa si Sarah kapag nalaman niya ang ginagawa mo?! Please, tama na.” paulit-ulit na pinipigilan ni Selina ang lalaki ngunit parang wala itong naririnig.Nakita na lang niya na nakahubad na ito at walang
last updateLast Updated : 2024-10-22
Read more

CHAPTER 97

“Daddy, sino po ‘yon?” tanong ni Zayn sa kanyang ama dahil may nakita siyang tao sa taas.“Wala,” matigas na sambit ni Zack ng makita niya na nasa tapat ng bintana si Selina.Naikuyom niya ang kanyang mga kamay sa inis.“Ipasok niyo na si Zayn sa loob.” utos niya sa kanyang mga tauhan.“Let me go! Ano ba?!” sigaw ni Zayn.“I hate you, daddy! I hate you so much!” sigaw ng anak niya.Dahil sa mahina at bata pa ay wala ring nagawa si Zayn para makawala sa tauhan ng kanyang ama. Kinulong siya ng mga ito sa kanyang silid. Umiiyak siya at galit sa kanyang daddy. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay may tao talaga siyang nakita.“Paano kung si Dok Enna ‘yon? Paano kung ikinulong rin siya ni daddy? Anong gagawin ko? Paano ako makakapunta doon?” tanong niya sa sarili niya.Pinunasan niya ang luha niya. Kailangan niyang mag-isip ng paraan para makalabas. Kailangan niyang gumawa ng paraan para malaman kung si Dok Enna nga talaga ang nakita niya na kinulong nila. He tried to be calm. Pinnakalma
last updateLast Updated : 2024-10-30
Read more

CHAPTER 98

Nang makalabas na ng tuluyan si Zack ay doon na bumuhos ang kanyang mga luha. Sobrang nasasaktan at helpless na ang nararamdaman niya. Hindi na niya alam kung ano ba ang gagawin niya para lang makaalis sa lugar na ito. Alam niya na hindi niya maloloko si Zack.Sobrang nag-aalala na siya sa kanyang mga anak. Alam naman niya na aalagaan ito ng kanyang kapatid ngunit kilala rin niya si Tristan. Alam niya na hindi ito basata maloloko. Alam niya na hahanapin siya nito. Matalino ang anak niya at alam niya na magpupumilit ito na hanapin siya. At iyon ang kinakatakutan niya. Ang bigla na lang umalis ang kanyang anak. Natatakot siya na baka makita ito ni Zack sa labas. Hindi niya kakayanin kapag nawala ang lahat ng anak niya sa kanya. *****Samantala galit naman na pumasok si Zack sa kanyang opisina. Napabuntong hininga itong umupo sa kanyang swivel chair. Hindi mawala sa kanyang isipan ang sinabi sa kanya ni Selina. Naikuyom niya ang kanyang mga palad sa sobrang galit niya.“Calm down,” kau
last updateLast Updated : 2024-11-01
Read more

CHAPTER 99

“Posible ba ‘yun?” tanong ni Zayn.“Magkamukha tayong dalawa at hindi nila malalaman. Kung sakaling papayag ka ay kailangan mong umuwi sa bahay namin. Pero maiiwan ako dito,” sabi ni Tristan sa kanya.Matalinong bata si Tristan. Ginagamit niya ang kanyang utak para makita at mahanap niya ang kanyang ina. Wala siyang balak na sumuko lalo na narito na siya sa loob.“Ano, papayag ka na ba?” tanong niya kay Zayn.“Hindi ba tayo mahuhuli?” “Kung sasabihin mo sa kanila na ikaw si Zayn ay sigurado ako na malalaman nila. Pero kung mananahimik ka at magpapanggap na ako ay hindi nila malalaman.” sagot ni Tristan sa kanyang kapatid.“Sige, payag na ako. Basta ipangako mo sa akin na mahahanap mo si Dok Enna. Make sure na safe siya para pagbalik ko ay makasama ko siya. Sorry, alam ko na kasalanan ito ng daddy ko. Patawarin mo rin ako kung wala akong nagawa para iligtas siya. Pangako, gagawin ko ang lahat para magampanan ko ng maayos ang katauhan mo.”“Aasahan kita. Magtulungan tayo para makita na
last updateLast Updated : 2024-11-01
Read more

CHAPTER 100

“Sorry po, uncle.”“Ilang beses ko ba dapat sabihin na bawal kang lumabas.”“Sorry po, hindi na mauulit.” sambit ni Zayn.“Aasahan ko ‘yan, Tristan.” saad ni Josh at pumasok na sa kusina ngunit kaagad rin na bumalik.“Kumain ka na ba?” tanong niya sa kanyang pamangkin.“Hindi pa po,” sagot ni Zayn dahil gusto niyang kumain ng pagkain na luto ng tito ni Tristan. Nasarapan kasi talaga siya sa luto nito. Kaya naman ay excited ulit itong matikman ang luto ni Josh.“Tara na sa loob, kumain ka na. Sigurado ako na gutom ka sa katigasan ng ulo mo,” sambit pa nito.Tahimik naman na sumunod si Zayn sa lalaki. Nang makarating sila sa dining room ay pinaupo siya nito sa upuan at naghain ito ng pagkain para sa kanya. Habang nakatingin si Zayn sa pagkain na nasa harapan niya ay hindi niya pinahalata na hindi niya ito kilala.“Ayaw mo ba sa pagkain?” tanong ni Josh.“Gusto ko po,” sagot niya at kumain na siya at nagsimula na siyang kumain. Habang nakatingin si Josh sa kanyang pamangkin ay napangit
last updateLast Updated : 2024-11-03
Read more
PREV
1
...
67891011
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status