SAPO-SAPO ni Kevin ngayon ang nasaktang panga. Pagkatapos lang naman kasi nitong sabihin ang mga katagang iyon, sinapak ito ni Serena na kunot na kunot ang noo. “Sinasabi mo? Wife wife ka diyan, pero ikaw ang may fiancée na iba! Akala mo nakakalimot ako, ha? Ilang beses akong nagta-try magpaliwanag sa 'yo pero pinuputol mo tapos ang sakit-sakit mo magsalita sa akin! Nakakainis ka! Tapos gaganyan ka sa akin? Ang daya-daya mo!”Sa pagsigaw ni Serena, nangilid ang luha sa mga mata niya. Naiinis talaga siyang sobra dito! Natutuwa siya sa pa-bouquet nito pero hindi pa sapat iyon sa kanya. Ang gusto niya ay mag-usap silang dalawa ni Kevin. Nang makita naman ni Kevin na nangilid ang luha sa mga mata ni Serena, hindi na nito ininda ang kumikirot na gilid ng mukha. Lumapit ito kay Serena. “Don't cry—”“Anong don't cry! E ikaw lang naman mahilig magpaiyak sa akin! Nakakainis ka talaga! Akala mo dahil nagbigay ka ng flowers kanina na meaning e forgive me, okay na? Ganoon na lang iyon?”“I-I th
Terakhir Diperbarui : 2024-11-01 Baca selengkapnya