"It's okay, Devon." Malambot na sabi ni Roxanne. "Talaga? Eh, bakit parang malungkot ka ngayon?" Naningkit ang mata ni Devon na pinagmasdan ang kanyang mukha. Umiling agad si Roxanne. "Hindi ah, nga pala, maupo ka lang d'yan, kukunan kita ng gamot dahil medyo mainit ka." Tinitigan siya ni Devon nang mas malalim, ngunit hindi na nagtanong pa. "Okay." Matapos palitan ang gamot ni Devon, inayos din niya ang mga ginamit nito habang sumusulyap sa kanya. "Devon, kung pagod ka, umuwi ka muna. Kailangan mo ring magpahinga." Ilang segundo siyang tinitigan ni Devon bago nagsalita, "I said, it's okay. At hindi ka ba talaga galit na hindi ako umuwi kagabi?" Napabuntonghininga si Roxanne. "Hindi, bakit mo naman naisip 'yan?" Napakamot ng batok si Devon, "Pakiramdam ko kasi baka manlamig ang pakikitungo mo sa akin dahil sa mga isyung ibinabato sa atin ngayon." Nang magtagpo ang kanilang mga mata, bigla umiiwas ng tingin si Roxanne, ayaw niyang makita nito ang kanyang nararamdaman pagka
Last Updated : 2025-01-01 Read more