“Zaf? Alas otso na ng umaga tulog ka pa rin, di ka ba papasok?” Napatakip ako sa taynga ko at isinubsob ang mukha sa unan ko.I don’t think I can work today, masama ang pakiramdam ko at tila ang bigat ng katawan ko.“Zaf? Okay ka lang? Kanina pa ako nag-aalala sa ‘yo, papasok ako ah?” hindi ko pinansin ang sinabi ni tita Remi at pumikit muli ako. “Anak,” naramdaman ko ang pag-upo ni Tita Remi sa kama ko pero hindi ako gumalaw, wala akong gana sa lahat.“Kagabi ka pa tila wala sa mood, may nangyari ba sa eskwelahan?” tanong ni tita sabay sapo sa noo ko.“Jusko Zaf! Ang taas ng lagnat mo!” tamad na tamad akong tumihaya at iminulat ang mata ko.“Tita,” mahinang bulong ko. Nilapitan niya ako at tinulungang makaupo sa head board ng kama ko.“Nilalagnat ka hija, h’wag ka munang galaw nang galaw r’yan at ipaghahanda kita ng makakain mo,” wika niya na puno ng pag-aalala. Tumango na lang ako dahi miski pagsalita ay tila hirap ako.Minsan lang ako magkasakit kaya’t kapag nagkaroon nama
Last Updated : 2024-06-26 Read more