Home / Romance / Mr. Gabriel Bought Me / Kabanata 41 - Kabanata 48

Lahat ng Kabanata ng Mr. Gabriel Bought Me: Kabanata 41 - Kabanata 48

48 Kabanata

Chapter 41: her mom

KINAUMAGAN nagising siyang wala na si Gabriel sa tabi niya. Nakaramdam siya ng lungkot pero napawi rin iyon nang makita niya ang breakfast na niluto nito na nasa side table. May iniwan din itong notes doon.Binasa niya ang notes nito. "Baby, hindi na kita ginising dahil alam kong napagod ka kagabi. Here's your food. I cooked this for you." May smiley emoji pa roon.Hindi niya namalayang kanina pa pala siyang nakangiti dahil sa hatid niyong saya. Kinikilig ba siya? No! Hindi dapat siya mahulog kay Gabriel dahil alam niya kung anong relasyon mayroon silang dalawa. May utang siya rito at binabayaran niya lang ito sa paraang alam at kaya niya.Matapos niyang kumain at maligo, lumabas na siya ng condo dahil dadalawin niya sa hospital ang kaniyang mga magulang. Naging routine na niya iyon dahil sabi ng doctor, makakatulong ng malaki kung palagi niyang kakausapin ang mga ito.Habang nasa byahe siya, nabasa niya ang text ni Stella."Where are you?""Papunta ako ng hospital," reply niya."Ok,
Magbasa pa

Chapter 42: sorrow

"M-MOM!" Pakiramdam ni Gianna ay namanhid ang buong katawan niya habang nakikita niya kung paano sinusubukang i-revive ng mga doctor ang kaniyang ina."N-nooo! H-hindi pwede," aniya na parang nawawala na sa kaniyang sarili. Hindi niya kakayanin kapag nawala ang isa man sa kaniyang mga magulang. Sila ang mundo niya at tanging kinakapitan. Sila ang dahilan kung bakit nakatayo pa rin siya at lumalaban.Hindi na niya nakikita ang paligid, nanlalabo na ang paningin niya dahil sa mga luhang pumapatak mula sa kaniyang mga mata. Dahan-dahan ang paghakbang niya. Hindi niya magawang tumakbo palapit sa kaniyang ina."G-Gianna." Inalalayan siya ni Stella."Clear!" Nakailang subok na ang mga doctor pero parang walang nangyayari.Nang mapagtanto niya ang lahat, sunod-sunod siyang umiling. "H-hindi! Nooo! H-hindi 'to totoo," hindi makapaniwalang sambit niya. Hindi niya kakayanin."Time of death, 10:30 am."Gumuho ang lahat sa kaniya nang marinig ang sinabi ng doctor. Lahat ng lakas at tapang niya, n
Magbasa pa

Chapter 43: condolence?

NAKATULALA lang si Gianna habang nakatingin siya sa kabaong ng kaniyang ina. Tanging siya, si Stella at si Gabriel lang ang nandoon. Mas masakit sa kaniya na ni isa, wala man lang nakiramay sa pamilya niya samantalang kilala niya ang kaniyang ina na mabuti at matulungin sa lahat. Sinira na nga ni Oliver ang image ng pamilya niya kaya ngayon, ni isa walang dumamay sa kaniya. Masakit din sa kaniya na hindi man lang alam ng kaniyang ama ang nangyayari sa pamilya nila.Kusa na lang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Ayaw man niyang maniwala, gustuhin man niyang isipin na panaginip lang ang lahat, ang katotohanan na mismo ang gumigising sa kaniya."Gianna, kumain ka muna. Maghapon ka nang hindi kumakain," pukaw ni Stella sa kaniya.Pinahid niya ang luha sa kaniyang mga mata at umiling. "Hindi ako gutom, Stella," walang ganang sagot niya."Pero halos buong araw ka ng hindi kumain. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan." Puno ng pag-aalala ang boses nito."Wala akong gana. Ni hindi ko mara
Magbasa pa

Chapter 44: red roses

"GOOD MORNING, Ma'am may na-receive po kaming funeral standing flowers para raw po sa burol ni Mrs. Nora Fajardo," bungad ng empleyado ng funeral homes nang pumasok ito at nakita si Gianna.Kumunot ang noo niya at napatingin kay Stella. Kumibit-balikat lang ito.Lumapit siya sa lalaki at pinasok nito ang standing flowers na kulay red. Kumunot ang noo niya. Red? Akma bang magbigay ng pulang bulaklak sa burol? "Sinong nagpadala nito?" tanong niya na bakas ang pagkainis doon. "Red flowers para sa burol? Sinong tao ang magpapadala niyan?" Hindi na niya napigilan ang galit niya."Pinadala daw po ni Mr. and Mrs. Tolentino."Nagpantig ang tenga niya sa narinig na pangalan. Nakuyom niya ang mga kamao at galit na nilapitan ang bulaklak. Nakasulat pa sa sash niyon ang salitang 'Condolence'.Lumapit din si Stella at gulat din ito. "Ganoon na ba talaga sila kasama para padalhan nila ng pulang rosas ang burol ng mommy mo? Mga demonyo sila at walang mga puso!"Lumalim ang paghinga niya dahil sa ga
Magbasa pa

Chapter 45: stop pretending

HINDI alam ni Gianna kung sadyang manhid na siya o natuyo na ang luha sa mga mata niya. Ni wala nang luhang pumatak mula roon hanggang sa mailibing ang kaniyang ina. Isa lang ang nasa isip niya, ang makaganti sa lahat ng taong dahilan kung bakit sila naghihirap ng ganoon."Hindi ka ba muna magpapahinga, Gianna?" nag-aalalang tanong ni Gabriel habang nakatingin lang siya sa puntod ng ina. Siya, si Gabriel at Stella lang ang kasama niya sa sementeryo dahil wala ni isang gustong makipaglibing."Kahit naman magpahinga ako, hindi pa rin noon mapapawi ang lahat ng pagod ko, Gabriel," malungkot niyang sabi. "Pagod na pagod na ako pero hindi ko kayang magpahinga dahil hindi ko alam kung saan ako napapagod o baka pagod na ako sa lahat."Naramdaman niyang umakbay si Gabriel sa kaniya at marahan siyang tinapik-tapik sa balikat."Naiintindihan ko, Gianna dahil ganiyan din ang naramdaman ko nang mawala si daddy. Pakiramdam ko, kalahati ng mundo ko bumagsak at hindi ko na alam kung paano iyon aayus
Magbasa pa

Chapter 46: oliver's different emotions

ISANG malakas na sampal ang natamo ni Oliver nang makawala siya sa pagahawak at paghalik nito sa kaniya. Mariin niyang pinahid ang kaniyang labi na para bang nandidiri sa halik nito."Pwe! Nakakadiri, Oliver! Diring-diri ako sa iyo, sa halik mo," pang-iinsulto niya."Sinusubukan mo ba talaga ako, Gianna? Gusto mong makita ang demonyong sinasabi mo?" Muli nitong hinawakan ang braso niya at hinila siya papasok sa silid ng kaniyang ama. Marahas siya nitong tinulak sa sofa, napaupo siya roon. Mabilis itong pumaibabaw sa kaniya at sinubukang halikan siya sa labi pero pilit niyang iniiwas iyon."O-Oliver, ano ba? T-tama na!" sigaw niya rito.Nahuli nito ang dalawang braso niya at mahigpit iyong hinawakan, saka pinaghahalikan siya sa kung saan man lumapat ang mga labi nito."Ito ang gusto mo, 'di ba? Ang makita ang demonyong sinasabi mo? Now, ipapakita ko sa iyo kung paano ako maging demonyo."Mas humigpit ang hawak nito sa braso niya dahil sa pagpupumiglas niya."Hayop ka talaga, Oliver!"
Magbasa pa

Chapter 47: i promise

"HINDI ba dapat dinidemanda mo na 'yang si, Oliver? He's crossing the line too much, Gianna," inis na sabi ni Stella habang nagkakape sila sa isang sikat na coffee shop sa mall na kinaroroonan nila.Binaba niya ang tasa ng kape. "Sa tingin mo mananalo ako kapag dinimanda ko si Oliver? He has the power to twist the truth, Stella at alam nating pareho ang kaya niyang gawin, ang connections na mayroon siya."Napaisip ang kaibigan niya. "Pero paano? Hahayaan na lang natin lahat ng ginagawa niya sa iyo kahit na crime na iyon?"Bumuntonghininga siya. "Wala tayong magagawa, Stella kung iaaasa natin sa pulis ang lahat dahil kayang-kayang lusutan iyon ni Oliver. Nagawa nga niyang baliktarin ang pamilya ko, 'di ba?""Napakasama talaga ng, Oliver na 'yan!""Darating din ang oras para sa kaniya, Stella. Naniniwala pa rin akong pagbabayaran niya lahat ng kasamaan niya.""Seryoso ka na ba talaga na humingi ng tulong kay Gabriel?"Tumango siya. "Wala akong ibang choice sa ngayon, Stella kung 'di kum
Magbasa pa

Chapter 48: her new look

"WHAT'S this?" tanong ni Gianna nang ilapag ni Gabriel ang envelope sa table sa harap niya."Documents na nagpapatunay na pag-aari mo na ang 25% shares ng kompanya."Nanlaki ang mata niya sa narinig. Napaawang pa ang bibig niya."Huh? W-what do you mean?""Simula na 'to ng hakbang natin sa paghihiganti mo, Gianna. Wala kang power because you don't have a money at sa mundong ito, pera ang unang sandata na dapat mayroon ka." Binuklat nito ang papel. "This document shows that you own the 25% shares of the company and you bought it.""P-pero bakit kailangan kong magkaroon ng shares sa company ng pamilya mo? Pagdududahan nila ako kung paano ko na-afford na bumili ng shares sa company." Hindi pa rin siya makapaniwala."Of course they would question you about the 25% shares pero dahil in-announce ko na sa lahat na ikakasal tayo, it make sense now na mayroon ka nang 25% na shares sa company," paliwanag nito."A-anong gagawin ko sa shares na iyon? I'm not into business. Wala akong alam sa pagp
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status