Again, salamat sa suporta. Pasensiya na po sa mabagal na update, sana po maintindihan ninyo. May work po kasi ako, laging pagod at kapag may free time lang ako nakakapagsulat pero palagi ko pong pipiliting mag-update sa abot ng kaya ko. Salamat po sa lahat ng suporta ninyo, sobrang na-a-appreciate ko po lahat. God bless!
SUMASABAY sa bawat pintig ng masayang awitin ang katawan ni Gianna na nagbibigay sa kaniya ng satisfaction at sayang kailangan niya. Gusto niyang maglibang, aliwin ang sarili at maglasing. Nalaman kasi niyang ikakasal na ang ex-boyfriend niya sa taong tinuring niyang kaibigan. Nang mapagod siya, naglakad siya palayo sa gitna ng dance floor at dahil sa tama ng alak, hindi na niya maintindihan ang paligid. Naglakad lang siya nang biglang nawalan siya ng balanse at umasang babagsak sa matigas na sahig pero naramdaman niya ang brasong pumulupot sa baywang niya. Nanliit ang mga mata niya at napakapit sa dibdib ng ekstrangherong iyon. "F*ck!" aniya. Nag-angat siya ng tingin. "Y-you saved me Mr. handsome." Kahit nahihilo na siya, gwapo pa rin ang tingin niya sa binata. "Ikaw ba ang ex-boyfriend ko? Nandito ka ba para sunduin ako and to get back at me?" Ngumiti pa siya habang sinusundot ng daliri niya ang makinis at malambot na mukha ng binata. "You're drunk, Ms. Fajardo." "I know b-bu
"HOW could you do this to my family, Oliver?" galit na sabi ni Gianna mula sa kabilang linya nang sagutin ni Oliver ang tawag niya. "Oww! Hindi mo man lang ba ako kukumustahin? Aren't you miss me?" Nakikita niya sa isip ang ngisi nito na mas lalong nagpapagalit sa kaniya. "F*ck, Oliver! Don't play around dahil matagal na tayong wala so please let my family go. Alam kong pakana mo ang investment scam na iyon para isisi kay daddy ang lahat and what? What do you want from me?" Nasuklay niya ang kaniyang buhok. Narinig niya ang pagtawa ng nasa kabilang linya. "I lost millions, Gianna at hindi pwedeng walang gawin. Your dad will pay me or he will go to jail," banta nito. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "He's innocent, Oliver at alam mo 'yon. You, ikaw ang pumain para kagatin ni dad ang pinahiram mong pera for what? For you to control him? To control me?" "I was just being kind to your family, Gianna. Your family needs money at binigyan ko kayo out of my kindness." "No, Oliver y
MABILIS na tinungga ni Gianna ang wine glass na may lamang alak. Napangiwi siya nang gumuhit ang pait niyon sa kaniyang lalamunan."Gianna, stop kanina ka pang umiinom," saway ni Stella sa kaniya, ang nag-iisang matalik niyang kaibigan."I need it, Stella. Kailangan kong magpakalasing dahil pakiramdam ko ang dami kong maling desisyon na nagresulta sa pagkapahamak ni daddy." Halos ipikit na niya ang kaniyang mata dahil sa pait ng alak na naiwan sa kaniyang dila."Pero pagkatapos ba niyan wala na ang problema? Gianna, hindi mali ang desisyon mo, mali ang taong binigyan mo ng ganoong desisyon. Ok naman si Oliver noong kayo pa, nagbago lang siya ng makilala niya si Madison."Natawa siya. "Pakiramdam ko nga sa tatlong taong relasyon namin, naglaro lang siya kasama ako at wala siyang balak mag-settle down na kasama ako and now ginugulo pa rin niya ako. He's a devil, Stella." Pinahid niya ang gilid ng kaniyang labi.Bumuntonghininga ang kaibigan niya. "Paano na ngayon 'yan? Ayaw kang tulung
TINITIGAN ni Gianna ang hawak niyang calling card saka binalingan ang building kung saan nandoon ang law firm ni Atty. Charles Benitez. Wala siyang ideya kung sino ang atty na iyon pero gusto niyang magbakasali dahil si Gabriel naman ang nag-introduce niyon sa kaniya.Bumuntonghininga siya bago tuluyang pumasok sa gusali. Dumeresto siya sa elevator. Kinakabahan siya dahil hindi rin sigurado na papayag ang atty na ni-recommend ni Gabriel sa kaniya.Bumukas ang elevator at agad siyang dumeresto sa law firm ni Charles. Nadatnan niya roon ang secretary ng lalaki."Nandiyan po ba si Atty. Charles Benitez?" tanong niya."Sino po sila?" nakangiting tanong ng babae."Gianna Fajardo," aniya. Kinakabahan siya dahil baka hindi siya papasukin. Kailangan na niyang makakuha ng abogado para sa kaniyang ama.Mas lumawak ang ngiti ng magandang sekretarya matapos nitong tiningnan ang isang record. "Pwede na po kayong pumasok." "Thank you," aniya at bahagyang yumuko.Bumuntonghininga muna siya bago tul
"I'M WARNING you, Rowan."Nahihibang na ba si Oliver para umakto ito ng ganoon sa harap ni Madison? Matagal na silang wala ni Gianna at wala na siyang pakialam kung kanino man siya makipag-date. Pinapairal na naman nito ang pagiging spoiled.Nararamdaman niyang pati si Madison ay hindi na magugustuhan ang takbo ng usapan. "Babe, stop it. Let him be, kung gusto niya si Gianna hayaan mo siya.""No! I won't let him date her," sambit nito.Napailing siya at napangisi. Nahihibang na talaga si Oliver. Hindi man lang nito naisip ang mararamdaman ni Madison.Marahas na tumayo siya sa upuan at hinarap si Oliver. "Oliver, stop! Can you please mind your own business? Wala ka nang pakialam kung sinong lalaki man ang i-date ko dahil matagal na tayong wala." Matalim niya itong tinitigan, bago naglakad palabas ng gusaling iyon.Naramdaman niya ang luhang pumatak sa mga mata niya. Hanggang ngayon ba hindi pa rin siya tatakasan ni Oliver? Matagal na silang wala pero hanggang ngayon, pinipilit pa rin n
SINAPO ni Gianna ang labi niya at marahan iyong hinimas habang bumabalik sa kaniyang isip ang halik na pinagsaluhan nila ni Gabriel sa loob ng sasakyan nito. Hindi na niya namalayan ang sariling nakangiti dahil sa hindi niya malamang dahilan. Sa kabila ng lamig na bumalot sa kaniya, naramdaman niya ang init na hatid nito sa kaniya. Ang malalambot nitong labi at ang paraan ng paghalik nito ay hindi niya maikakailang nagustuhan niya."A-anak, ano'ng nangyari sa iyo?" Napapitlag siya nang marinig niya ang kaniyang ina na si Nora. Tila nagising siya mula sa mahabang pag-iisip. Agad niyang inayos ang sarili at pinawi ang ngiti."Oh my god! What happened to you? Bakit basang-basa ka?" Lumapit ito sa kaniya at inalalayan siya. "'Ya, can you get me a towel," sigaw nito na bakas ang pag-aalala. "Maligo ka at magpalit. Magkakasakit ka sa ginagawa mo, eh.""Ma'am, ito na po ang towel." Inabot ni Beth ang towel, ang katulong nila. Agad iyong binalot ng kaniyang ina sa kaniya.Ngumiti si Gianna.
HUMINGA ng malalim si Gianna at inayos ang sarili bago tuluyang pumasok sa isang mamahaling restaurant kung saan magkikita sila ni Gabriel at ng abogadong hi-nire-d nito para humawak ng kaso ng kaniyang ama. Umaasa siyang mtutulungan nito na makalaya si Jose.Pagpasok pa lang niya, natanaw na niya si Gabriel sa bahaging gilid ng malawak na restaurant. Napakagara ng disenyo ng silid at masasabi niyang expensive nga ang lugar at maging ang mga pagkain doon.Ngumiti siya kay Gabriel. Iginiya pa siya nito sa bakanteng upuan."Order your food first, Gianna," aniya.Ngumiti siya at kinuha ang menu. Nanlaki ang mga mata niya sa presyo ng mga pagkain doon. Sa state ng pamumuhay niya ngayon, hindi na niya afford ang ganoong ka-expensive na pagkain."Don't mind the price, just order the food you want," untag ni Gabriel. Alangan siyang ngumiti sa binata at binalik ang tingin sa menu.Dahil nahihiya na rin siya, 'yong pinakamurang pagkain na lang ang in-order niya pero itong si Gabriel, dinagdaga
WALA nang maisip na ibang paraan si Gianna para iligtas ang kaniyang ama kung 'di ang magmamaawa kay Oliver. Kung kailangan niyang ibaba ang pride niya, ang pagkatao niya, gagawin niya para sa kaniyang pamilya.Dire-diresto siya sa building na pag-aari ng pamilya ni Oliver. Wala na siyang pakilam sa sasabihin ng ibang tao. Nilunok na niya ang kahihiyan at pride.Sumakay siya sa elevator at pinindot ang 11th floor kung saan nandoon ang opisina ni Oliver. Sa tatlong taong pagsasama nila, hindi na rin naman niya mabilang kung ilang beses na siyang nakarating doon."Nandiyan ba si Oliver?" bungad niya sa secretary ng binata."Bakit po? Ano pong kailangan nila?" usisa ng babae."Hindi mo na kailangang malaman. Papasukin mo na lang ako dahil kailangan ko siyang makausap," masungit niyang sabi."I'm sorry po, Miss pero kung wala po kayong appointment hindi po kayo pwedeng pumasok sa loob."Bumuntonghininga si Gianna at bahagyang kumiling. "Miss please, let me in. Sandali lang ako sa loob. Im
"GOOD MORNING, Ma'am may na-receive po kaming funeral standing flowers para raw po sa burol ni Mrs. Nora Fajardo," bungad ng empleyado ng funeral homes nang pumasok ito at nakita si Gianna.Kumunot ang noo niya at napatingin kay Stella. Kumibit-balikat lang ito.Lumapit siya sa lalaki at pinasok nito ang standing flowers na kulay red. Kumunot ang noo niya. Red? Akma bang magbigay ng pulang bulaklak sa burol? "Sinong nagpadala nito?" tanong niya na bakas ang pagkainis doon. "Red flowers para sa burol? Sinong tao ang magpapadala niyan?" Hindi na niya napigilan ang galit niya."Pinadala daw po ni Mr. and Mrs. Tolentino."Nagpantig ang tenga niya sa narinig na pangalan. Nakuyom niya ang mga kamao at galit na nilapitan ang bulaklak. Nakasulat pa sa sash niyon ang salitang 'Condolence'.Lumapit din si Stella at gulat din ito. "Ganoon na ba talaga sila kasama para padalhan nila ng pulang rosas ang burol ng mommy mo? Mga demonyo sila at walang mga puso!"Lumalim ang paghinga niya dahil sa g
NAKATULALA lang si Gianna habang nakatingin siya sa kabaong ng kaniyang ina. Tanging siya, si Stella at si Gabriel lang ang nandoon. Mas masakit sa kaniya na ni isa, wala man lang nakiramay sa pamilya niya samantalang kilala niya ang kaniyang ina na mabuti at matulungin sa lahat. Sinira na nga ni Oliver ang image ng pamilya niya kaya ngayon, ni isa walang dumamay sa kaniya. Masakit din sa kaniya na hindi man lang alam ng kaniyang ama ang nangyayari sa pamilya nila.Kusa na lang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Ayaw man niyang maniwala, gustuhin man niyang isipin na panaginip lang ang lahat, ang katotohanan na mismo ang gumigising sa kaniya."Gianna, kumain ka muna. Maghapon ka nang hindi kumakain," pukaw ni Stella sa kaniya.Pinahid niya ang luha sa kaniyang mga mata at umiling. "Hindi ako gutom, Stella," walang ganang sagot niya."Pero halos buong araw ka ng hindi kumain. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan." Puno ng pag-aalala ang boses nito."Wala akong gana. Ni hindi ko mara
"M-MOM!" Pakiramdam ni Gianna ay namanhid ang buong katawan niya habang nakikita niya kung paano sinusubukang i-revive ng mga doctor ang kaniyang ina."N-nooo! H-hindi pwede," aniya na parang nawawala na sa kaniyang sarili. Hindi niya kakayanin kapag nawala ang isa man sa kaniyang mga magulang. Sila ang mundo niya at tanging kinakapitan. Sila ang dahilan kung bakit nakatayo pa rin siya at lumalaban.Hindi na niya nakikita ang paligid, nanlalabo na ang paningin niya dahil sa mga luhang pumapatak mula sa kaniyang mga mata. Dahan-dahan ang paghakbang niya. Hindi niya magawang tumakbo palapit sa kaniyang ina."G-Gianna." Inalalayan siya ni Stella."Clear!" Nakailang subok na ang mga doctor pero parang walang nangyayari.Nang mapagtanto niya ang lahat, sunod-sunod siyang umiling. "H-hindi! Nooo! H-hindi 'to totoo," hindi makapaniwalang sambit niya. Hindi niya kakayanin."Time of death, 10:30 am."Gumuho ang lahat sa kaniya nang marinig ang sinabi ng doctor. Lahat ng lakas at tapang niya, n
KINAUMAGAN nagising siyang wala na si Gabriel sa tabi niya. Nakaramdam siya ng lungkot pero napawi rin iyon nang makita niya ang breakfast na niluto nito na nasa side table. May iniwan din itong notes doon.Binasa niya ang notes nito. "Baby, hindi na kita ginising dahil alam kong napagod ka kagabi. Here's your food. I cooked this for you." May smiley emoji pa roon.Hindi niya namalayang kanina pa pala siyang nakangiti dahil sa hatid niyong saya. Kinikilig ba siya? No! Hindi dapat siya mahulog kay Gabriel dahil alam niya kung anong relasyon mayroon silang dalawa. May utang siya rito at binabayaran niya lang ito sa paraang alam at kaya niya.Matapos niyang kumain at maligo, lumabas na siya ng condo dahil dadalawin niya sa hospital ang kaniyang mga magulang. Naging routine na niya iyon dahil sabi ng doctor, makakatulong ng malaki kung palagi niyang kakausapin ang mga ito.Habang nasa byahe siya, nabasa niya ang text ni Stella."Where are you?""Papunta ako ng hospital," reply niya."Ok,
HINAYAAN niya si Gabriel na lakbayin ng mga kamay nito ang katawan niya at sa bawat haplos nito, mas nagnanais ang katawan niyang maramdaman ito. Nakakapaso pero gusto niya ang pakiramdam na iyon.Nang dumako sa hita niya ang kamay nito, nagulat siya nang itaas nito iyon at pinatong sa balakang nito habang ang mga labi nito'y walang tigil sa paghalik sa kaniyang mga labi pababa sa kaniyang leeg. Nakikiliti siya sa ginagawa nito pero iyon ang gusto ng katawan niya."Ahh! Uhh-uhhh Ahh!" Hindi na niya mapigilan ang sarili na umungol ng malakas dahil sa ginagawa nito. Nakakapanghina at tila ba may kung ano sa kaniya na gustong sumabog.Napakapit siya ng mahigpit sa balikat nito nang ang kamay nito ay dumako sa noo ng kaniyang pagkababa3. Pababa iyon hanggang sa kaniyang mga hiwa na pakiramdam niya'y namamasa na dahil sa init na nararamdaman nilang pareho. Napalunok siya nang magsimula ang mga daliri nitong haplusin ang bagay na iyon.Napapasinghap siya at napapaigtad sa tuwing dumadaan iy
NANG makarating sila sa condo na pag-aari ni Gabriel, agad hinalikan ni Gianna ang binata. Hindi niya alam kung dahil ba sa alak na nasa katawan niya o dahil gusto niyang maramdaman ang kaya nitong iparamdam sa kaniya.Saglit na natigilan si Gabriel at nagulat pero kapagkuwa'y, gumanti ito sa bawat halik na ginagawad niya rito. Nagsilbing ingay sa apat na sulok ng silid ang tunog ng bawat paglapat ng kanilang mga labi."G-Gianna, what are you doing?" habol-hiningang tanong ni Gabriel nang bahagya siya nitong ilayo sa kaniya.Hindi niya makapa ang hiya bagkus ayaw na niyang pigilan ang sarili."What I'm doing? I'm paying you, for your kindness, para sa lahat ng utang ko," sabi niya at ngumiti. Inayos niya ang buhok na bahagyang nagulo.Nang hahalikan niya ulit ito, pinigilan siya nito sa balikat."Why?" she asked."H-hindi mo kailangang gawin ito, Gianna. I didn't asked you to pay me with your body."Tumawa siya. Hinawakan niya ang braso nito at inalis sa kaniyang balikat. Mas nagulat
"HEYY! You ok? Kanina ka pang umiinom and you're drunk, Gianna." Hinawakan ni Gabriel ang braso niya nang akmang iinom ulit siya ng alak. Kanina pa siyang umiinom nang iwan siya nito para kausapin ang mga kaibigan nito sa business industry. Magulo ang isip niya at kahit anong gawin niya, apektado siya sa mga sinabi ni Madison sa kaniya tungkol kay Gabriel."I-I'm fine, Gabriel. Kaya ko ang sarili ko, I've grown enough to handle myself." Tumawa pa siya habang bakas sa hitsura niya ang tama ng alak. Nararamdaman na rin niya iyon dahil umiikot na ang paningin niya at namumungay ang mga mata."I know pero lasing ka na, tama na." Inagaw nito ang wine glass sa kamay niya at ipinatong sa table.Nagulat siya nang bigla na lang siya nitong hilahin palapit dito at hinapit ang baywang niya. Nagdikit ang kanilang mga katawan at sa hindi niya malamang dahilan, may kung anong kuryente ang dumaloy sa kaniya. "Kung hindi ka titigil sa pag inom, I'll kiss you," banta nito.Napalunok siya. Bakit gano
MARIIN na napapikit si Gianna habang nasa harap siya ng salamin sa comfort room ng hotel. Bumuntonghininga siya, saka tiningnan ang sarili. Ok pa ba siya pagkatapos ng lahat? Kaya pa ba niyang iharap ang sarili sa mga tao habang alam niyang hinuhusgahan siya ng mga ito dahil sa pagpatol niya kay Gabriel?Napalunok siya, saka bumuga ng hangin."Let them think what they want to think, Gianna," mahina niyang sabi sa sarili.Nagpasiya na rin siyang lumabas ng silid at bumalik sa reception area dahil baka hinahanap na siya ng Gabriel pero nagulat siya nang biglang may humila sa kaniya. "O-Oliver!" gulat na aniya. Dinala siya nito sa dulo ng hallway kung saan walang tao. "What's this, Oliver?"Seryoso siya nitong tiningnan. "F*ck, Gianna! What do you think you're doing? Pakakasalan mo si Gabriel, for what? To save your family or to gain his wealth?"Ngumisi siya. "At ano naman sa iyo, Oliver? It's none of your business kung sino mang lalaki ang pakakasalan ko and since you're now happily
NAGSIMULA ang seremonya ng kasal nila Oliver at Madison na wala siyang reaction. Panaka-naka siyang nililingon ni Oliver na para bang gusto nitong sabihin na pigilan niya ang kasal na iyon pero hanggang sa matapos ang seremonya, wala siyang imik. Tiniis niya ang nararamdamang hindi niya maintindihan kahit ang totoo, gusto na niyang tumakbo palayo.Kita niya ang saya sa mukha ni Madison na hindi naman niya makita sa mukha ni Oliver. Nababahala siya na baka maging issue sa mga bisita ang palagi nitong pagtapon ng tingin sa kaniya na para bang siya ang pinakasalan nito. Wala naman na itong magagawa dahil kasal na ito kay Madison."Are you ok? Kanina ka pang tahimik," untag ni Gabriel kay Gianna habang lulan sila ng sasakyan patungo sa reception ng kasal. Sa totoo nga lang, ayaw na sana niyang pumunta pa roon pero tama si Gabriel, baka mas maging issue kung hindi siya magpapakita roon at magmumukha siyang bitter pa rin kay Oliver.Simple siyang ngumiti at tumango. "I'm fine, Gabriel baka