“Reagan, kingina mo! Kapag nahabol kita, susungalngalin ko ’yang bunganga mo!” sigaw ko sa kaniya.Sino ba namang hindi magagalit? Tinakbo ’yong cellphone ko habang kausap ko si Kuya Aecus. May pinapabili ako sa labas pero kaming mga estudiyante ay bawal lumabas kaya inutos ko na lamang sa kuya ko. Itong si Reagan, por que magkaclose sila ni kuya, ang tapang-tapang na. Akala mo ikinatutuwa ko. “May UTI ka, Ae. Bawal sa ’yo ang pinapabili mo sa kuya mo. Magtubig ka na lang tuwing break time nang guminhawa ’yang kidney mo!”Sa inis ko ay kinuha ko ang sapatos ko. Ibabato ko sana sa kaniya nang may pumigil sa aking kamay. “Oops! Mahal ’yan.”Nakita ko si Adi na nakataas ang kilay sa akin. Ngumuso ako sa kaniya at tinuro si Reagan. Nang makita niyang may nakalolokong ngisi sa kaibigan namin, agad niya itong sinamaan ng tingin.“Ano na namang kalokohan ang nasa isip mo, Reagan?” animong nanay ko kung magtanong. “Nahulog lang cellphone mo no’ng nagbasketball kayo, kawat ka agad, ah!”“K
Magbasa pa