ANDREA"What's your name?" Tanong ng lalaki mula sa driver's seat na nagngangalang Argus Ford.Hindi ko siya kilala. Wala akong natatandaan na na nagkita na kami noon o nagkausap man lang kaya labis-labis ang pagtataka ko nang puntahan ako ng Boss ko at ng assistant ni Argus Ford na ito para sabihin na binayaran ni Argus ang buong gabi ko ngayon ng ten times sa sahod ko para lang makausap ako."Andrea Diaz, uh, Dea na lang," sagot ko at pinasadahan siya ng tingin mula loo hanggang paa habang narito sa passenger seat. Halos lahat ng suot niya ngayon ay nagmula sa mga luxury brand, sumisigaw ng karangyaan. "Kung hindi mo naman pala ako kilala bakit gusto mo ako gusto makausap?""I have a job to offer to you," seryoso niyang sabi.Pumalakpak ako at nginitian siya. "Ah, trabaho!" Siguro ay naikwento ng boss ko na mahilig ako kumuha ng mga raket kahit may regular na trabaho naman ako sa bar bilang bartender. Pero sa mahal ng mga bilihin ngayon at laki ng gastusin ay hindi sapat ang kinikit
Huling Na-update : 2024-06-19 Magbasa pa