Share

Baby Maker For Mr. Billionaire
Baby Maker For Mr. Billionaire
Author: TheMoonLovers

Chapter 1: Argus Ford and The Baby Maker

ANDREA

"What's your name?" Tanong ng lalaki mula sa driver's seat na nagngangalang Argus Ford.

Hindi ko siya kilala. Wala akong natatandaan na na nagkita na kami noon o nagkausap man lang kaya labis-labis ang pagtataka ko nang puntahan ako ng Boss ko at ng assistant ni Argus Ford na ito para sabihin na binayaran ni Argus ang buong gabi ko ngayon ng ten times sa sahod ko para lang makausap ako.

"Andrea Diaz, uh, Dea na lang," sagot ko at pinasadahan siya ng tingin mula loo hanggang paa habang narito sa passenger seat. Halos lahat ng suot niya ngayon ay nagmula sa mga luxury brand, sumisigaw ng karangyaan. "Kung hindi mo naman pala ako kilala bakit gusto mo ako gusto makausap?"

"I have a job to offer to you," seryoso niyang sabi.

Pumalakpak ako at nginitian siya. "Ah, trabaho!" Siguro ay naikwento ng boss ko na mahilig ako kumuha ng mga raket kahit may regular na trabaho naman ako sa bar bilang bartender. Pero sa mahal ng mga bilihin ngayon at laki ng gastusin ay hindi sapat ang kinikita ko pagtitimpla ng mga alak kaya sa tuwing may mga raket na available at kaya ko naman gawin ay kinukuha ko na.

Tumango siya. "Yes, a job."

"Naku, walang problema yun, sir! Lahat ay kayang-kaya ko gawin sabihin niyo lang kung anong raket yan at magkano!"

"You can name your price," cool niyang sabi na parang barya lang ang pinag-uusapan namin.

Namilog naman ang mga mata ko at napaturo sa sarili ko. "Ako po ang magpepresyo kung magkano?"

Muli siyang tumango.

Mukhang imposible naman ata iyon. Ngayon lang ako nakarinig ng raket na kahit kahit ilan ang ibabayad.

Umayos ako ng upo at sinalubong ang mga tingin niya. Hindi kaya illegal ang trabaho na ipapagawa niya sa akin kaya ganon na lang kalaki ang ibabayad niya?

"M-Magbebenta ba ako drugs...?" kinakabahang tanong ko sa kanya. 

Dahan-dahan kumunot ang niya at maya-maya'y mahinang natawa. "Of course not."

Nakahinga naman ako nang maluwag at pinaypay ang sarili ko. "Ano bang trabaho yan?"

"A maker... Baby maker..."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hinintay ko siya muling tumawag, nagbabakasaling nagbibiro lang siya pero nakatitig siya sa akin at pinapanood ang reaksyon ko.

"B-Baby maker...?" Awkward akong natawa.

Hindi ko alam kung seryoso ba talaga siya o pinagtitripan niya ako. Sa dinami-dami ng babae na nagtatrabaho sa bar, ako pa talaga ang inalok niya para lang magkaanak?

I cleared my throat at binasa ang labi, bago nagsalita. "Sir, I'm a bartender. Sa tingin ko mali kayo ng kinakausap ngayon—"

"I know who i want," putol niya sa sinasabi ko. "I'll pay you. Kahit ano, kahit magkano pa."

Tumaas ang kilay ko. Para akong nainsulto. Sa tingin ba niya talaga ay madadaan niya ko sa pera niya?

Gusto ko siyang tadyakan pero pinigilan ko lang ang sarili ko. VIP pa rin siya ng boss ko kaya kailangan ko siya pagtimpian dahil mahal ko pa ang trabaho ko.

"Bakit ba ako?" curious kong tanong. "I mean... maraming ibang babae, mas maganda at mas sexy."

"Dahil sayo ko gusto magkaanak," parang wala lang niyang sagot.

Hindi ako makapaniwala na napatitig sa kanya. Kung makapagsalita siya ay parang ang dali-dali ng mga gusto niyang mangyari. Para bang pagtae lang sa kanya ang pagluwal ng bata.

"I need to have a child before my 31st birthday. I need a baby to get my grandparents money and company."

Natigilan ako at prinoseso ang mga salita niya. So, gusto niya lang makuha business na ipapamana sa kanya?

Ang mayayaman talaga, masyadong mga opurtunista, mapaglamang sa mga kapwa nila. Kaya sila lang din ang yumayaman dahil mahilog sila gumamit ng tao na mababa sa kanila.

"Kahit ano ay makukuha ko?" paninigurado ko at tinaasan ko siya ng kilay lalo.

"Everything you want..."

"Paano kung hilingin kong makuha ang baby. Gusto ko sa akin siya lumaki—halimbawa lang. Maibibigay mo ba?"

Ngumisi siya sa akin at dahan-dahang inilapit ang mukha niya. Napaatras naman ang likod sa sa backseat.

"Just like what I said, everything you want..." 

Napalunok ako nang maamoy ko ang mabango niyang hininga. Nakaka-turn on iyon. Ilang beses kaya siya naliligo at nagto-toothbrush sa isang araw?

I composed myself at marahan siyang itinulak palayo sa akin. Umayos ako ng upo at nagpeke ng ubo.

"Kung kukunin ko ang bata, paano mo makukuha ang mana mo?"

Umayos din siya ng upo niya at niluwagan ang neck tie niya. Napatitig naman ako sa kamay niyang maugat. Ang hot niya pagmasdan...

Napamura ako sa isip ko nang mapagtanto kung ano ang sinabi ko. Masyadong malakas ang hatak ng appeal niya sa akin at hindi ko alam kung bakit kahit ito ang una naming pagkikita.

"Pagkatapos kong ipaalam sa lawyer ko na nagka-anak na ako kasama ng DNA nito ay makukuha ko na ang mana ko. Sayo na ang anak mo—ang anak natin." Tunog planado na talaga ang lahat para sa kanya at mukhang baby maker na lang talaga ang kulang. "Kung papayag ka sa offer ko, bibigyan kita ng buwan-buwang sustento para sa bata pati na rin ng allowance mo..."

Hindi ako agad nakapagsalita. Kung iisipin mo ang offer niya ay hindi naman iyon ganon kasama. Bukod sa hindi ko na kailangan kumayod at magbanat ng buto para magtrabaho, gaganda pa ang buhay ko. Bukod doon ay may anak na rin ako. Hindi ko na kailangan ng asawa at bigyan ng taning ang sarili ko kung kailan ako magkakaanak.

"Pumapayag na ako." Huminga ako ng malalim at kinagat ang labi ko. "P-Pero... paano kung sa unang subok natin ay hindi tayo nakabuo—"

Muli niyang inilapit ang mukha sa akin, pero sa pagkakataong iyon ay hindi ako umatras at hinayaan lang siya.

"Then... we'll try again, and again until we succeed," mahina niyang sabi, tunog naglalambing. "Hindi kita titigilan hangga't hindi mo ako nabibigyan ng anak... babae man I lalaki."

Nag-init ang mukha ko sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko ay pulang-pula iyon na para bang hinog na kamatis. Bakit ba ganito ang epekto niya sakin?

Umiwas ako ng tingin at tumingin sa ibaba. "Deal."

"Good. Ihahanda ko yung mga mapagkakasunduan natin bukas, you just need to sign it—To make sure na hindi mo ko tatakasan kapag nakuha mo na ang unang bayad."

Hindi ko maiwasan na hindi siya irapan. Saan naman ako pupunta kung tatakasan ko siya? Halos kalahati na ng buhay ko ay sa bar. Wala naman akong pamilya na pwede mapuntahan dahil ulila na rin akong lubos. Nang mamatay ang mga magulang ko noong nasa elementarya pa lang ako ay pinilit ko na buhayin ang sarili ko na mag-isa.

Binuksan ko na ang pintuan ng kotse at lumabas na. Pero bago ko pa maihakbang ang mga paa ko ay muli siyang nagsalita, dahilan para mapahinto ako.

"By the way, mas lalo kang gumanda ngayon..."

Dahan-dahan kong pinihig ang ulo kasabay ng pagkunot ng noo ko.

Anong ibig niyang sabihin? Hindi ito ang una naming pagkikita? Nagkita na kami noon? Kailan? Bakit hindi ko matandaan?

"A-Ano...?"

He chuckled a bit at umiling. "Take care... my baby maker."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status