EURY POV"Uhm..excuse me pero ano pong kailangan nila?" takang tanong ko sa apat na taong nakablack suit."Miss Solarte, kami po iyong ipinadala ni Mr. Torricelli para magbantay sa daddy niyo po," sagot ng isa sa kanila at agad na tumango sa kanyang tatlong mga kasamahan.Halos nagulat pa ako nang pumwesto ang mga ito sa bawat gilid nitong pintuan ng kwarto namin habang ang isa naman ay nasa unahan nitong hallway kung saan dumadaan ang mga tao papasok dito sa inuukupa naming kwarto ng hospital. Hindi makapaniwalang tiningnan ko muli ang lalaking sumagot sa akin."Pinapasabi rin po pala ni young master sa inyo na dapat ito po ang suotin niyo bukas sa meeting," sabay abot niya sa akin sa dala-dala niyang mamahaling paperbag.Kunot noong tinanggap ko iyon at tsaka ko siya kiming nginitian."Maraming salamat," maikling pakli ko lang na siyang ikinayuko niya bago siya sumama sa pwesto nang nasa unahan.Namamangha naman akong pumasok ulit sa loob ng kwarto. Alam ko na ang lahat nang tungkol
Huling Na-update : 2025-02-12 Magbasa pa