EURY POVKagaya nga nang sabi niya ay sabay nga kami ngayon na papasok sa trabaho. Hindi niya ako iniwan sa loob nang silid ko hanggang sa natapos ako sa pagligo at pagbibihis ko.Tahimik lang ako ngayong nakaupo dito sa front seat nang kanyang sasakyan habang siya naman ay paminsan minsang akong sinusulyapan mula sa pagmamaneho niya."Anong oras ka kadalasang nagtatake nang lunch mo? Can I accompany you if you don't mind?" utal niya at sinulyapan ulit ako bago niya iniliko ang sasakyan."H-huwag na. Marami rin naman kasi akong dapat na gagawin ngayon kaya naman ay sa opisina na lamang ako kakain ngayon. You don't need to accompany me after all alam ko rin naman na medyo busy ka. Malayo ang kompanyang pinagtratrabahuan mo kaya sayang sa oras kung pupunta ka lang sa amin para sabayan ako sa pagkain," mahabang sagot ko sa kanya habang ang mga mata ay nakatitig sa harapan ng daan."Ok, then I'll be picking you up later," sagot niya sa akin na hindi ko na sinagot pa.Pakiramdam ko ay hind
Last Updated : 2025-01-24 Read more