All Chapters of The Billionaire’s Unwanted Wife: Chapter 1 - Chapter 10

25 Chapters

Prologue

I poured myself another glass of wine and watched the clock. Ala una na ng gabi, pero wala pa rin ang asawa ko. Nagluto pa naman sana ako ng dinner para sabay kaming kumain, pero mukhang wala na naman siyang balak umuwi. I glanced at the steak and mashed potato I made. Lumamig na lang sila nang hindi man lang nagagalaw. I sighed and decided to go to sleep dahil baka naghihintay lamang ako sa wala. Akmang liligpitin ko na sana ang mga nakahain sa mesa nang marinig ko ang tunog ng kotse sa labas. Lumabas ako ng kusina at sumilip sa bintana. Napangiti ako nang makitang sa wakas ay nakauwi na siya.Muli kong inayos ang mga pagkain sa mesa at hinintay ang pagpasok niya. Nang bumukas ang pinto, ngumiti ako ng malapad at lumapit sa kanya. “Hey,” bati ko at kinuha mula sa kamay niya ang briefcase. Pinanood niya lang ako nang ilapag ko iyon sa sofa. “Nagluto ako ng dinner. Tara, sabay na tayong kumain.”Akmang hihilahin ko na sana ang braso niya papunta sa kusina pero nagmatigas siya. He held
last updateLast Updated : 2024-05-01
Read more

Chapter 1

“He told me he’s filing a divorce,” umiiyak kong sabi sa best friend ko. She looked at me pitifully then went in for a tight embrace. “I don’t know what to do, Mindy…”“Oh, France…” Hinaplos niya ang buhok ko at hinayaan lamang akong umiiyak nang umiyak habang kinekwento ko sa kanya ang lahat nang nangyari kagabi. She handed me another can of beer and I drink it in one swig until I almost choked myself to death. “Maybe you should really just let him go. Ilang taon ka na rin naman kasing nagtitiis sa loveless marriage niyo.”I sobbed and shook my head. I wished it were that easy. Sana kung gaano kadali sabihing huwag nang mahalin ang isang tao, gano’n rin kadaling gawin. “I can’t. I love him ever since we were 16. Hindi ko na ata kakayanin pang hindi na siya mahalin pa.”She tsked as she shook her head in dismay. Gayunpaman, hinayaan niya lang akong umiyak nang umiyak habang hinahaplos pa rin ang buhok ko. “Alam mo, kasalanan ko ‘to eh,” she then uttered through an annoyed voice. Tumay
last updateLast Updated : 2024-05-01
Read more

Chapter 2

Akala ko masakit na, pero may mas isasakit pa pala. I genuinely believed that he would take back his words after having a dinner with me. Pero nagkamali ako. Masyado akong umasa, gayong ang totoo ay pinagbigyan niya lamang ako dahil tuluyan niya na akong iiwan pagkatapos nito.“M-Magpapakasal din ba kayo ni Blaine?” I asked after a while. Hindi ko alam kung gusto ko ba talagang malaman, o na-e-enjoy ko lang ang pagtotorture sa sarili ko. “No,” he replied, his tone suddenly changing into a gentle one. Parang sampal iyon sa akin dahil kung hindi disgusto ay parating malamig na tono ang gamit niya sa akin, malayong-malayo sa ginagamit niya kapag si Blaine ang pinag-uusapan. “Not yet.”Tumango-tango ako at nakuha pang ngumiti na para kaming magkaibigan lang na ang pinag-uusapan ay kung anong plano namin sa buong maghapon. Napakagaling ko talagang magpanggap. “Why not?” I faked a smile and played with the remaining food in my plate. Hindi ako maktingin ng diretso sa kanya. “She’d make a g
last updateLast Updated : 2024-05-01
Read more

Chapter 3

The following days were a blur until a month has passed. Hindi na umuwi sa akin si Khael. Hindi ko alam kung paanong dumaan ang mga araw dahil nagkulong lamang ako sa bahay. Gigising ako nang mugto ang mga mata, kakain ng ilang subo, iiyak, matutulog sa kama kung saan nanunot pa rin ang amoy ni Mikhael… tapos ay balik sa simula. Para akong mababaliw sa sakit at pangungulila. Nang ikatlong araw nga, isinuot ko ang damit ni Khael para lang maramdaman siyang muli. Kahit papaano, naibsan ang pangungulila ko dahil sa amoy ng damit niya. Gayunpaman, ni hindi man lang nababawasan ang sakit na nararamdaman ko. I felt empty inside and my whole body is numb. Pakiramdam ko ay mamamatay na ako.Nakaupo lang ako sa sahig ng living room ng biglang tumunog ang doorbell. Mabilis akong napatayo, ang puso ay puno ng pag-asang si Mikhael ang nasa pinto. I went to check myself quickly in the bathroom. I combed my messy hair quickly using my fingers and grabbed the nearest lip tint to put a bit of color t
last updateLast Updated : 2024-05-01
Read more

Chapter 4

Si Blaine? Anong nangyari at bakit siya nandito? Lumingon ako kay Khael na nakikipag-usap pa rin sa doktor. Agad na bumalatay ang sakit sa dibdib ko nang makita kung gaano siya nag-aalala para sa babae. Magkasalubong ang mga kilay niya habang nakikinig sa mga sinasabi ng doktor, pero kita sa mata niya ang labis na pag-aalala, bagay na hindi ko man lang nakita sa buong pagsasama namin sa iisang bubong. Nang matapos silang mag-usap, lumapit din siya sa pwesto ko para sumilip sa pinto. “What happened to her?” I couldn’t help but ask. Kahit pa siya ang karibal ko sa pagmamahal ni Mikhael, kahit papaano ay may pag-aalala rin akong nararamdaman para sa kalagayan niya. “She’s… sick,” sagot niya, dahilan para mapatingala ako sa kanya nang may gulat na tingin. “She’s currently taking medications.” “Kaya ba siya bumalik ng bansa?” Khael nodded, the look of sadness, worry and pain dancing in his eyes. Saglit kaming natahimik, parehong nakaharap sa pinto ng emergency room. Maya-maya pa, big
last updateLast Updated : 2024-05-01
Read more

Chapter 5

I heaved out a shaky breath as I stare at myself in the mirror. Nagbaba ako ng tingin sa pregnancy test na hawak ko, pero ayokong paniwalaan ang dalawang guhit na nakatitig sa akin pabalik. I think back of the previous days that had passed. Hindi ako makapaniwalang hindi ko man lang napansin ang mga senyales. Bukod sa paminsan-minsang pagsusuka ay nahihilo rin ako tuwing umaga nitong mga nagdaang linggo. Akala ko ay epekto lang ‘yon ng buong araw na pag-iyak at hindi pagkain ng tama sa oras. Hindi ko rin maalala kung kailan ang huling dalaw ko, pero sigurado akong dapat ay dinatnan na ako sa ngayon. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang mga daliri at huminga ng malalim. Nagbukas ako ng isa pang PT at pinilit ang sariling umihi. A few minutes later, ganoon pa rin ang resulta. Dalawang linya.“France?” Mindy knocked on the door before opening it. “Ano? Kumusta?” nakangiti niyang tanong, ang mga mata ay nagdidiwang na kaagad. Pero hindi ako sumagot. Tuloy ay dumapo ang tingin niya sa ta
last updateLast Updated : 2024-05-10
Read more

Chapter 6

Inayos ko ang suot na dress at sinigurong pantay ang lipstick na nasa labi ko bago tuluyang bumukas ang elevator. Bumungad sa akin ang ngiti ng secretary ni Khael na mabilis na bumati. Nagtungo ako sa pinto ng opisina niya at huminga ng malalim. Bagaman kinakabahan, pinilit ko ang sariling isantabi muna ang mga agam-agam ko saka tuluyang binuksan ang pinto.Nag-angat ng tingin si Khael ng mapansin ang presensya ko. Guwapong-guwapo siya sa suot niyang longsleeves polo na nakaatupi hanggang siko at hapit na hapit sa kanyang maskuladong katawan. Sinubukan kong ngumiti sa kanya, pero walang salita niya lang akong sinenyasan na lumapit.Bitbit ang tatlong pregnancy test ay naupo ako sa harap ng kanyang desk. Inilapag ko ang maliit na paperbag sa harap niya at kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang panginginig nila. Hindi ko alam kung paano siyang magrereact, lalo pa’t pirma ko na lang ang kulang at tuluyan na kaming maghihiwalay. I watch his face as he glanced inside the bag. Napans
last updateLast Updated : 2024-05-10
Read more

Chapter 7

Pareho lamang kaming tahimik ni Khael habang nasa byahe pauwi. Simula nang i-anunsyo ng nurse na buntis nga ako, nagbigay siya ng mga payo tungkol sa dapat at hindi dapat na gawin. Bagaman may kasiyahan sa puso ko habang pinapakinggan ang nurse,hindi pa rin nawawala ang takot at kaba sa tuwing naaalala ko ang sitwasyon namin ni Khael. “I’m having this baby, Khael,” pagbasag ko sa katahimikan nang hindi na ako makatiis pa. Deretso lamang ang aking tingin sa unahan, ngunit napansin ko nang lingunin niya ako. “Palalakihin ko siya… kahit pa ayaw mo sa kanya.”Nalukot ang mukha niya. “Ano bang sinasabi mo, Francesca? Sino bang nagsabing ayaw ko sa magiging anak ko?”“Pero bakit ganyan ang itsura mo? Alam kong wala sa plano natin ‘to, pero nandito na.”Inihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha at bumuntong-hininga. “Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo ngayon, pero papanindigan ko ang bata, Francesca, at wala akong balak na abandunahin siya.”Dahan-dahan ko siyang nilingon. “
last updateLast Updated : 2024-05-11
Read more

Chapter 8

Talagang hinatid lamang ako ni Khael. Matapos niyang masigurong ayos na ako ay nagpaalam na siyang aalis dahil kailangan niya raw samahan si Blaine. Ibinilin niya na lang na tumawag ako sa kanya kung may emergency at utusan na lang si Ate Lorna, ang kasambahay, kapag may kailangan ako.Gustoko sana siyang pigilan at sabihing kailangan ko rin siya. Pero alam kong wala akong laban. I’m nothing but his unwanted wife.Nakaupo lamang ako sa kama ni Khael simula nang umalis siya. Pinagmamasdan ko ang itsura ng kanyang kwarto kahit pa wala namang nakaka-engganyong tingnan roon. Pale gray ang kulay ng kanyang mga pader. May walk-in closet at bathroom na puno ng mga gamit niya. Bukod sa kama, may isa pang wooden dresser at bedside table. May terrace rin na ang katapat ay ang garden na may ibat ibang bulaklak ang nakatanim. Kahit papaano ay kumalma ang puso ko sa tanawin.Maya-maya pa, habang nasa terrace at pinanonood ang paglubog ng araw, nakarinig ako ng katok sa pinto. Nang bumukas iyon ay
last updateLast Updated : 2024-05-11
Read more

Chapter 9

Lumipas ang mga araw. Nasasanay na ako ng paunti-unti sa sistema sa mansyon ng mga Lorzano. Gigising ako ng maaga para tumulong sa kusina sa pagluluto ng almusal. Sasabay ako kila Ate Lorna dahil halata namang ayaw akong makasabay nila Ate at Tita. Minsan ay tutulong ako sa garden kapag walang lilinisin sa mansyon, at pagsapit ng tanghali ay ako ang maghuhugas ng mga pinagkainan. Sa gabi naman ay hindi na ako kumakain dahil nagdadahilan akong walang gana o ‘di kaya’y masama ang pakiramdam. Pero ang toto ay gusto ko lamang mapag-isa at umiyak.Apat na araw ang lumipas bago bumisita si Khael. Hapon na nang dumating siya at parang nagningning ang mga mata ko nang makita ang mga dala niyang prutas. Kahit kasi maraming makakain sa kusina, hindi ako gumagalaw ng kahit na anong nasa ref unless utusan ako. Ewan ko ba. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ay napakalaki kong tinik para sa mga Lorzano kaya kahit ang pagkain ay hindi ako nangingialam. Pero ngayong si Khael ang may dala no’
last updateLast Updated : 2024-05-12
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status