Share

Chapter 4

Author: Sapphire
last update Huling Na-update: 2024-05-01 20:41:26

Si Blaine? Anong nangyari at bakit siya nandito?

Lumingon ako kay Khael na nakikipag-usap pa rin sa doktor. Agad na bumalatay ang sakit sa dibdib ko nang makita kung gaano siya nag-aalala para sa babae. Magkasalubong ang mga kilay niya habang nakikinig sa mga sinasabi ng doktor, pero kita sa mata niya ang labis na pag-aalala, bagay na hindi ko man lang nakita sa buong pagsasama namin sa iisang bubong.

Nang matapos silang mag-usap, lumapit din siya sa pwesto ko para sumilip sa pinto. 

“What happened to her?” I couldn’t help but ask. Kahit pa siya ang karibal ko sa pagmamahal ni Mikhael, kahit papaano ay may pag-aalala rin akong nararamdaman para sa kalagayan niya.

“She’s… sick,” sagot niya, dahilan para mapatingala ako sa kanya nang may gulat na tingin. “She’s currently taking medications.”

“Kaya ba siya bumalik ng bansa?”

Khael nodded, the look of sadness, worry and pain dancing in his eyes. Saglit kaming natahimik, parehong nakaharap sa pinto ng emergency room. Maya-maya pa, bigla akong hinarap ni Khael sabay buntong-hininga.

“Francesca,” he called, so I quickly faced him. “I’m gonna be a total asshole for asking this favor…”

“Hmm?”

“...but would you please stay with Blaine for a while? Kailangan kong bumili ng makakain niya. She hasn’t eaten.”

Para akong sinampal sa mukha, saka binuhusan ng isang timbang tubig at hinubaran at pinagtawanan ng maraming tao. He really is an asshole for asking that, but I love him so bad that I just nodded my head. Pagkaalis niya ay pumasok ako sa loob ng kwarto at bumuntong-hininga. Kung nandito lamang si Mindy ay paniguradong pinagsasampal na niya ako dahil sa kabaliwan ko. I neared the bed and stared at Blaine’s sleeping face.

Wala man lang nagbago sa mukha niya. Kung gaano siya kaganda noong mga highschool kami, ganoon pa rin hanggang ngayon. Kaya hindi nakapagtataka na isa siya sa mga popular noon sa school namin. Palagi ring pambato ng school sa mga pageants at competitions. Kaya siguro siya nagustuhan ni Mikhael noon pa man. She’s the epitome of beauty, samantalang ako ay isang simpleng estudyante lang. Ang maipagmamalaki ko lang noon ay consistent dean’s lister ako.

But still isn’t enough to win Khael’s attention.

“Francesca?” Gulat akong napalingon kay Blaine nang marinig ko siyang magsalita. Nakatingin na siya ngayon sa akin, ang mga mata ay malamlam at mga labi ay namumutla. “Why are you here?” nagtataka niyang tanong saka hinila ang sarili paupo. Nataranta ako. Hindi ko alam kung tutulungan ko ba siya o titigan lang. May isang boses ang bumubulong na patayin ko raw ang makinang nakakonekta sa mga tubo na nakadikit sa kanya. Pero mas pinakinggan ko ang isa nang utusan ako nitong tulungan siya lalo pa’t halatang sobra siyang nasasaktan sa pagkilos.

She then stared at me. “Nasaan si Khael? Bakit ikaw ang nandito?” tanong niya.

Napatitig lang ako sa mga palad niyang namumula. “He went out to get some food… for you.”

“Pinagbantay ka ba niya sa akin?” gulat niyang tanong kaya napabuntong-hininga na lang ako.

“Kapapasok ko lang din naman.” She just stared at me, as though she’s analyzing every part of my face. “What?”

“I didn’t want to ruin your marriage…”

“Nangyari na. Wala na tayong magagawa,” bulalas ko, bagaman hindi ko alam kung sa akin ba galing yon. Nitong mga nakaraang linggo ay wala akong ginawa kundi umiyak nang umiyak dahil sa sinapit ng marriage namin ni Khael, tapos ngayon ay nakatayo ako sa harap ng babaeng totoong nagmamay-ari sa puso niya habang ipinasasawalang-bahala ang lahat? Napagaling ko talagang magpanggap. Mindy would’ve been clapping and cheering right now.

“Hindi ko alam na ako pa rin pala ang mahal niya after all these years. I really thought na masaya na siya sa ‘yo,” she said softly, but I couldn’t help but feel a pang of pain. Sige, isampal mo pa sa akin na hindi ako ang mahal niya, Blaine. “I still love him, too, you know?”

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. May maliit na ngiti sa mga labi niya na nakapagpainis sa akin, pero hindi na ako nagsalita. Nanatili na lamang akong tahimik hanggang sa makabalik si Khael. He bought food for me, too, pero alam kong ginagawa niya lang ‘yon bilang panukli sa pabor na ginawa ko. The old him wouldn’t even acknowledge my presence for sure, so I shook my head and refused to take the food. Nagpaalam na rin akong uuwi na at paglabas ng ospital ay saka bumuhos ang mga luha ko.

The way Mikhael cared for Blaine, the way he caressed her arm, help her eat and talk to her about his day, ni hindi ko man lang naranasan mula sa kanya. And now I even got to witness it with my own eyes. Napakalaking sampal talaga sa buong pagkatao ko.

I hailed a cab and went to Mindy’s place. Pagbukas pa lang niya ng pinto, bumalatay agad ang gulat sa mukha niya ng makita akong luhaan. Her face contorted in anger, then pity, then pain. She opened her arms and I came running for an embrace.

Ikinwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari and we both cried our hearts content. 

I spent two days at Mindy’s place because she refused to send me home. Ayaw niya raw akong mapag-isa dahil baka kung anong gawin ko sa sarili ko. She also took care of me and cooked for me dahil siya na raw muna ang magsisilbing asawa ko. Which made me think, bakit ba hindi na lang siya ang pinakasalan ko? It sounds absurd it’s making me wanna laugh my ass off ‘til I cry.

On my third day at Mindy’s, nag-request akong magluto siya ng lasagna dahil paborito ko ang luto niya no’n. Nagkaroon din ako ng lakas ng loob na tumahan at bumaba ng condo para bumili ng smoothie. Bumili rin ako ng maraming chips dahil nag-aaya si Mindy na mag-movie marathon.

Pagbalik ko sa condo bitbit ang napakaraming plastic bags ng mga pinamili ko, kalat sa buong kusina ang amoy ng lasagna na nasa oven. But instead of smelling good as it always does, sobrang sama ng amoy no’n para sa akin. “Mindy!” I called out, then took the pan out of the oven. I checked if it was burning, but it isn’t even cook yet. 

“Oh?” Mindy came out of the bathroom. “Ay bakit mo inilabas? Kakalagay ko lang nyan!”

I gagged when the strong smell hit my nostrils. “Anong nilagay mo rito? Ang baho!”

“Hoy, ikaw ang nag-request niyan, bruha ka. Tsaka same recipe lang naman no’ng paborito mo, ah! Baho ka d’yan. Mama mo mabaho. Ay, sorry po, tita.” She took the pan out of my grasp and put it back to the oven. 

Pero hindi ko talaga kinakaya ang amoy. Suddenly, I just found myself vomiting my insides out in the bathroom. 

“Ew, ang dugyot, France!” Mindy shrieked, but still gathered my hair and massaged my back nonetheless. When I thought I was finished, dahan-dahan akong tumayo. But then the smell of my own puke made me puke again. “Ano bang nangyayari sa ‘yo, ate girl? Noong nakaraan ka pa suka nang suka, ah?”

When I heard those words from Mindy, mabilis na nanlaki ang mga mata ko. Realization seemed to have fallen straight on top of my head. “Oh, my God…” I blurted out then slowly stood up to rinse my mouth in the sink. “Oh, my God…” paulit-ulit kong sabi habang naiiyak na.

“Ano?! Bakit?!” Mindy kept pacing around and following my every move. 

“Oh, my God… Mindy,” I bit my nails and tried to think. 

“Ano?!”

“Mindy, buntis ata ako…” nanlalaki ang mga mata kong sabi. Mindy’s eyes widened too, then she started screaming delightfully. Pero maya-mayalang ay natigil siya at hinampas ako sa braso. 

“Buntis? Tanga, virgin ka! Ang OA nito.”

I shook my head and pressed both of my palms in my face. “No, Mindy! Listen, Khael and I had sex. Bago niya ako iwan more than a month ago, nag… sex kami.”

Mindy’s eyes widened, this time, wider that it looked like her eyes would fall out of their sockets. Saglit kaming natahimik, pero kasunod no’n ay ang mas malalakas niya pang sigaw sa sobrang tuwa.

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 5

    I heaved out a shaky breath as I stare at myself in the mirror. Nagbaba ako ng tingin sa pregnancy test na hawak ko, pero ayokong paniwalaan ang dalawang guhit na nakatitig sa akin pabalik. I think back of the previous days that had passed. Hindi ako makapaniwalang hindi ko man lang napansin ang mga senyales. Bukod sa paminsan-minsang pagsusuka ay nahihilo rin ako tuwing umaga nitong mga nagdaang linggo. Akala ko ay epekto lang ‘yon ng buong araw na pag-iyak at hindi pagkain ng tama sa oras. Hindi ko rin maalala kung kailan ang huling dalaw ko, pero sigurado akong dapat ay dinatnan na ako sa ngayon. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang mga daliri at huminga ng malalim. Nagbukas ako ng isa pang PT at pinilit ang sariling umihi. A few minutes later, ganoon pa rin ang resulta. Dalawang linya.“France?” Mindy knocked on the door before opening it. “Ano? Kumusta?” nakangiti niyang tanong, ang mga mata ay nagdidiwang na kaagad. Pero hindi ako sumagot. Tuloy ay dumapo ang tingin niya sa ta

    Huling Na-update : 2024-05-10
  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 6

    Inayos ko ang suot na dress at sinigurong pantay ang lipstick na nasa labi ko bago tuluyang bumukas ang elevator. Bumungad sa akin ang ngiti ng secretary ni Khael na mabilis na bumati. Nagtungo ako sa pinto ng opisina niya at huminga ng malalim. Bagaman kinakabahan, pinilit ko ang sariling isantabi muna ang mga agam-agam ko saka tuluyang binuksan ang pinto.Nag-angat ng tingin si Khael ng mapansin ang presensya ko. Guwapong-guwapo siya sa suot niyang longsleeves polo na nakaatupi hanggang siko at hapit na hapit sa kanyang maskuladong katawan. Sinubukan kong ngumiti sa kanya, pero walang salita niya lang akong sinenyasan na lumapit.Bitbit ang tatlong pregnancy test ay naupo ako sa harap ng kanyang desk. Inilapag ko ang maliit na paperbag sa harap niya at kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang panginginig nila. Hindi ko alam kung paano siyang magrereact, lalo pa’t pirma ko na lang ang kulang at tuluyan na kaming maghihiwalay. I watch his face as he glanced inside the bag. Napans

    Huling Na-update : 2024-05-10
  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 7

    Pareho lamang kaming tahimik ni Khael habang nasa byahe pauwi. Simula nang i-anunsyo ng nurse na buntis nga ako, nagbigay siya ng mga payo tungkol sa dapat at hindi dapat na gawin. Bagaman may kasiyahan sa puso ko habang pinapakinggan ang nurse,hindi pa rin nawawala ang takot at kaba sa tuwing naaalala ko ang sitwasyon namin ni Khael. “I’m having this baby, Khael,” pagbasag ko sa katahimikan nang hindi na ako makatiis pa. Deretso lamang ang aking tingin sa unahan, ngunit napansin ko nang lingunin niya ako. “Palalakihin ko siya… kahit pa ayaw mo sa kanya.”Nalukot ang mukha niya. “Ano bang sinasabi mo, Francesca? Sino bang nagsabing ayaw ko sa magiging anak ko?”“Pero bakit ganyan ang itsura mo? Alam kong wala sa plano natin ‘to, pero nandito na.”Inihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha at bumuntong-hininga. “Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo ngayon, pero papanindigan ko ang bata, Francesca, at wala akong balak na abandunahin siya.”Dahan-dahan ko siyang nilingon. “

    Huling Na-update : 2024-05-11
  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 8

    Talagang hinatid lamang ako ni Khael. Matapos niyang masigurong ayos na ako ay nagpaalam na siyang aalis dahil kailangan niya raw samahan si Blaine. Ibinilin niya na lang na tumawag ako sa kanya kung may emergency at utusan na lang si Ate Lorna, ang kasambahay, kapag may kailangan ako.Gustoko sana siyang pigilan at sabihing kailangan ko rin siya. Pero alam kong wala akong laban. I’m nothing but his unwanted wife.Nakaupo lamang ako sa kama ni Khael simula nang umalis siya. Pinagmamasdan ko ang itsura ng kanyang kwarto kahit pa wala namang nakaka-engganyong tingnan roon. Pale gray ang kulay ng kanyang mga pader. May walk-in closet at bathroom na puno ng mga gamit niya. Bukod sa kama, may isa pang wooden dresser at bedside table. May terrace rin na ang katapat ay ang garden na may ibat ibang bulaklak ang nakatanim. Kahit papaano ay kumalma ang puso ko sa tanawin.Maya-maya pa, habang nasa terrace at pinanonood ang paglubog ng araw, nakarinig ako ng katok sa pinto. Nang bumukas iyon ay

    Huling Na-update : 2024-05-11
  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 9

    Lumipas ang mga araw. Nasasanay na ako ng paunti-unti sa sistema sa mansyon ng mga Lorzano. Gigising ako ng maaga para tumulong sa kusina sa pagluluto ng almusal. Sasabay ako kila Ate Lorna dahil halata namang ayaw akong makasabay nila Ate at Tita. Minsan ay tutulong ako sa garden kapag walang lilinisin sa mansyon, at pagsapit ng tanghali ay ako ang maghuhugas ng mga pinagkainan. Sa gabi naman ay hindi na ako kumakain dahil nagdadahilan akong walang gana o ‘di kaya’y masama ang pakiramdam. Pero ang toto ay gusto ko lamang mapag-isa at umiyak.Apat na araw ang lumipas bago bumisita si Khael. Hapon na nang dumating siya at parang nagningning ang mga mata ko nang makita ang mga dala niyang prutas. Kahit kasi maraming makakain sa kusina, hindi ako gumagalaw ng kahit na anong nasa ref unless utusan ako. Ewan ko ba. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ay napakalaki kong tinik para sa mga Lorzano kaya kahit ang pagkain ay hindi ako nangingialam. Pero ngayong si Khael ang may dala no’

    Huling Na-update : 2024-05-12
  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 10

    Hiyang-hiya na ako sa sarili ko. Akala ko noong una ay sadista na ako sa pagmamakaawa ko kay Khael na huwag niya akong iwan. Akala ko ay wala na akong pwedeng gawin pa na mas hihigit sa pangyayaring iyon na dumurog sa pride at ego ko. Akala ko iyon na… pero nagkamali ako. Hindi ko alam kung ano na bang pumapasok sa isip ko ay hinahayaan ko ang mga taong ito na abusuhin ako.Alam kong pwede naman akong umalis. Pwede akong umuwi sa Mom and Dad ko at doon na lang manirahan dahil tutal ay malapit naman na kaming mag-divore ni Khael. Pwede akong magsimula roon at palakihin ang anak ko sa lugar kung saan din ako lumaki. Doon ay hindi ko kailangang yurakan ang dignidad ko at magpaka-katulong para lamang makisama sa kahit na sino. Doon, walang mag-uutos sa akin dahil ako pa nga ang pagsisilbihan ng mga tao. Mas magiging maayos ako roon, alam ko… pero ewan ko ba. Ang hilig-hilig kong ibaba ang sarili ko.Kahit pa sinasabi kong ginagawa ko lang naman ang lahat ng ito upang hindi lumaki ang mag

    Huling Na-update : 2024-05-13
  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 11

    Kung hindi ako nagising nang ala una ng madaling araw ay hindi ko mamalayang nakatulog na pala ako sa kakaiyak. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at ramdam na ramdam ko ang pamamaga ng aking mga mata. May narinig akong kaluskos na siyang nagpagising sa akin kaya napabangon ako kaagad. Nagmumula ang ingay sa closet. Nang bumukas ang pinto, iniluwa no’n si Khael na mukhang kakatapos lang magbihis dahil tshirt at cotton shorts na lang ang suot niya. “Hey,” bati niya at dahan-dahang naglakad papalapit sa akin bagaman nag-iwan pa rin siya ng distansya sa pagitan naming dalawa. “Anong ginagawa mo rito?” kunot-noo kong tanong. “Hindi ba bumisita ka na kanina? Akala ko hindi ka rito matutulog?”Huminga siya ng malalim. “Tumawag sa akin si Ate Lorna. Nakatulog ka raw sa kakaiyak... so I went back here to check up on you.”Pinakatitigan ko ang gwapo niyang mukha. Gusto kong kiligin dahil sa sinabi niya. Gusto kong magdiwang dahil nag-aalala siya sa akin at sa kalagayan ko. Pero mas nilalamon ako

    Huling Na-update : 2024-05-13
  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 12

    Kinaumagahan, sabay kaming nagtungo sa opisina ni Khael. Pansin ko ang mga matang nakasunod sa bawat galaw namin. Panigurado ay nagtataka sila. Ni minsan ay hindi pa kami naglakad ni Khael sa mga pasilyo ng building na ito nang magkasama. It’s either namamangha ang mga tao na magkasabay kami ngayon o nagtataka sila kung bakit ako ang kasama ni Khael gayong si Blaine na ang ipinaparada niya sa publiko. Hindi ko na lamang sila pinansin. Tulad ng sinabi ni Khael, boring din naman sa opisina. Wala akong ibang ginawa kundi makipag-kwentuhan kay Monette nang mabakante siya. Pinag-usapan namin ang tungkol sa mga naging boyfriend niya. Pinanood ko rin si Khael habang nagtatrabaho sa kanyang mesa at nang tuluyan nang maburyo ay nagpaalam na akong aalis. “Do you want me to drive you to Mindy’s?” tanong ni Khael. Akmang tatayo na sana siya pero umiling ako.“Hindi na. Kaya ko naman na,” sagot ko. “Pero buntis ka, Francesca. Delikado mag-commute.”Napabuntong-hininga na lamang ako. “Khael, ma

    Huling Na-update : 2024-05-13

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 24

    Pakiramdam ko ay taon ang lumipas bago kumalas si Khael sa pagkakayakap sa akin. Ngunit kahit pa ganoon, pakiramdam ko ay hindi pa rin sapat. Kulang pa rin. Gusto ko na lamang siyang yakapin hanggang sa malagutan ako ng hininga. Hinawakan ni Khael ang magkabila kong balikat saka ako pinakatitigan. Bumalatay sa mukha niya ang magkakahalong galit, lungkot at sakit nang makita ang mga sugat at pasa sa aking balat. “Francesca... sinong may gawa nito?” nag-iigting ang panga niyang tanong. Napalunok ako saka yumuko. Hindi niya dapat malaman. Magagalit siya, magkakagulo sila. Hindi ko kayang mangyari iyon... kaya umiling ako. Narinig ko ang pagsinghal ni Mindy sa hindi kalayuan. Bakas sa mukha niya ang galit. “See, I told you she wouldn’t say a thing! Hindi ko alam kung traumatized ba ‘yan o talagang ayaw lang magsalita.”Hindi pinansin ni Khael ang sinabi ng kaibigan ko. Instead, he caressed my face gently. Napapiksi ako dahil makirot pa rin ang mga sugat kaya naman napapikit si Khael sa

  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 23

    Isang banayad na haplos ang dumapo sa aking balat kasabay ng paghalik ni Mindy sa noo ko. Pinigilan ko ang mapakislot ng madampian ng kabi niya ang pasa ko ro’n.“Kumain ka na,” bulong niya at tumabi sa akin. Nakaupo ako sa veranda ng kanyang condo habang tinatanaw ang mga sasakyan at building sa hindi kalayuan. “Naghain na ako sa mesa.”Tumango lamang ako at hindi nagsalita. Dalawang araw na ang nakalipas simula nang kumatok ako sa pinto ni Mindy nang basang-basa at puno ng mga galos, pasa at sugat. Simula nang dumating ako, puro luha at hagulgol lamang ang nakuha ni Mindy mula sa akin. Sinubukan niyang magtanong kung anong nangyari, kung bakit ganoon ang itsura ko at bakit sobrang payat ko na, ngunit nanatili akong tahimik kahit pa anong pagmamakaawa niya sa akin.Ayokong magsalita dahil pakiramdam ko, muling magdurugo ang mga sugat at galos ko oras na sambitin ko ang lahat nang naranasan ko sa mansyon ng mga Lorzano. Ayokong magsalita sa takot na baka masira ko lamang ang lahat. Ayo

  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 22

    Mamamatay na ako. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ng boses sa isip ko. Patagal nang patagal, habang nakahiga ako sa malalim na sahig at kumakalam ang sikmura, mas nagiging totoo iyon. Mamamatay na ako nang hindi man lang nasisilayan ang mga anak ko. Mamamatay ako nang hindi man lang sila nabibigyan nang pagkakataon para makita ang mundo o makasama ang tatay nila. Mas nakakatakot iyong isipin kaysa sa nalalapit kong kamatayan. Hindi ko na namalayan pa ang mga oras na lumipas. Ang alam ko lang ay sobrang tagal ko nang nakakulong sa lugar na ‘to. Pakiramdam ko ay ilang taon na ang lumipas at habang buhay na lang akong nakabilanggo. Wala akong makain, walang mainom, walang daan palabas. Kagabi pa naubos ang tubig ko, halos dalawang araw na ang lumipas na wala akong kain. Hindi na ako umaasa pang babalik si Ate Lorna— o kahit na sino— para saklolohan ako. Mamamatay na nga talaga ako. Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay nang paghiling sa Diyos na kunin na lang ako. Dahan-dahang puma

  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 21

    Lumipas ang magdamag nang hindi man lang ako pinagbuksan nang pinto ni Ate Marinelle— o nang kahit na sino. Nakaupo lang ako sa maruming sahig ng bodega habang tinitipid ang tubig na ibinigay ni Ate Lorna. Kung hindi dahil sa kakarampot na liwanag na pumapasok mula sa maliliit na butas ng kahoy na dingding, sobrang dilim ng buong silid. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak nang umiyak habang dinaramdam pa rin ang sakit mula sa mga pasa at sugat sa mukha ko. Bukod pa ro’n, parang dinudurog nang paulit-ulit ang puso ko habang iniisip ang ginawa sa akin ni Ate Marinelle. Sa loob-loob ko ay sarili ko ang aking sinisisi. Kung noon pa man ay umalis na ako, hindi na sana aabot pa sa ganito. Walang ibang dapat na sisihin sa lahat ng nangyari kundi ang sarili ko dahil hinayaan ko silang gawin ito sa akin.Buong gabi akong gising. Hindi ko magawag ipikit ang mga mata ko dahil pumapasok ang imahe ng mga patay na daga sa isip ko. Pakiramdam ko ay lalapit silang lahat sa akin at kakainin ako nang

  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 20

    “A-Ate, nasasaktan ako!” Sinubukan kong magpumiglas sa mahigpit na pagkakahawak ni Ate Marinelle sa buhok ko, pero hindi siya nakikinig. Nagsimula nang magpatakan ang mga luha ko dahil patuloy pa rin siya sa pangangaladkad sa akin.“Wala akong pakealam! Hinahayaan na nga kitang magreyna-reynahan sa bahay na ‘to, tapos ikaw pa may ang ganang manakit kay Blaine?!” galit na bulalas ni Ate at mas hinigpitan pa ang hawak sa buhok ko. The pain felt as though my whole scalp would be ripped off.“A-Ate, hindi ko siya sinaktan! Natumba lang siya sa harap ko!” umiiyak kong paliwanag, pero imbes na makinig ay mas hinila lamang ni Ate ang buhok ko. Hindi ko makita kung saan kami pupunta pero kung saan-saang parte ng mga furnitures tumatama ang binti ko habang patuloy kami sa paglalakad. Muntik pa ngang tumama ang tiyan ko sa isang kanto ng cabinet pero mabuti na lang at nakaiwas ako kaagad. “Ate, p-please, let me go...”Mula sa likod ko ay narinig kong humahabol sa amin si Ate Lorna. Rinig ko sa

  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 19

    Kinaumagahan ay maaga kaming nagising ni Khael para maghanda sa business trip. Habang nasa shower siya, ako naman ay naisipang ipagluto siya ng babauning pagkain. Nang maisaayos ko ang lahat, ibinigay ko iyon sa kanya bago siya sumakay sa kotse. “Bye, little ones,” bulong ni Khaek sa tiyan ko bago tuluyang umalis. Pinanood ko nang mag-drive siya palayo. Makalipas nang ilang minuto, umalis na ako sa may pinto at naglakad na papunta sa kusina para magluto. As usual, nandoon na kaagad si Ate Lorna. She smiled at me, so I smiled back and help with preparing breakfast kahit pa pinipilit niya akong maupo na lang. “Grabe, Ate,” natatawa kong sabi at nagpatuloy sa paggagayat ng gulay. “Buntis lang po ako pero hindi ako lumpo.”“Nag-aalala lang ako sa ‘yo.” Napailing na lang siya. “Kumusta ka pala? Mukhang nagiging maayos na kayo ni Khael ah? Pansin ko kayo kapag inaangkin niyo ang kusina ko.”Natawa ako. Dahil nabanggit si Khael, bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot. Kaaalis niya pa lang

  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 18

    “Hala!” Inagaw ko mula kay Khael ang measuring spoon, pero huli na dahil nailagay na niya ang laman no’n sa mixing bowl. “Baking powder ‘yan!” natatawa kong sigaw. Inilapag ko ang measuring spoon at sinubukang tanggalin ang naibuhos niyang baking powder.Taka naman siyang tumingin sa akin. “Sabi mo maglagay ako, ah?”Tuluyan na akong natawa. “Sabi ko baking soda.”“Magkaiba ba ‘yon?” “Oo! Naglagay na kaya ako kanina ng baking powder!” giit ko naman at tinitigan ang laman ng mixing bowl namin. Paggising ko kaninang umaga, nag-crave ako ng banana muffins. Matagal na akong nagpaplanong gumawa no’n kaya naman sinabi ni Khael na gumawa na lang kami. Pero mukhang palpak ang magiging almusal namin.“What do we do now?” Natawa na lang ako at sinabing hayaan na lang iyon. “Tingnan na lang natin kung anong kakalabasan mamaya.”“Or we could just restart from the beginning?” suhestiyon niya.“Wala na tayong saging. Hindi tayo makakalabas para bumili dahil sobrang lakas ng ulan. Okay na ‘yan. Wa

  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 17

    Nang mga sumunod na linggo ay nagsimula na ang tag-ulan. Nakiusap si Khael sa akin na huwag na muna akong lumabas dahil parating umaambon. Alam kong nag-aalala siya para sa mga anak namin, pero syempre, pinagbigyan ko na naman ang sariling kiligin at isipin na nag-aalala na rin siya para sa akin. Dahil hindi ako nakakalabas, ilang linggo ko na ring hindi nakikita si Mindy. Panay videocall at chats lang kami tungkol sa pag-i-imbestiga niya na mukhang wala naman nang patutunguhan, pero ayos lang naman dahil pakiramdam ko ay lagi nang nakatuon ang atensyon sa akin ni Khael. Ayos lang mawala si Mindy. In fact, I would trade him for Khael and I’m sure maiisip niyang sabunutan ako kapag nangyari ‘yon, pero mas mangingibabaw sa kanya ang understanding kalaunan. Alam niya naman kung gaano ako kapatay na patay sa lalaking ‘to. Hindi ko alam kung nag-a-assume lang ako, pero napapansin kong mas nagiging malapit si Khael. Hindi na siya tulad ng dati na malapit sa akin pero hindi ko mahawakan. N

  • The Billionaire’s Unwanted Wife   Chapter 16

    Nagising ako kinaumagahan nang maramdaman kong parang hinahalukay ang tiyan ko. Napatakbo ako sa banyo saka dumuwal. Ilang segundo lamang ay nasa likod ko na si Khael, hawak ang buhok ko sa isang kamay habang ang isa naman ay hinahaplos ang likod ko. Halata kay Khael na natataranta siya at hindi alam ang gagawin, pero nakikita ko ring sinusubukan niyang huwag iyong ipakita sa akin. Sa loob ng tatlong buwan kong pagbubuntis, ngayon niya lang nasaksihan ang morning sickness ko kaya panigurado ay talagang matataranta siya. Nang matapos ay naghilamos ako at nagmumog. Paglabas ko ng kwarto, inabutan ako ni Khael ng tubig mula sa pitsel na nasa mesa. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya. “May gusto ka bang... kainin?” Hindi ko mapigilang matawa sa istura ni Khael. Daig niya pa ang nakakita ng multo at para bang kahit siya mismo ay hindi sigurado sa mga sinasabi niya. “Ayos lang ako,” saad ko at naupo sa kama. Parang umiikot ang paningin ko at pumipintig naman ang sentido ko, per

DMCA.com Protection Status