Kinaumagahan, sabay kaming nagtungo sa opisina ni Khael. Pansin ko ang mga matang nakasunod sa bawat galaw namin. Panigurado ay nagtataka sila. Ni minsan ay hindi pa kami naglakad ni Khael sa mga pasilyo ng building na ito nang magkasama. It’s either namamangha ang mga tao na magkasabay kami ngayon o nagtataka sila kung bakit ako ang kasama ni Khael gayong si Blaine na ang ipinaparada niya sa publiko. Hindi ko na lamang sila pinansin. Tulad ng sinabi ni Khael, boring din naman sa opisina. Wala akong ibang ginawa kundi makipag-kwentuhan kay Monette nang mabakante siya. Pinag-usapan namin ang tungkol sa mga naging boyfriend niya. Pinanood ko rin si Khael habang nagtatrabaho sa kanyang mesa at nang tuluyan nang maburyo ay nagpaalam na akong aalis. “Do you want me to drive you to Mindy’s?” tanong ni Khael. Akmang tatayo na sana siya pero umiling ako.“Hindi na. Kaya ko naman na,” sagot ko. “Pero buntis ka, Francesca. Delikado mag-commute.”Napabuntong-hininga na lamang ako. “Khael, ma
Umuwi ako sa bahay nang sumapit ang gabi bitbit ang mga katanungan sa isip ko. Kahit pa alam kong hindi ko naman dapat pinapakealaman ang buhay ni Blaine, hindi ko mapigilang magtaka sa mga sinabi niya. Tulad ng sinabi ni Mindy, I also feel like there's more than meets the eye.Paakyat na sana ako ng kwarto nang makasalubong ko si Ate Marinelle. Pagkakita pa lang sa akin ay umasim kaagad ang mukha niya bago iyon napalitan ng inis. Mabilis na umarko ang perpekto niyang kilay. “Hey, you,” bulyaw niya at naglakad papalapit sa akin.Pinigilan ko ang sariling umimik. “Hindi mo nilinis nang maayos ang kotse ko kagabi! You think I wouldn’t notice, huh?” galit niyang sabi. Napayuko na lang ako. “Ipapaalala ko lang ulit, Francesca. Hindi ka pwedeng mag-asal prinsesa dito. Naiintindihan mo?”“I... I’m sorry, Ate...” bulong ko, pero inirapan niya lamang ako bago siya magmartsa papalayo. Nang mga sumunod na araw ay ganoon pa rin ang sistema sa mansyon ng mga Lorzano. Maya’t maya ang pag-uutos sa
“Are you sure you’re okay, Francesca?” tanong ni Khael nang pareho na kaming nakahiga sa kama. Matapos niya akong mapatahan mula sa pag-iyak ay ilang beses na niyang naitanong iyon. Rinig na rinig sa boses niya ang pag-aalala.Bumuntong-hininga ako at sinubukang ngumiti. “Yes. Hormones lang siguro,” pagsisinungaling ko. Ayoko nang pag-usapan pa ang nangyari kanina kaya sinubukan kong ibahin ang usapan. “May dala ka bang pagkain?” tanong ko bigla. Hindi na ako nakapag-almusal kanina matapos nang ginawa sa akin ni Tita at wala si Ate Lorna para hatiran ako ng pagkain kaya naman simula kaninang umaga ay wala pa akong kain.“I... brought donuts,” sagot ni Khael at nilingon ako. “Nagugutom ka ba? Saglit, kukunin ko.”Mabilis akong tumayo at pinigilan siya. “Doon ko na lang kakainin sa baba.”“Okay,” tumango siya at nauna na sa pinto. “Tara.”Palihim akong napangiti at sumunod sa kanya hanggang sa makababa kami sa kitchen. Pakiramdam ko ay isa kaming totoong couple na pumupuslit ng midnight
Ang sabi nila ay mabilis tumakbo ang oras kapag nag-e-enjoy ka. Kapag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay o gumagawa ka ng bagay na nagpapasaya sa ‘yo, parang alikabok lang na iniihip palayo ang pagkakataon. Tulad ngayon. Kagagaling ko lang sa clinic para sa check-up. Tatlong buwan na akong buntis... samantalang parang kahapon lang ay nagmamakaawa akong huwag iwan ni Khael. Sabi ng ob-gyne ay healthy naman ang baby at nadetect na rin ang heartbeat niya. Para sa akin ay napakagandang balita na no’n. Sapat na para ganahan muli akong lumaban at magpakatatag kahit pa sobrang hirap. Pero may mas maganda pang balita bukod do’n. Ayon sa ultrasound, hindi nag-iisa ang heartbeat.Masayang-masaya ako nang makauwi. Dahil nakabalik na rin si Ate Lorna, siya ang una kong binalitaan. Tulad ng inaasahan ay masayang-masaya siya. Tuloy, naisipan naming magluto ng meryenda bilang pagcecelebrate. Nakakita ako ng maruya sa daan pauwi at parang gusto kong matikman iyon kaya iyon ang ginagawa namin. Hin
Nagising ako kinaumagahan nang maramdaman kong parang hinahalukay ang tiyan ko. Napatakbo ako sa banyo saka dumuwal. Ilang segundo lamang ay nasa likod ko na si Khael, hawak ang buhok ko sa isang kamay habang ang isa naman ay hinahaplos ang likod ko. Halata kay Khael na natataranta siya at hindi alam ang gagawin, pero nakikita ko ring sinusubukan niyang huwag iyong ipakita sa akin. Sa loob ng tatlong buwan kong pagbubuntis, ngayon niya lang nasaksihan ang morning sickness ko kaya panigurado ay talagang matataranta siya. Nang matapos ay naghilamos ako at nagmumog. Paglabas ko ng kwarto, inabutan ako ni Khael ng tubig mula sa pitsel na nasa mesa. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya. “May gusto ka bang... kainin?” Hindi ko mapigilang matawa sa istura ni Khael. Daig niya pa ang nakakita ng multo at para bang kahit siya mismo ay hindi sigurado sa mga sinasabi niya. “Ayos lang ako,” saad ko at naupo sa kama. Parang umiikot ang paningin ko at pumipintig naman ang sentido ko, per
Nang mga sumunod na linggo ay nagsimula na ang tag-ulan. Nakiusap si Khael sa akin na huwag na muna akong lumabas dahil parating umaambon. Alam kong nag-aalala siya para sa mga anak namin, pero syempre, pinagbigyan ko na naman ang sariling kiligin at isipin na nag-aalala na rin siya para sa akin. Dahil hindi ako nakakalabas, ilang linggo ko na ring hindi nakikita si Mindy. Panay videocall at chats lang kami tungkol sa pag-i-imbestiga niya na mukhang wala naman nang patutunguhan, pero ayos lang naman dahil pakiramdam ko ay lagi nang nakatuon ang atensyon sa akin ni Khael. Ayos lang mawala si Mindy. In fact, I would trade him for Khael and I’m sure maiisip niyang sabunutan ako kapag nangyari ‘yon, pero mas mangingibabaw sa kanya ang understanding kalaunan. Alam niya naman kung gaano ako kapatay na patay sa lalaking ‘to. Hindi ko alam kung nag-a-assume lang ako, pero napapansin kong mas nagiging malapit si Khael. Hindi na siya tulad ng dati na malapit sa akin pero hindi ko mahawakan. N
“Hala!” Inagaw ko mula kay Khael ang measuring spoon, pero huli na dahil nailagay na niya ang laman no’n sa mixing bowl. “Baking powder ‘yan!” natatawa kong sigaw. Inilapag ko ang measuring spoon at sinubukang tanggalin ang naibuhos niyang baking powder.Taka naman siyang tumingin sa akin. “Sabi mo maglagay ako, ah?”Tuluyan na akong natawa. “Sabi ko baking soda.”“Magkaiba ba ‘yon?” “Oo! Naglagay na kaya ako kanina ng baking powder!” giit ko naman at tinitigan ang laman ng mixing bowl namin. Paggising ko kaninang umaga, nag-crave ako ng banana muffins. Matagal na akong nagpaplanong gumawa no’n kaya naman sinabi ni Khael na gumawa na lang kami. Pero mukhang palpak ang magiging almusal namin.“What do we do now?” Natawa na lang ako at sinabing hayaan na lang iyon. “Tingnan na lang natin kung anong kakalabasan mamaya.”“Or we could just restart from the beginning?” suhestiyon niya.“Wala na tayong saging. Hindi tayo makakalabas para bumili dahil sobrang lakas ng ulan. Okay na ‘yan. Wa
Kinaumagahan ay maaga kaming nagising ni Khael para maghanda sa business trip. Habang nasa shower siya, ako naman ay naisipang ipagluto siya ng babauning pagkain. Nang maisaayos ko ang lahat, ibinigay ko iyon sa kanya bago siya sumakay sa kotse. “Bye, little ones,” bulong ni Khaek sa tiyan ko bago tuluyang umalis. Pinanood ko nang mag-drive siya palayo. Makalipas nang ilang minuto, umalis na ako sa may pinto at naglakad na papunta sa kusina para magluto. As usual, nandoon na kaagad si Ate Lorna. She smiled at me, so I smiled back and help with preparing breakfast kahit pa pinipilit niya akong maupo na lang. “Grabe, Ate,” natatawa kong sabi at nagpatuloy sa paggagayat ng gulay. “Buntis lang po ako pero hindi ako lumpo.”“Nag-aalala lang ako sa ‘yo.” Napailing na lang siya. “Kumusta ka pala? Mukhang nagiging maayos na kayo ni Khael ah? Pansin ko kayo kapag inaangkin niyo ang kusina ko.”Natawa ako. Dahil nabanggit si Khael, bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot. Kaaalis niya pa lang
Pakiramdam ko ay taon ang lumipas bago kumalas si Khael sa pagkakayakap sa akin. Ngunit kahit pa ganoon, pakiramdam ko ay hindi pa rin sapat. Kulang pa rin. Gusto ko na lamang siyang yakapin hanggang sa malagutan ako ng hininga. Hinawakan ni Khael ang magkabila kong balikat saka ako pinakatitigan. Bumalatay sa mukha niya ang magkakahalong galit, lungkot at sakit nang makita ang mga sugat at pasa sa aking balat. “Francesca... sinong may gawa nito?” nag-iigting ang panga niyang tanong. Napalunok ako saka yumuko. Hindi niya dapat malaman. Magagalit siya, magkakagulo sila. Hindi ko kayang mangyari iyon... kaya umiling ako. Narinig ko ang pagsinghal ni Mindy sa hindi kalayuan. Bakas sa mukha niya ang galit. “See, I told you she wouldn’t say a thing! Hindi ko alam kung traumatized ba ‘yan o talagang ayaw lang magsalita.”Hindi pinansin ni Khael ang sinabi ng kaibigan ko. Instead, he caressed my face gently. Napapiksi ako dahil makirot pa rin ang mga sugat kaya naman napapikit si Khael sa
Isang banayad na haplos ang dumapo sa aking balat kasabay ng paghalik ni Mindy sa noo ko. Pinigilan ko ang mapakislot ng madampian ng kabi niya ang pasa ko ro’n.“Kumain ka na,” bulong niya at tumabi sa akin. Nakaupo ako sa veranda ng kanyang condo habang tinatanaw ang mga sasakyan at building sa hindi kalayuan. “Naghain na ako sa mesa.”Tumango lamang ako at hindi nagsalita. Dalawang araw na ang nakalipas simula nang kumatok ako sa pinto ni Mindy nang basang-basa at puno ng mga galos, pasa at sugat. Simula nang dumating ako, puro luha at hagulgol lamang ang nakuha ni Mindy mula sa akin. Sinubukan niyang magtanong kung anong nangyari, kung bakit ganoon ang itsura ko at bakit sobrang payat ko na, ngunit nanatili akong tahimik kahit pa anong pagmamakaawa niya sa akin.Ayokong magsalita dahil pakiramdam ko, muling magdurugo ang mga sugat at galos ko oras na sambitin ko ang lahat nang naranasan ko sa mansyon ng mga Lorzano. Ayokong magsalita sa takot na baka masira ko lamang ang lahat. Ayo
Mamamatay na ako. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ng boses sa isip ko. Patagal nang patagal, habang nakahiga ako sa malalim na sahig at kumakalam ang sikmura, mas nagiging totoo iyon. Mamamatay na ako nang hindi man lang nasisilayan ang mga anak ko. Mamamatay ako nang hindi man lang sila nabibigyan nang pagkakataon para makita ang mundo o makasama ang tatay nila. Mas nakakatakot iyong isipin kaysa sa nalalapit kong kamatayan. Hindi ko na namalayan pa ang mga oras na lumipas. Ang alam ko lang ay sobrang tagal ko nang nakakulong sa lugar na ‘to. Pakiramdam ko ay ilang taon na ang lumipas at habang buhay na lang akong nakabilanggo. Wala akong makain, walang mainom, walang daan palabas. Kagabi pa naubos ang tubig ko, halos dalawang araw na ang lumipas na wala akong kain. Hindi na ako umaasa pang babalik si Ate Lorna— o kahit na sino— para saklolohan ako. Mamamatay na nga talaga ako. Ipinikit ko ang aking mga mata kasabay nang paghiling sa Diyos na kunin na lang ako. Dahan-dahang puma
Lumipas ang magdamag nang hindi man lang ako pinagbuksan nang pinto ni Ate Marinelle— o nang kahit na sino. Nakaupo lang ako sa maruming sahig ng bodega habang tinitipid ang tubig na ibinigay ni Ate Lorna. Kung hindi dahil sa kakarampot na liwanag na pumapasok mula sa maliliit na butas ng kahoy na dingding, sobrang dilim ng buong silid. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak nang umiyak habang dinaramdam pa rin ang sakit mula sa mga pasa at sugat sa mukha ko. Bukod pa ro’n, parang dinudurog nang paulit-ulit ang puso ko habang iniisip ang ginawa sa akin ni Ate Marinelle. Sa loob-loob ko ay sarili ko ang aking sinisisi. Kung noon pa man ay umalis na ako, hindi na sana aabot pa sa ganito. Walang ibang dapat na sisihin sa lahat ng nangyari kundi ang sarili ko dahil hinayaan ko silang gawin ito sa akin.Buong gabi akong gising. Hindi ko magawag ipikit ang mga mata ko dahil pumapasok ang imahe ng mga patay na daga sa isip ko. Pakiramdam ko ay lalapit silang lahat sa akin at kakainin ako nang
“A-Ate, nasasaktan ako!” Sinubukan kong magpumiglas sa mahigpit na pagkakahawak ni Ate Marinelle sa buhok ko, pero hindi siya nakikinig. Nagsimula nang magpatakan ang mga luha ko dahil patuloy pa rin siya sa pangangaladkad sa akin.“Wala akong pakealam! Hinahayaan na nga kitang magreyna-reynahan sa bahay na ‘to, tapos ikaw pa may ang ganang manakit kay Blaine?!” galit na bulalas ni Ate at mas hinigpitan pa ang hawak sa buhok ko. The pain felt as though my whole scalp would be ripped off.“A-Ate, hindi ko siya sinaktan! Natumba lang siya sa harap ko!” umiiyak kong paliwanag, pero imbes na makinig ay mas hinila lamang ni Ate ang buhok ko. Hindi ko makita kung saan kami pupunta pero kung saan-saang parte ng mga furnitures tumatama ang binti ko habang patuloy kami sa paglalakad. Muntik pa ngang tumama ang tiyan ko sa isang kanto ng cabinet pero mabuti na lang at nakaiwas ako kaagad. “Ate, p-please, let me go...”Mula sa likod ko ay narinig kong humahabol sa amin si Ate Lorna. Rinig ko sa