Sa isang madilim na iskinita, naglalagi doon si Junior. Ang lalaking may bigote na siyang hinahanap ni Meldy.“Sinong pumatay kay Joel?” takang tanong niya sa isipan niya.Palaisipan sa kaniya kung sino, dahil alam niyang hindi ito napatay ng mga Santisas.“Nandito ka lang pala,” nagulat siya at napatingin sa bagong dating na si Pacio.“Sir-" nanlalaki ang mata niya nang makita ito.“Hindi ba binalaan na kita na huwag ka ng magpakita kay Meldy?”‘Ang pakialamerang babaeng yun!’“Sir, siya po ang dahilan kung bakit muntik na kaming mahuli ni Eliot noon.”Hindi nagsalita si Pacio. Nagsindi siya ng sigarilyo.“Bakit mo hinahanap si Melody?”Nagbaba siya ng tingin, hindi niya inaasahan na malalaman kaagad ni Pacio na hinahanap niya si Melody Penuela.“Hindi ko alam na kapatid siya ni Meldy,” saad niya at nagsindi na rin ng sigarilyo.“Lubayan mo na ang magkapatid lalo na si Meldy. Magbagong buhay ka na.” Pacio“Pero sir, sa tingin ko ay pinapatay kami. Si Joel, pinatay siya-"“Tauhan lang
Huling Na-update : 2024-05-20 Magbasa pa