KINABUKASAN, tahimik si Eliot at Meldy habang hinihintay si Elise na makalapit sa mesa kasama nila. Nasa hapagkainan na sila.Ramdam ni Meldy ang bigat sa atmosphere niya, ramdam din niyang kinakabahan rin si Eliot.“Good morning mama,” bati ni Elise.Ngumiti siya kay Elise at hinihintay nito na batiin rin ng bata si Eliot pero hindi yun nangyari. Nag-alala tuloy siya sa iisipin ng boss niya.“Miss Elise, nandito rin po si papa niyo.” Sabi niya pilit nilalapit si Eliot kay Elise.“Good morning Mr. Eliot.”Nanlaki ang mata ng mga katulong sa narinig. Kahit si Meldy ay ganoon rin. Hindi nila inaasahan na iyon ang sasabihin ng bata.“Ah—miss Elise-"Hinawakan ni Eliot ang kamay niya at umiling ito na para bang sinasabi na hayaan nalang muna ang bata.Tahimik silang kumakain, pero siya ay halos hindi na alam paano lumunok lalo’t kita niya at ramdam niya ang tension sa pagitan ng mag-ama.Nang matapos silang kumain, agad na kinuha ni Elise ang kamay niya. “Halika mama, I made something for
Last Updated : 2024-05-14 Read more