All Chapters of Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her: Chapter 301 - Chapter 310

335 Chapters

Chapter 122

KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
last updateLast Updated : 2025-01-08
Read more

Chapter 123

PALABAS na ng police station si Shiela nang humarang si Jeric."Anong ginagawa mo? Tumabi ka.""Pero tinatawag po kayo ni Sir--""Naririnig ko pero ayaw ko na siyang kausapin pa," ani Shiela na matalim ang tinging ipinupukol kahit pa bakas ang pagluha."Shiela!" sigaw ni Chris sa loob ng selda."Hoy, tumahimik ka't nakakabulahaw ka sa mga nagtatrabaho," saway ng isang pulis."Sir, baka pwede niyo naman akong palabasin na nang maaga? Kailangan ko lang kausapin ang asawa ko. Ayon siya." Sabay turo.Nang marinig iyon ni Shiela ay dali-dali siyang naglakad paalis sa lugar, na sinundan naman ni Jeric."Sa'n po kayo pupunta?""Uuwi na.""Ihahatid ko na po kayo, sandali lang," ani Jeric saka mabilis na bumalik sa selda. "Sir, gusto ng umuwi ni Ma'am Shiela, ihahatid ko lang po siya," paalam pa niya sa amo.Saka lang natahimik si Chris. "Sige..." aniya kahit gulong-gulo pa rin sa binitawang salita ng asawa. "Magkita na lang tayo mamaya sa mansion."Tumango naman si Jeric saka umalis upang sun
last updateLast Updated : 2025-01-09
Read more

Chapter 124

SA MGA SUMUNOD na sandali ay pareho silang natahimik habang lumuluha. Lugmok at nakatungo si Chris habang nasa mga mata ang isang kamay. Si Shiela naman ay nakatingala, animo ay kayang ibalik ang luhang pumapatak.Ilang sandali pa ay may dumating na katulong. Kumatok sa bukas na pinto. "S-Sir... tumawag po ang security guard sa may entrance ang sabi ay may kotse pong gustong pumasok para sunduin si Ma'am Shiela.Sumenyas lang si Chris, itinataboy ang katulong kaya agad rin itong tumalima at umalis."Sino 'yung susundo sa'yo?""Tauhan ni Lolo," tugon ni Shiela.Biglang tumayo si Chris saka lumabas ng kwarto habang nanlilisik ang mga mata. Nang mapansin iyon ni Shiela ay bigla na lamang siyang kinabahan.Hinabol niya agad ang asawa pero sa bilis ng paglalakad ni Chris ay hindi niya ito mapigilan. "Sandali lang, Chris!"Sina Zia at Maricar ay nabigla rin nang mabilis itong dumaan habang nakakuyom ang kamay at galit na galit."Pigilan niyo siya!" sigaw ni Shiela nang patungo na sa gate si
last updateLast Updated : 2025-01-11
Read more

Chapter 125

NANG una ay natigilan si Shiela hanggang sa mapakunot-noo. "Anong pinagsasasabi ninyo? Hindi 'to ang pinag-usapan natin!" kasabay ng pagtaas ng boses ay ang biglaan niyang paglayo."Huminahon ka muna," ani Mario."Pa'no ako hihinahon kung ganito ang ginagawa mo? Iniwan ko ang pamilya ko dahil sa mga banta mo tapos ngayon ay ganito naman?! Sumusobra ka na!"Biglang binagsak ni Mario ang hawak na baston na ikinagulat ni Shiela maging ni Castro."Senior, huminahon po kayo. Ang mas mabuti pa ay sa susunod na lamang natin 'to pag-usapan," saad ng lawyer saka niligpit ang mga dokumento sa center-table. Pagkatapos ay yumukod bilang pamamaalam. "Babalik na lang ako sa susunod, Senior." Saka ito tuluyang umalis.Nang maiwan ang dalawa ay tiningnan nang masama ni Shiela ang Abuelo. "Gusto ko ng paliwanag kung ba't mo 'to ginagawa."Tumayo sa kinauupuan si Mario at mataman itong tinitigan sa mga mata. "Bilang aking apo. Ayokong madungisan ang pangalan natin kaya inaalis ko sa buhay mo ang mga ba
last updateLast Updated : 2025-01-12
Read more

Chapter 126

PANIBAGONG araw na naman ang dumaan. Naka-ready na si Shiela para muling pumunta sa Cruz mansion.Bumaba siya upang kumain ng almusal nang matigilan matapos makita ang Abuelo na nakaupo sa hapagkainan. Buong akala niya ay umalis na ito dahil iyon naman talaga ang madalas na nangyayari. Napaatras tuloy siya dahil hindi niya ito gustong makasabay sa pagkain."Sa'n ka pupunta?" ani Mario matapos mapansin ang unti-unting pag-atras ng apo habang siya ay nagbabasa ng balita sa hawak na tablet."M-May naiwan lang ako sa taas," pagsisinungaling pa ni Shiela."Maupo ka, saluhan mo 'kong kumain ngayon at may sasabihin ako sa'yo."Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Shiela saka naupo malapit sa puwesto ng matanda."Hindi ko nasabi sa'yo dahil palagi kang wala pero may pupuntahan tayong event sa makalawa. Naka-ready na lahat kaya wala ka ng dapat pang alalahanin sa susuotin.""Ba't ngayon niyo lang po ito sinasabi sa'kin?"Isang seryosong tingin lang ang pinukol ni Mario sa apo. "Dahil biglaa
last updateLast Updated : 2025-01-13
Read more

Chapter 127

NAPATINGIN si Chris sa kamay nitong nasa kanyang braso. Hanggang sa unti-unti niyang inangat ang tingin sa mukha ni Sheilla.Ang ngiti naman ng dalaga ay naglaho at pareho silang nagkatitigan."Ang kamay mo," ani Chris.Sa narinig ay parang napasong inilayo ni Sheilla ang kamay. "S-Sorry po," paghingi pa niya ng paumanhin. "Hindi ko po sinasadya, Sir.""Ayos lang," saad ni Chris saka tumayo sa kinauupuan. "Hindi mo na 'ko kailangan pang ihatid sa labas. Kaya ko na."Umiling si Sheilla. "Sa labas lang naman. Tara na po, ihahatid ko na kayo sa kotse niyo."Wala na rin nagawa si Chris sa pagpupumilit nito at pinauna na niyang maglakad.Pero habang pinapanuod ang likod nito ay napapansin niyang hindi maayos ang paglalakad ng dalaga. Para itong susuray-suray."Ayos ka lang ba, Sheilla?"Lumingon ito na muntik nang ikatumba. Mabilis naman nilapitan ni Chris at inalalayan.Natawa si Sheilla dahil sa kalampahan. "S-Sorry po, Sir.""Ang mas mabuti pa ay bumalik ka na sa loob at lasing ka na pa
last updateLast Updated : 2025-01-14
Read more

Chapter 128

PINAGHILA si Shiela ng upuan at pagkatapos ay naupo naman sa kanyang tabi si Enzo saka nagtanong, "Ngayon ka lang ba naka-attend sa ganitong event?" bakas ang sigla sa tono ng boses.Tumango si Shiela bilang sagot at hindi na nagsalita sa pag-aakalang doon na matatapos ang usapan pero makuwento si Enzo. Kung saan-saan na nakakarating hanggang sa..."May boyfriend ka na ba?"Nanlaki ang mga mata ni Shiela sa tanong nito. "B-Ba't mo tinatanong?" aniyang ayaw naman mag-assume ng kung ano-ano.Ngunit hindi rin nakatulong ang tugon ni Enzo. Nagkibit-balikat lang kasi ito saka ngumisi na tila may nakakatuwa sa kanyang sinabi.Walang direktang sagot kaya hindi niya tuloy mahulaan kung anong nasa isip nito."Wala akong boyfriend pero may asawa na ko't anak," pahabol na lamang ni Shiela upang tuluyang matuldukan ang kung ano mang klaseng interes ang nakikita nito sa kanya.Pero sa halip na makitaan ng pagkadismaya ay nagtaka lang ito. "Wow, ang aga mo palang nag-asawa."Nang makita ni Shiela a
last updateLast Updated : 2025-01-16
Read more

Chapter 129

TINAKPAN ni Shiela ang sariling bibig upang mapigilan ang matawa nang husto dahil sa sinabi nito. "Hindi pwede, baka madamay ka na sa galit ni Lolo."Tumango naman si Louie saka makailang beses hinaplos ang buhok nito. "Kung 'yan ang gusto mo--" Tapos ay tumingin sa likod ni Shiela. "Mr. Moreno, ayos lang ba kayo?" aniya kay Mario.Napalingon naman si Shiela sa Abuelo. Sobrang sama na talaga ng tingin nito na nagbigay kaba sa kanya."Alis na 'ko," bulong muli ni Louie saka tumayo sa kinauupuan. "Babalik na 'ko sa table. Sana'y makapag-usap pa tayo sa susunod... Mr. Moreno." Saka bahagyang yumukod at bumalik sa dating puwesto."Napakahambog," inis na saad ni Mario pero si Shiela ang nakarinig dahil sila lang ang magkatabi.Nagawi ang tingin niya sa mga bisitang kasama sa table na iyon. Naroon ang kakaibang tingin at bulungan, halatang siya at si Louie ang pinag-uusapan.Hanggang sa may nagtanong na nga kung anong relasyon meron sila.Bago sumagot ay napansin pa ni Shiela ang tingin ng
last updateLast Updated : 2025-01-18
Read more

Chapter 130

HABANG pinag-iisipan ni Sheilla kung lulusong na lang ba o maghihintay na tumila ang ulan ay napansin niya ang isang taong papalapit habang may hawak na payong.Nang malapit na ay saka lang niya ito nakilala."Shiella, tara, sumabay ka na sa'kin. Ihahatid na kita sa inyo.""Sir? Ba't nandito pa kayo? 'Di po ba'y kanina pa kayo umalis?""Na-flat-an ako, tara, sumabay ka na at pauwi na rin ako. Mukha pa naman na hindi agad titigil 'tong ulan."Ngumiti si Sheilla. "Salamat po, Sir. Buti na lang talaga at nandito pa kayo kung hindi ay baka hindi na 'ko makauwi."Mabilis ang lakad ng dalawa patungo sa sasakyan. Pagsakay ay pinagpagan nila ang sariling damit na bahagyang nabasa."Mag-seatbelt ka at magmamaneho na ko," ani Chris."At iyon naman ang ginawa ni Sheilla. Matapos ay nagmaneho na ito paalis sa lugar ngunit inabot sila ng halos isang oras sa daan makarating lang sa kanila.Hiyang-hiya si Sheilla na nasayang ang oras ni Chris kaya inalok niya itong pumasok muna sa loob ng kainan par
last updateLast Updated : 2025-01-18
Read more

Chapter 131

NANLAKI ang mga mata ni Shiela sa sinabi nito. "B-Ba-Bakit ka naman sasama sa'kin?" nauutal niyang tanong."As you can see, wala akong dalang bag, kahit anong gamit. Ang meron lang ako ay extra cash at ang cellphone. Buti na nga lang at hindi pa bina-block ang card ko kaya nakabili pa ng ticket," paliwanag naman ni Enzo."Pero kahit na, ba't sa'kin ka sasama?""Ikaw lang ang kilala ko.""Kung bumalik ka na lang kaya sa Manila para walang problema?"Umiling si Enzo saka nagpalinga-linga sa paligid, parang may kung anong hinahanap. "Paniguradong may nakaabang na sa'kin sa airport kaya hindi ako pwedeng bumalik agad sa City."Napangiwi si Shiela nang biglang ma-stress sa pinagsasasabi nito. "At ba't ka naman kasi tumakas tapos idadamay mo pa 'ko sa kalokohan mo?"Biglang sumeryoso ang ekspresyon ni Enzo at sumandal sa kinauupuan. "Gusto ni Mommy na i-meet ko 'yung babaeng natitipuhan niya sa'kin.""You mean...?""Hindi naman siguro bago sa'yo ang arrange-marriage, 'di ba? Kayo ba ng asaw
last updateLast Updated : 2025-01-19
Read more
PREV
1
...
293031323334
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status