LaylaNagising na lang ako na nasa ospital na at si Ma'am Alice ang namulatan ko. Tama nga ang aking hinala na si Ma'am Alice yung taong nakita ko bago ako mawalan ng malay. Agad naman na niyakap ako nito ng mahigpit ng makita nito na nag si simula na akong mag hysterical matapos maalala na naman ang nangyari na yun. "Tahan na. Ligtas kana, naka kulong na yung mga may masamang balak sa iyo. Papunta na rin dito ang parents mo. Tinawagan ko sila nung makita ko yun 🆔 mo."Sabi pa nito sa akin. Napanatag naman ako dahil doon. Pero hindi pa rin naman ako nito pinakawalan at nakayakap pa rin ito ng mahigpit sa akin kaya naman mas lalo lang na nakaramdam ako ng kaligtasan dahil sa kanya. Maya lang ay humahangos na dumating na sila Mama at Papa kasama din si Ate Hanabi na ngayon ay todo ang alala ng mga ito sa akin. Kaya naman pinakawalan na rin ako ni Ma'am Alice at mabilis na niyakap ako ni Mama habang umiiyak ito. Maya lang ay kwento ko na sa kanila ang nangyari at todo ang sisi ni At
Last Updated : 2024-04-21 Read more