Cris point of view "Apo bakit ngayon lang kayo!?" Nag-aalalang mukha ni Lola ang sumalubong sa amin. Nasa likuran nito si Lolo at nakasunod lang pero ang tingin ay nasa kanila. Kumawala sa pagkakahawak niya si Elena at lumapit sa mga Lolo at Lola niya para yumakap at magmano. Tinignan niya ang paligid, at nakita niya na walang ibang naroon maliban sa mga kamag-anak nila. Natanaw niya ang mga magulang ng pinsan niyang si Dixson, tumango lang ang mga ito sa kaniya. Gusto niyang lumapit sa mga ito pero hindi niya pwedeng iwan ang mga Lolo at Lola niya. Kaya naman tumango nalang din siya. "Sorry po Ma'am, Sir, hindi po kasi ako nakapananghali kaya sinabihan ko po si Cris na dumaan muna ng fastfood para kumain." Sagot nito. Kaagad na ngumiwi si Lola dahil sa pagtawag ni Elena dito ng Ma'am. "Too formal iha." Ngiwing ani ni Lola. "She's right iha, you should call us Grandma and Grandpa or Lolo at Lola kagaya ng mga apo namin." Segunda naman ni Lolo. Tumatango si Lola bilang pagsang-
Huling Na-update : 2024-07-09 Magbasa pa