All Chapters of Flash Marriage with the Cold-hearted Billionaire: Chapter 11 - Chapter 20
32 Chapters
Chapter 11: Disrespect
Mabilis na hinila ni Yanna si Wendy pababa ng hagdan. Bumalik siya sa harapan nila Antonia at doon itinulak ang kasambahay na walang habas kung siya ay kutyain."Ganito na pala ang ugali ng mga tao rito sa bahay? Magtsitsismisan at maninira?" tanong niya habang malakas ang pagtahip ng dibdib. "Ito ang tatandaan mo, wala akong pakialam nagpapabango ka sa kamag-anak mo, pero sa oras ng trabaho, hindi kasali ang pakikipagtsismisan!"Napakuyom na lamang ng palad si Wendy. Hindi siya makapaniwala na tiningnan lang siya ng kanyang Tita Antonia habang kinakaladkad siya ni Yanna pababa ng hagdan. Ni hindi man lang siya nito tinulungan. Takot kasi ang ginang na maging pangit ang imahe nito sa harap ng asawa na si Preston. Kailangan nitong itago ang sungay pansamantala kahit na gusto na niyang sampalin si Yanna."Tama na 'yan, Yanna! Hindi ito ang dapat na pagtuunan mo ng pansin," pag-awat naman sa kanya ng kanyang ama. "Ang dapat nating pinag-uusapan ngayon ay ang kumpanya. I told you that DV
Read more
Chapter 12: Her Past
Sa nakalipas na dekada, maraming mga bagay ang hindi alam ng pamilya del Valle sa naging buhay ni Yanna sa probinsya ng Surigao del Sur.Noong mamatay ang kanyang Lolo Alfonso ay naging ulila siyang lubos. Pakalat-kalat siya sa kalsada sa kawalan ng makakain. Inakala niyang mamamatay na siya sa puntong iyon. Hanggang sa may isang tao na nagmagandang loob sa kanya. Ang tao na iyon ay ang dahilan kung bakit siya ligtas ngayon.Kung lumaki siyang mahina ay paniguradong magtatagumpay ang kanyang ama na ipadala siya kay Mr. Welsh. Mabuti na lang at may alam siyang ilang self-defense tactics kung kaya't mabilis siyang nakaalis sa sitwasyon na iyon.Naiisip na ni Yanna ang senaryo sa loob ng mansyon kung saan nakainom si Ree ng 'juice' na pinipilit nitong ipainom sa kanya. Kung tama ang kanyang hinala, ang laman ng juice na iyon ay isang aphrodisiac. Sa pagkataranta ni Antonia ay indikasyon iyon na malaking dosage ng gamot ang inilagay roon upang siguradong mapapasunod ng mga ito ang babae.
Read more
Chapter 13: Other Dimarco
Buong gabi na nagkulong si Ree sa loob ng kanyang kwarto. Hindi na niya kinakaya ang epekto sa kanya ng aphrodisiac na aksidente niyang nainom.Malalakas na ungol at halinghing ang kanyang pinakawalan. Wala na siyang ibang mapagpilian kundi ang pawiin ang sariling pagkauhaw. Kahit ang kanyang mga magulang ay naaawa na sa kanyang sinapit."Preston, do something! Hahayaan mo na lang ba na maging ganito ang anak natin?" naghuhuramentadong bulalas ni Antonia. Umiiyak na siya. Hindi niya maatim na malagay sa peligro ang kanyang anak.Para kay Preston, ang ospital ang pinakahuling lugar na kanyang pagdadalhan sa kanyang anak na si Ree. Kilala ang mga Del Valle sa buong Makati City at ang dalhin si Ree sa ganoong kalagayan ay isang kahibangan. Kung kaya't may isa pa siyang pagpipilian sa ngayon. Iyon ay ang tawagan ang bukod-tanging tao na makakatulong sa kanya at sa kanyang anak.Nag-dial siya ng numero. Ilang ring lang at kaagad nang sumagot ang kanyang pakay. Walang iba kundi si Jimviel D
Read more
Chapter 14: Secret
Nang mag-umaga, nakakunot ang noo ni Fortuno Dimarco, ang utak ng D.M. Group at ang lolo ni Alessio. Kanina pa siya hindi mapakali sa kanyang cellphone. Tinatawagan niya ang number ni Mang Tope ngunit hindi ito sumasagot.Lately, tila may napapansing kakaiba si Fortuno sa kanilang butler. Madalas na itong wala sa kanilang mansyon at madalas na hindi sumasagot sa tawag. Dati-rati nama'y mabilis lang ito kung sumagot. Ngayon ay tila nauubos ang pasensya ng matandang Dimarco sa ilang beses na pagtawag niya rito.Maya-maya ay patakbong pumunta si Mang Tope sa harapan ni Fortuno. Nakayuko ito at nahihiyang lumapit. "S-Sir Fort! Nandito na po ako.""Tope! Saan ka ba galing at hindi na kita mahagilap dito sa mansyon?" pagalit na tanong ng matanda."Pasensya na po, Sir Fort! Nanggaling po kasi ako sa Bella Casa Dimarco. May pinapaasikaso kasi si Sir Alessio sa akin doon," pag-amin nito habang nakayuko.Napakunot-noo naman si Fortuno. "Sa Bella Casa? At ano naman ang pinapagawa niya sa iyo doo
Read more
Chapter 15: Call Me Love
Sa pagsapit ng hapunan, ang lahat ay dumulog na sa hapag-kainan. Naging marami ang kwento ng bawat isa lalo na si Doña Trinidad. Si Yanna naman ay naiilang pa rin sa sobrang paglalambing sa kanya ng natandang babae. Hindi siya sanay sa atensyon ng kahit na sino kung kaya natatakot siya na baka ma-spoil siya ng dalawang matanda.Maya-maya ay napadako ang tingin ni Doña Trinidad sa kanyang kamay. Napataas ang kilay nito at naging matalim ang tingin kay Alessio pagkakuwan."Nalulugi na ba ang D.M. Group, hijo?" walang babala na tanong ng matandang babae."Lola, are you kidding me? Do you think I'll let that happen? D.M. Group is doing well. You know that, too," confident na paliwanag naman ni Alessio. He is proud of his capability as the CEO of D.M. Group kaya taas-noo nitong ibinida sa abuela ang nagawa. Mas lumago kasi ang kumpanya simula nang si Alessio na ang namamahala. Mas dumami ang branches nila at mas lalong dumami ang investors. Isang napakaimposibleng bagay na malugi ang D.M.
Read more
Chapter 16: Passionate
Hindi maintindihan ni Yanna kung bakit sa tuwing mapupunta siya sa ganitong sitwasyon ay tila nawawala ang kanyang kakayahan na magdesisyon para sa kanyang sarili.Kusa lamang siyang sumusunod sa lahat ng gusto ni Alessio. Sa ilalim ng umaagos na shower, halos hindi na siya pakawalan ng kanyang asawa. He is torridly kissing her even with his clothes on.Walang silbi ang lamig ng shower dahil sa mainit na pagsanib ng kanilang mga katawan. Lalo siya nitong hinapit habang magkahugpong ang kanilang labi. Unti-unti ring naglalakbay ang mga kamay ng lalaki sa kanyang katawan.Umalpas ang ungol sa kanyang bibig nang maramdaman niya ang paghagod nito sa kanyang kaselanan. "A-Alessio...""Damn, I really love the way you moan my name, my butterfly..." he said in a husky voice. Marahan nitong pinapaligaya ang kanyang kaselanan.Pagkatapos niyon ay siya na ang nagtanggal ng mga butones ni Alessio at hinubad ang basang polo nito. Itinapon niya ito sa may lapag at nagpatuloy sila sa kanilang paghah
Read more
Chapter 17: Ring
Tumulak si Yanna sa isang mall. Sa loob ay may isang malaking accessory store doon. Ang pangalan ng store ay Diamond. Isa ito sa pinakasikat na luxury store sa bansa. Hindi pa niya nasusubukan na bumili rito dahil hindi naman siya mahilig sa alahas.Pagkapasok niya sa store ay bumungad sa kanya ang isang empleyadang nakapangalumbaba. Wala itong gana sa pagbati sa kanya.Nagsimula na siyang mamili doon sa may istante. Halos malula siya sa dami ng magagandang singsing. Hindi tuloy niya alam kung ano ang kanyang pipiliin. Sa tuwing titingnan naman niya ang mga presyo ng mga ito ay gusto na lang niyang himatayin. Hindi niya kayang bilhin ang mga singsing na naroon."May napili na po ba kayo, Ma'am?" walang ganang tanong ng babae sa kanya.Tumitingin pa rin si Yanna hanggang sa may mahagip siyang sising na kakaiba. Napaturo siya doon at hinarap ang empleyado. "Ito, miss. Pwede ko bang makita?"Isa iyong diamond-studded na singsing. Naka-shape itong constellation Orion. Ang Orion ang pinaka
Read more
Chapter 18: Thank You
Nakailang yuko na si Sgt. Markus Clemente sa harapan ni Yanna. Humihingi ito ng paumanhin sa kanya nang paulit-ulit.Siya naman ay hindi magkandaugaga. Nahihiya na kasi siya sa mga taong tumitingin sa kanila. "S-Sir, tama na po. Wala po kayong kasalanan. Please po... pinagtitinginan na po tayo ng mga tao..." nahihiyang sambit ni Yanna."Hija, hindi ko mapatawad ang sarili ko! Napaka-incompetent ng mga alaga ko rito sa presinto. Kung hindi namin ito aaksyunan ay siguradong mananagot kami!" nag-aalalang turan nito.Hindi lang makapagsalita si Yanna ngunit may ideya na siya kung sino ang nasa likod ng biglaang pagpapakumbaba ng mga pulis sa kanya, lalo na ni Sgt. Clemente."Oh, siya! Nariyan na raw ang iyong sundo, Ms. Del Valle. Pasensya na po talaga sa abala..." anito."S-salamat po..." Nagpaalam na si Yanna sa matandang pulis at tumulak na sa labas. Nakita niya ang family driver ni Alessio. Naroon din si Mang Tope na kumakaway sa kanya.Agad na siyang sumakay sa kotse at napasandal sa
Read more
Chapter 19: Touch Over The Phone
Mabilis na nag-iwas ng tingin si Yanna. Hindi pa siya nakuntento at pataob na binagsak ang cellphone sa may bedside table.Bigla siyang pinagpawisan.‘Bwisit na lalaking 'to! Nananadya ba siya?!’"B-bakit mo biglang binuksan ang camera mo? Alessio naman!" protesta niya.Narinig niya ang nakalolokong tawa nito mula sa kabilang linya. "Bakit ba nahihiya ka? Nakita mo naman na 'to lahat...""M-magdamit ka nga!""Ayoko. You have to watch me.""A-ano?! Nasisiraan ka na ba ng bait? Alessio, umayos ka!""I'm going to wash up. You have to watch me. Please? This is how I want you to thank me for what I did earlier."Biglang pinamulahan si Yanna. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Talagang sisingilin siya ni Alessio dahil sa pagtulong nito sa kanya kanina. Wala naman siyang karapatang magreklamo. Asawa siya nito at pag-aari na nito ang kanyang katawan."Let me see you, butterfly. Flip over the phone now.""Ayaw!""Come on. This is the first time I won't be sleeping with you after our wedding..."
Read more
Chapter 20: Bonding with In-laws
"Ms. Yanna, pinapupunta ka ni Doña Trina sa kanilang mansyon," pagbibigay-alam ni Mang Tope habang naghuhugas siya ng pinggan."May sinabi ba si Lola na kung ano?" tanong niya. Nag-aalala siya na baka kagalitan siya ng matanda lalo pa at wala pa rin siyang singsing na suot.Sinabi kasi ni Alessio na ito na ang bibili ng singsing upang hindi na siya mahirapan sa pamimili sa labas. Hindi siya sigurado kung magiging masaya ang matandang babae sa ganoon."Naku, hija, huwag kang kabahan. Good mood si Doña Trina ngayon. Kanina pa nga sila nagbabangayan ni Don Fort dahil gusto ka nilang makasama," natutuwang turan ni Mang Tope."Ah, gano'n po ba? Sige po. Tatapusin ko lang po muna itong mga hugasin ko.""Naku, anak, huwag mo nang tapusin iyan. Ako na'ng bahala. Ayaw ng Doña na sila ay pinaghihintay!" Si Mama Sally naman ang sumingit sa usapan. Kanina pa ito nag-aalala dahil naunahan ito ni Yanna sa paghuhugas ng plato. Masyadong masipag ang napangasawa ni Alessio. Mabait pa ito at hindi maka
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status