Tumulak si Yanna sa isang mall. Sa loob ay may isang malaking accessory store doon. Ang pangalan ng store ay Diamond. Isa ito sa pinakasikat na luxury store sa bansa. Hindi pa niya nasusubukan na bumili rito dahil hindi naman siya mahilig sa alahas.Pagkapasok niya sa store ay bumungad sa kanya ang isang empleyadang nakapangalumbaba. Wala itong gana sa pagbati sa kanya.Nagsimula na siyang mamili doon sa may istante. Halos malula siya sa dami ng magagandang singsing. Hindi tuloy niya alam kung ano ang kanyang pipiliin. Sa tuwing titingnan naman niya ang mga presyo ng mga ito ay gusto na lang niyang himatayin. Hindi niya kayang bilhin ang mga singsing na naroon."May napili na po ba kayo, Ma'am?" walang ganang tanong ng babae sa kanya.Tumitingin pa rin si Yanna hanggang sa may mahagip siyang sising na kakaiba. Napaturo siya doon at hinarap ang empleyado. "Ito, miss. Pwede ko bang makita?"Isa iyong diamond-studded na singsing. Naka-shape itong constellation Orion. Ang Orion ang pinaka
Nakailang yuko na si Sgt. Markus Clemente sa harapan ni Yanna. Humihingi ito ng paumanhin sa kanya nang paulit-ulit.Siya naman ay hindi magkandaugaga. Nahihiya na kasi siya sa mga taong tumitingin sa kanila. "S-Sir, tama na po. Wala po kayong kasalanan. Please po... pinagtitinginan na po tayo ng mga tao..." nahihiyang sambit ni Yanna."Hija, hindi ko mapatawad ang sarili ko! Napaka-incompetent ng mga alaga ko rito sa presinto. Kung hindi namin ito aaksyunan ay siguradong mananagot kami!" nag-aalalang turan nito.Hindi lang makapagsalita si Yanna ngunit may ideya na siya kung sino ang nasa likod ng biglaang pagpapakumbaba ng mga pulis sa kanya, lalo na ni Sgt. Clemente."Oh, siya! Nariyan na raw ang iyong sundo, Ms. Del Valle. Pasensya na po talaga sa abala..." anito."S-salamat po..." Nagpaalam na si Yanna sa matandang pulis at tumulak na sa labas. Nakita niya ang family driver ni Alessio. Naroon din si Mang Tope na kumakaway sa kanya.Agad na siyang sumakay sa kotse at napasandal sa
Mabilis na nag-iwas ng tingin si Yanna. Hindi pa siya nakuntento at pataob na binagsak ang cellphone sa may bedside table.Bigla siyang pinagpawisan.‘Bwisit na lalaking 'to! Nananadya ba siya?!’"B-bakit mo biglang binuksan ang camera mo? Alessio naman!" protesta niya.Narinig niya ang nakalolokong tawa nito mula sa kabilang linya. "Bakit ba nahihiya ka? Nakita mo naman na 'to lahat...""M-magdamit ka nga!""Ayoko. You have to watch me.""A-ano?! Nasisiraan ka na ba ng bait? Alessio, umayos ka!""I'm going to wash up. You have to watch me. Please? This is how I want you to thank me for what I did earlier."Biglang pinamulahan si Yanna. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Talagang sisingilin siya ni Alessio dahil sa pagtulong nito sa kanya kanina. Wala naman siyang karapatang magreklamo. Asawa siya nito at pag-aari na nito ang kanyang katawan."Let me see you, butterfly. Flip over the phone now.""Ayaw!""Come on. This is the first time I won't be sleeping with you after our wedding..."
"Ms. Yanna, pinapupunta ka ni Doña Trina sa kanilang mansyon," pagbibigay-alam ni Mang Tope habang naghuhugas siya ng pinggan."May sinabi ba si Lola na kung ano?" tanong niya. Nag-aalala siya na baka kagalitan siya ng matanda lalo pa at wala pa rin siyang singsing na suot.Sinabi kasi ni Alessio na ito na ang bibili ng singsing upang hindi na siya mahirapan sa pamimili sa labas. Hindi siya sigurado kung magiging masaya ang matandang babae sa ganoon."Naku, hija, huwag kang kabahan. Good mood si Doña Trina ngayon. Kanina pa nga sila nagbabangayan ni Don Fort dahil gusto ka nilang makasama," natutuwang turan ni Mang Tope."Ah, gano'n po ba? Sige po. Tatapusin ko lang po muna itong mga hugasin ko.""Naku, anak, huwag mo nang tapusin iyan. Ako na'ng bahala. Ayaw ng Doña na sila ay pinaghihintay!" Si Mama Sally naman ang sumingit sa usapan. Kanina pa ito nag-aalala dahil naunahan ito ni Yanna sa paghuhugas ng plato. Masyadong masipag ang napangasawa ni Alessio. Mabait pa ito at hindi maka
Napayuko sina Melody at Melanie sa harapan ni Yanna matapos magsalita ni Doña Trinidad."We're so sorry to offend you in any way, Miss...?" plastic na pagpapakumbaba ni Melody. Sa kanyang loob-loob ay nagngingitngit ang kanyang kalooban. Hindi niya mapaniwalaan na ang kanyang kababata ay nabingwit ng isang plain na babae!"Yanna. Yanna del Valle po," sagot naman ni Yanna habang nakangiti."Oh, del Valle? Kanino ka bang anak? What's their business pala?" sunod-sunod naman na tanong ni Melanie. Halata sa mukha nito ang panghahamak. Sa isipan ng ginang ay ilang beses na niyang napintasan ang hitsura ni Yanna. Paano ito naging manugang ng mga Dimarco? Masyado plain at walang breeding!"Kailangan mo pa bang tanungin ang ganyan, Melanie? She's one of a kind! 'Yan lang ang dapat na malaman mo," pagsingit naman ni Doña Trinidad. Gusto niyang ipagtanggol at pagtakpan si Yanna hangga't maaari. Ayaw niya na tinatapak-tapakan lang ang kanyang manugang kung wala naman itong ginagawa upang kagalita
Hindi inaasahan ni Yanna ang pagiging madaldal ni Doña Trinidad. Agad nitong ipinagyabang sa ibang amiga nito ang tungkol sa nangyaring auction kanina.Ipinagyabang nito na binilhan ito ni Yanna ng isang pamosong painting na nagkakahalaga ng 170 million pesos o mahigit 9 million dollars. Halos hindi makapaniwala ang ibang mga bisita ni Doña Trinidad sa narinig. Kaya lang naman sila nagpunta sa mansyon ng matandang Dimarco ay para makibalita sa totoo. Nabalitaan kasi ng ilan sa kanila ang tungkol sa secret wedding ng apo ni Doña Trinidad at ni Don Fortuno na si Alessio Vann Dimarco. Hindi nila mapaniwalaan na ang mailap at walang kasing lamig na si Alessio ay magpapatali sa isang babaeng walang pinag-aralan tulad ni Yanna.Naroon si Yanna sa harap ng mga ito. Gusto man niyang umalis at magkulong sa isang kwarto ay hindi niya magawa. Pinipilit siya ni Doña Trinidad na harapin ang mga amiga nito. Halata sa mukha ng matandang babae ang kakaibang lakas ng loob. Proud ito sa kanya. Wala ito
"Hindi biro ang 170 million pesos, Alessio. Ang laki ng kinuha ko sa card mo. Sa tingin mo ba kakayanin ng konsensya ko na hindi bayaran 'yun?" rason ni Yanna. Hindi niya maatim na hindi bayaran ang malaking halaga na iyon kahit pa sabihing hindi niya matutumbasan ng kanyang buhay ang pera na iyon."You are not going to pay me. Period. From now on, you won't be using the word ‘Bayad’ again. You are my wife and everything I own is also yours. Please... ayoko ng ganitong usapan," maawtoridad na sabi nito sa kanya. Damang-dama ni Yanna ang madilim na awra ng kanyang asawa kahit na nasa kabilang linya lamang.Napabuntong-hininga naman siya. She's somewhat relieved that it turned out just like that, pero hindi pa rin niya maiwasang manghinayang sa malaking kantidad na iyon. Maaari na siyang makabili ng property sa ganoon kalaking pera ngunit gusto lang ni Alessio na ibaon na iyon sa limot."Okay," sa wakas ay sabi niya. Hindi na muling nagpumilit si Yanna sa usaping iyon."So, how was it?
"L-Lola Trinidad at Lolo Fortuno!" bulalas ni Jimviel. Pagkarating ng dalawang matanda ay agad siyang sumalubong habang nakangiti.Maaga pa lang ay nagising na kasi ang dalawang matandang Dimarco upang tingnan ang katabing taniman ng iba't ibang gulay. Bukod sa pinagkakaabalahan nilang mga bagay ay nakahiligan din ni Doña Trinidad ang pagtatanim ng mga halaman. Naka-gloves siya at may dalang pangbungkal ng lupa. Si Don Fortuno naman ay nakahawak ng grass cutter. Pareho silang nakasuot ng mamahaling sumbrerong pangsaka. Ang kanilang suot ay pang-itaas na kulay puti at kulay maroon na pangsaka.Napakunot-noo si Doña Trinidad. "Sino sila? Bakit ang daming tao rito sa may harapan ng bahay?""Ah, ako po ito, Lola, Lolo. Si Jimviel Dimarco po. Naalala n'yo pa po ba ako? Anak po ako pamangkin ni Lolo Fortuno na si Juancho Dimarco. Pamangkin n'yo po siya sa pinsan ninyong si Prospero Dimarco," pagbibigay alam niya.Lalong nangunot ang noo ni Don Fortuno. Hindi niya masyadong maalala ang iba n